The Mafia Dangerous Wife

3220 Words
The Mafia Dangerous Wife Sumailalim si Sandra sa mahigpit na pag-eensayo sa ilalim ng kanyang tito. Walang awa itong mentor sa kanya, naranasan n'ya ang magkapilay dahil pinatalon s'ya nito sa bangin ng sapa na may malalaking bato sa ilalim. Sabi kasi ng tiyo nito sa kanya ay isang kamatayan ang katumbas upang maging mafia assassin kaya kailangan ng dalaga na makaligtas sa lahat ng hamon sa kanya pamamagitan ng pag eensayo. Sa pagsasanay ng dalaga kasama ang tiyo ay naging maganda naman ang dulot nito. Natutu s'ya sa maraming bagay, natutu s'yang humawak ng baril, nawala ang takot n'ya sa kutsilyo at matalim na bagay. Higit sa lahat ay naging magaling s'ya at matapang. Kasalukuyang hawak-hawak ni Sandra ngayon ang kanyang baril at nasa harap n'ya ang limang latang walang laman ng sardenas upang gawin n'yang target sa kanyang pagsasanay. Isa-isa n'yang binaril ang mga ito at sapol sa sentro ang apat na lata. Tumalsik ang ika-limang lata sa ere at sunod-sunod n'ya itong binaril nasa ere hanggang sa tumaas ito sa ere at walang patuloy tigil pa rin n'ya itong pinagbabaril ng walang mentis. Lumagapak ang lata sa lupa na gutay-gutay at wasak na wasak. Isang palakpak naman ang umagaw sa attention ng dalaga. "Magaling! Magaling! Magaling!" papuri ni Vince sa dalaga na may ngiti sa mga labi. Naka-ngiti namang hinarap ni Sandra ang kanyang tiyo. "Nakita mo pala," may pagyayabang n'yang sagot dahil pinuri s'ya mismo ng taong nagsanay sa kanya. "Ako ang mentor mo kaya dapat lang na makita ko iyon," sagot nito sa kanya. "Ganyan ka na ba talaga ka-despirada upang maka-ganti at maka-alis dito upang pakitaan mo ako ng ganyan kagaling na abilidas?" seryoso n'yang tanong sa dalaga. "I want to leave tomorrow, thank you for teaching me this things," sagot ng dalaga. At sa sagot na iyon ay sapat na upang masagot ang katanungan ni Vince. "You will have your leave if you can prove to me that you are capable of flying alone," sagot ni Vince sa dalaga at tinalikuran ito. Sumapit ang gabi at tapos na ang puro pagsasanay ni Sandra, kumain s'ya ng maaga upang magkaroon s'ya ng mahabang pahinga, kalaunan ay mahimbing na s'yang natutulog hanggang sa lumawig pa ito ng lumawig. Sa gitna ng mahimbing na pagtulog ng dalaga ay nakarinig s'ya ng dahan-dahan at maingat na mga payak na papunta sa kanyang kwarto. Sandra was trained to have sharp senses. Subalit habang naririnig n'ya ang mga munting yapak na iyon ay nag aagaw ang kanyang pagod at antok. Nais n'yang huwag pansinin ang mga yapak na iyon ngunit biglang bumukas ang kanyang pintuan at sunod-sunod s'yang hinagisan ng dalawang kutsilyo sa kanyang higaan. Mabilis ang dalaga, maagap s'yang gumulong sa kanyang kama at ikinubli ang kanyang sarili sa sa ilalim nito. "Sino ang lapastangan na ito?" galit n'yang sabi sa kanyang sarili sa taong bumulabog sa maganda n'yang tulog. Agad na binuksan ni Sandra ang kanyang maliit na aparador upang kuhanin sana ang kanyang baril. "Sh*t?" mabagsik n'yang bulalas ng mapagtantong wala sa loob nito ang kanyang baril kundi nasa maliit na mesa pala ito sa kabilang bahagi ng kama. Mas pinatalas pa ng dalaga ang kanyang pakiramdam lalo na at walang nge isang patalim, o anong bagay na kasanga n'ya sa kanyang kamay na magtanggol sa kanyang sarili sa mga oras na ito. Gumapang s'ya ilalim ng kanyang kama upang kunin ang kanyang baril at upang ikubli ang kanyang sarili mula sa mapangahas na panauhing pumasok sa kanyang silid ng biglang umangat ang kanyang kama na kinabigla n'ya. Hindi n'ya inaasahan na ganun kabilis kumilos ang panauhin. Nabigla s'ya sa pag bungad nito, tinaob nito ang kanyang kama dahilan upang maging maingay ang kanyang buong silid. Malakas s'yang sinipa ng panauhin na t'yak n'yang lalaki banda sa kanyang sikmura, maagap naman n'yang nasalag ang paa nito gamit ang