"Kapag nasira pa yang laptop ko talaga." Pinalo ko ang kamay ni Bryce na kinaklikot ang laptop ko. Nadala ko hanggang dito yung gamit ko na iyon kasi nga papagawa ko sana. "Marunong ako dito, mahal." Pagyayabang pa niya sa akin. We were at their computer shop, kami ang bantay dahil nagpunta sa Dagupan si Felix kasama yung mga kaibigan. Tsaka may pinakuha rin ng supply ng Bangus si Ma'am Gina sa Dagupan. Dapat nga ay kami ni Bryce ang aalis pero naunahan siya ng kapatid niya. "It costs really a lot." Masamang tingin ko sa kanya bago binaling ang tingin sa mga customers ng computer shop. Most of them were playing online games, while others are doing some online research. I didn't know na ganito pa kalawak ang market ng computer shops sa province. Sa Manila kasi ay required na ang i