The Mafia Dangerous Wife-Two
"B-b-b-bakit ka narito?" mabilis at utal-utal na wika ng lalaki.
"Tito, kailangan ko ng tulong mo," diretso n'yang wika sa lalaki.
" T-tulong? A-anong tulong? P-p-pasok,"
Pumasok ang dalaga sa loob ng pamamahay ng lalaki at inalayan s'ya nito ng mainit na kape. Malugod naman itong tinanggap ng dalaga.
"Nabalitaan ko ang nangyari sa iyong mga magulang, nakikiramay ako hija," sabi ng kanyang tito at nakaupo ito sa kabilang bangko na nasa kanyang harapan.
Hinigop ng dalaga ang kape at inilapag ito sa mesa. Pinagdaup ng dalaga ang kanyang mga palad at tumingin sa mga mata ng tiyo. Habang nagsasalubong ang mga mata nina Sandra at ng kanyang tiyo ay hindi maiwasan ng lalaking mapansin ang malaking pagbabago sa imahe ng dalaga. Hindi na ito ang batang nakilala n'ya noon. Hindi na ito ang mahinhin at mapagmahal na dalaga, hindi na ito ang batang malambing n'yang nakilala.
"Tito, train me. Turuan n'yo ako kung paano makipag-laban," desido n'yang sabi sa lalaki.
Agad na napatayo ang kanyang Tito Vince mula sa kina-uupuan nito at nakapamewang na tumalikod sa kanya.
"Sandra, alam mo ba ang pinagsasabi mo?!" may kalakasan nitong wika sa dalaga habang naka-guhit sa mukha nito ang buong pagtutol sa nais ng dalaga.
Kinakabahan s'ya sa biglaang pag punta ng dalaga sa kanya, at mas lalo s'yang kinakapos ngayon na hinihingi nito ang kanyang tulong.
"Tito, nandito ako para hingin ang tulong mo!" malakas n'ya ring bigkas sa lalaki sabay tayo mula sa kanyang kinauupuan at lumapit rito upang harapan at titigan ito sa mga mata.
"I want justice for my parents! Gusto ko ng hustisya para sa kanila. Kaya nandito ako sa harap mo upang humingi ng tulong. Bakit tito? Ayaw mo ba makamit ang hustisya para kay dad? Para sa kapatid mo?"
"Sandra, maari mo namang ipagkatiwala sa mga police ang kaso, ang hustisya para sa mga magulang mo. Hindi mo kailangan magpakawala ng galit at Ikaw mismo ang sosuong sa lahat. May mga police ang handang mag trabaho para sa hustisya at my batas tayo upang magbigay hatol sa mga my sala!" sabi ng lalaki at ipinakita ni Sandra ang kalahati ng isang pendant sa kanyang tito. Napa-atras si Vince ng makita ang pendant na iyon. Bigla s'yang kinabahan sa pendant na hawak-hawak ni Sandra. Sa itsura kasi nito ay para itong hidden symbol ng isang grupo.
"S-saan mo nakuha iyan?" nuutal nitong tanong sa dalaga.
"Sa police, akala ng mga police ay kay dad ito kaya ibinigay nila sa akin. Pinatunayan ko rin na may dad ito. I lied to them," sabi n'ya.
"Akin na, patingin ng pendant na iyan," sabi ni Vince at ibinigay naman ni Sandra ang pendant sa kanyang tito at masuri naman nitong tinignan ang naturang pendant.
"Hindi mo maaaring pasukin ang mundong ito, Sandra,"
"Tito, pareho ba tayo ng sapantaha? Na ang pendant na iyan ay hindi lamang pag aari ng ordinaryong tao lamang?"
sambit ng dalaga at tinitigan s'ya ng kanyang tito sa mga mata.
"Sandra, kung ang nais mo ay sanayin kita upang pasukin ang delikadong mundo ay hindi ko gagawin iyon. Ikaw nalang ay natatanging kayamanan ni kuya kaya hindi mo pwedeng ipahamak ang sarili mo,"
nag aalalang wika nito sa babae. Tumalikod si Sandra sa kanyang tito at galit na ikinuyom ang kanyang mga kamao.
"Ako tito, sila lang din ang meron ako. Sila lang ang kayamanan ko, sila lang ang buhay ko. Nang mawala sila ay nawala na rin liwanag ko, para akong naliligaw at parang wala na akong mapuntahan. Parang tinangalan na ako ng karapang mabuhay ng patayin sila ng walang pusong mga animal! Tito, lumapit ako sa'yo dahil alam kong matutulungan mo ako. Alam kong kaya mo akong sanayin,"
"Pero masyadong delikado ang pinapasok mo, Sanda!" putol sa kanya ng kanyang Tito.
"Alam ko, bago ako lumapit sa iyo alam ko na ang mundong papasukin ko, Tito. Kaya kita pinuntahan para tulungan ako hindi para pigilan ako," mariin n'yang wika sa kanyang tito sa napakatigas na tuno , na parang kahit sinong haharang sa kanya ayaw walang magagawa upang pigilan s'ya sa paghihiganting nais n'ya.
