"Out ka na, Engineer? Hindi ka ba sasama sa get party mamaya?" tanong ni Eugene sa akin. Masyado kasing mataas ang sales ng pharma kaya magpapakain yung president ng kompanya para sa lahat ng department. I shook my head to him while putting all my things inside my bag. Ngayon ang uwi ni Bryce sa akin. Natapos kahapon yung lock-in shooting nila sa Ilocos and as usual ay marami na namang kumakalat na rumors about him and Kristine. Ginagawa ko na lang na bingi ang sarili ko para hindi ako maapektuhan. "Sayang naman po. Lagi ka na lang hindi sumasama sa mga dinner party natin," puna niya sa akin. "I have more important things to do tonight. So..." sinukbit ko ang bag ko sa balikat ko. "Siguro may date ka ngayon, Engineer?" nakangising tukso niya sa akin. Hindi na lang ako sumagot sa kan