"Sana hindi ka na nagpunta pa sa Dagupan. Ang layo nun mula dito, tsaka nagpasama ka sana kay Bryce. Alam mo bang nakabantay nang nakabantay iyan sa labas ng bahay," Imporma sa akin ni Ma'am Gina. Ipinasok ni Bryce yung binili ko sa kwarto maliban sa cake. Hindi niya pa ako pinapansin sa hindi ko malamang dahilan, kaya hindi ko na lang din siya pinansin. Nagluluto ng palabok si Ma'am Gina para sa handa mamayang gabi. Marami na rin siyang nailuto ngayong araw. Maaga rin isinara ang computer shop dahil nag-iihaw si Felix sa likuran ng bahay. "Gusto ko po kasi sana na ako na lang muna yung maglakad. Nakakahiya naman din po kasi kay Bryce," Tanging nasabi ko sa kanya habang nagtatanggal ng shell ng shrimp. "Sus, mas gugustuhin nun na inaabala mo siya kaysa yung isip nang isip sa iyo kanina