"Pero… b-baka matulad ka lang sa akin, Sandra. Tignan mo ako, dati akong Mafia assassin, marami akong kinitil na buhay ma-protektahan ko lamang ang boss ko. Marami akong sinayang na panahon sa buhay ko at naging Isa akong criminal. At tignan mo ako ngayon, sa kanaisan kong maging malaya ay tinakasan ko ang boss ko. Nagpalit ako ng pangalan at lahat-lahat makalayo lamang pero nandito ako sa lugar na ito. Sa isang liblib na lugar na wala kahit ano, walang anak, walang asawa, walang kapit-bahay. Sandra, baka matulad ka lang sa akin, walang kalayaan kahit saan mag punta. Mahirap pasukin ang Mundo ng mga Mafia, Sandra. At kapag nakapasok ka na sa mundong iyon, mahihirapan ka ng maka-labas at lumaya pa. Susundan at susundan nila pati anino mo, Sandra," wika nito sa dalaga subalit nag aapoy pa rin ang mga mata nito at buong-buo na ang loob ni Sandra sa kanyang naging desisyon.
"Buo na ang loob ko, Tito Vince. Kaya pakiusap, tulungan mo ako. Iyon lang ang hinihingi at hinihiling ko," aniya sa lalaki.
"Wala na ba talaga akong magagawa upang pigilan ka?" tanong n'ya sa babae dahil tansha n'ya sa kanyang sarili ay kahit anong sabihin n'ya sa dalaga ay hindi na magbabago ang desisyon nito.
"Huwag munang tangkaing baguhin pa ang aking isipan, Tito Vince. Ang pasya ko kahit kailan man ay hindi na magbabago," buo n'yang sagot rito.
Bumuntong-hininga si Vince bago sumagot.
"Sige, sasanayin kita. Ituturo ko ang lahat ng alam ko sa'yo. Sa isang kondisyon, Sandra. Pangako mo sa akin na papasok kang buhay at lalabas ka ring buhay mula sa mundo nila. Nagkakaintindihan ba tayo?" anito.
"Pangako, tiyo,"
Kinabukasan ay sumailalim na si Sandra sa pagsasanay kasama ang kanyang tiyuhin. Isang takas na Mafia Assassin si Vince noon, at hindi maipagkakaila na isa si Vince sa pinaka-magaling na assassin sa grupo nito noon. Mayroon s'yang code name ng 'The Silent Killer' Laging magaling si Vince pagdating sa kanyang tungkulin. Lalong-lalo na pagdating sa pagpatay ng mga bantang tao sa grupong kinabibilangan nito.
Kasalukuyang nakasuot si Sandra ngayon ng black leggings at white sando na humuhulma sa kanyang magandang katawan. Nakalublob ang kanyang mukha sa tubig habang nag-pupush up at hindi lang iyon. Tinatapakan pa ng kanyang ng tiyo ang kanyang balikat at pilit s'ya nitong inilulublub sa tubig.
"Ano, Sandra! Hanggang d'yan ka nalang ba? Iyan lang ba ang kaya mo?!" agresibong tanong sa kanya ng kanyang tiyo habang hirap na hirap na s'yang huminga sa ilalim ng tubig.
Buong lakas n'yang nilalabanan ang bigat na likha ng tubig sa kanyang katawan at ang bigat ng paa ng kanyang Tito Vince. Subalit ang bigat talaga ng paa nito, hindi n'ya kaya. Hindi na s'ya halos makahinga at palagay n'ya ay gusto ng bumigay ng kanyang katawan sa unang araw pa lamang ng pagsasanay.
"Gusto mo ilagay ang hustisya sa sarili mong mga kamay?! Pwes! Hindi mangyayari iyon, Sandra. Dahil mahina ka! Mahina ka!" pangmamaliit nito sa kanya na mas lalong nagpalakas sa katawan at puso't isipan ng dalaga. Buong lakas n'yang inipon ang kanyang buong enerhiya sa kanyang tiyan, paa at braso dahilan upang mabuhat n'ya ang malakas at mabigat na paa ng kanyang tiyo na naka-apak sa likod ng kanyang balikat. Hindi s'ya papayag na maging mahina dahil hustisya ang ipinaglalaban n'ya, hustisya para sa kanyang mga yumaong na magulang.
"Sige! Gawin mo pa iyan ng paulit-ulit!" mariing utos sa kanya ng kanyang tiyo at paulit-ulit nga n'yang inilublub ang kanyang sarili sa tubig habang nakadagan pa rin ang paa ng kanyang tiyo sa likuran ng kanyang balikat.
Hindi pa nakontento ang lalaki, kumuha pa ito ng sampung hollow blocks at ipinatanong ang mga iyon sa likuran ng dalaga.
"Bigyan mo ako ng tatlong daang push up kasama ang mga iyan. Kapag nagawa mo na ang mga iyon ay doon ka palang maaring magpahinga," sabi ni Vince sa dalaga at naupo sa graba ng dalampasihan habang pinapanood ang dalaga na gawin ang kanyang kumando.
Hanggang sa natapos na rin ni Sandra si Sandra sa kanyang pagsasanay sa loob ng mahabang oras. Bumigay ang katawan ng dalaga at bumagsak ang kanyang katawan sa tubig at nagsilaglagan ang mga hollow block mula sa kanyang likuran.
Pagod na pagod ang dalaga at hinang-hina ito. Kung makapag-habol din ito ng hininga ay parang wala na itong bukas.
"Hindi mo na ba kaya, Sandra?" mapanghamong tanong ni Vince sa halos patay na dalaga. Namumutla na kasi ang mga labi nito sa kabababad sa tubig at dahil na rin sa maraming lakas ang nawala sa kanya.
Ginalaw ng dalaga ang kanyang katawan, kinuyom n'ya ang kanyang mga kamay kasama ang maraming graba sa loob nito at gumapang palapit sa kanyang tiyo.
"H-hindi ako susuko, p-pagkain. Kailangan ko lang ng pagkain," aniya sa kanyang tiyuhin ng makalapit s'ya rito habang hingal na hingal.