Mahigpit ang pagkakahawak ko sa paper bag kung nasaan yung jacket na pinahiram ni Bryce sa akin noong nakaraang araw. Kung bakit naman kasi nagbibida-bida na magpapahiram ng jacket. Ngayong gabi rin ang unang gabi para sa Paskuhan. Ang balita ko mula kina Xyla at Porsche kanina ay tutugtog daw yung banda nila Naia. "Seryoso ka talaga sa regalong ito, Camilla? Baka nilalagnat ka ah!" Pang-aasar ni JM sa akin. Bawat isa sa kanila kasi ay binigyan ko ng Parker pen na may nakalagay na Engineer tapos pangalan nila. Nagulat pa sila kanina nung mga pinagbibigyan ko sila. Pati mga professors ay ganun lang din ang binigay ko. "Ibalik mo kung ayaw mo." Nakairap na sagot ko sa kanya. Bag at Parker pen din ang binigay ko sa mga kaibigan ko. Mabuti nga at tinanggap ni Naia yung kanya. Nag-uusap na