kanyang dalawang kamay subalit sa lakas ng pag sipa ay tumilapon s'ya ng malakas at tumama ang kanyang likod sa paang bakal ng kanyang kama. Napangiwi si Sandra sa sobrang sakit ng kanyang likod, pakiramdam n'ya ay mababalian s'ya ng buto. Isang sipa pa ang sumalubomg sa kanya, paluhod n'yang sinalag ang malakas nitong sipa, isang pagtalikod na sipa pa ang kasunod na ginawa ng lalaki, yukong iniwasan naman ito ng dalaga at hindi na n'ya pinalampas ang pagkakataon na makatayo. Dalawang kuyom kamao s'yang humarap sa lalaki, naka-posisyon ng tama kanyang dalawang paa sa pag atake. Naka-bonet ang panauhin at tanging ilaw lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa pagitan nilang dalawa, sapat na makita n'ya ang kalaban. Malakas s'yang umatake sa lalaki at itinapon ang kanyang dalawang magkasunod na sipa rito subalit ang bilis rin nitong mailagan ang kanyang atake. Parang kilala nito ang kanyang magiging galaw. Nagpalitan ng matinding mga suntok ang dalawa sa isat-isa subalit parehong magaling kung sumalag ang dalawa. Laking matang nabigla si Sandra ng biglang bumunot ang panauhin ng isa pang kutsilyo mula sa likod ng pantaloon nito at tinatraget nito ang buong leeg n'ya. "F*ck!" bulalas ni Sandra ng subukin n'yang umilag dahil parang huli na ang lahat hindi n'ya kayang ilagan, hindi n'ya agad napansin ang mabilis nitong galaw. Ngunit ganoon pa man ay nagawa pa rin n'ya itong ilagan sa dehadong oras. Napa-atras at agad din s'yang nakaramdam ng hapdi sa kanyang leeg kaya hinipo n'ya ito at tinignan ang kanyang palad na may bahid na pulang likido mula sa kanyang sugat. Handang umataki muli ang lalaki sa kanya, gusto nitong saksakin s'ya kaya ginawa n'ya ang lahat upang protektahan ang kanyang sarili. Hinila n'ya ang kanyang kama at inihagis ito sa kalaban. Tinamaan ang tuhod ng lalaki dahilan upang mapadapa ito sa kama. Humogot ng malakas na enerhiya si Sandra tinalunan ang lalaking nakadapa sa kama. Agad na gumulong ang lalaki sa kama upay ilagan si Sandra , subalit mabilis din s'yang pinaibabawan ng dalaga. Malakas na suntok ang kanyang ibinigay sa lalaki ng salitan, subalit dalawang suntok lang ang nagawa n'ya sa lalaki dahil nasalag na nito ang kanyang kamay matapos n'yang tinangkang hablutin ang bonet nito upang makilala n'ya kung sino ito. Sinuntok s'ya ng lalaki bandang balikat dahilan upang mawalan s'ya ng balansi sa katawan at bumagsak s'ya sa sahig. Subalit hindi naman masama ang kanyang pag basak dahil alam naman n'ya kung paano protektahan ang kanyang sarili mula sa masamang pag bagsak. Agad na tumayo ang dalaga at dali-daling tinungo ang mesa kung saan naroon ang kanyang baril. Nahawakan n'ya ang kanyang baril subalit agad ring naka-dagan ang paang nakasapatos ng lalaki sa kanyang kamay at malakas nitong inipit ang kanyang mga daliri. "Ughh!" masakit na ungol ni Sandra dahil sa sakit ng kanyang daliri mula sa mahigpit na pagkaka-apak ng lalaki sa kanyang kamay. Wala s'yang nagawa kundi bitawan ang baril at umataki ng isang suntok sa lalaki, subalit nahawakan nito ang kanyang kamay at pinulupot nito ang kanyang kamay papunta sa kanyang likuran. Napangiwi ang dalaga at Napaigtad s'ya sobrang sakit ng kanyang kamay at balikat, halos mamilipit na s'ya sa ginawa ng lalaki at nakatutok na ang matalim na kutsilyo nito sa kanyang leeg . Pero hindi s'ya maaaring sumuko. Ginamit n'ya ang kanyang isang kamay upang labanan ang lakas ng lalaki upang idistansya ng kahit kaunti ang kutsilyo nito mula sa kanyang leeg. Nag tagisan ng lakas ang dalawa, hanggang sa paunti-unting nailalayo ng dalaga ang kutsilyo mula sa kanyang leeg. Subalit malakas talaga ang lalaki, pakiramdam n'ya ay mauubusan s'ya ng lakas anumang oras, kapag nagkataon ay tapos na s'ya. Kaya buong pwersa n'yang sinipa ang isang paa ng lalaki at kasunod nun ay ang sinipa n'ya ang gitnang hita nito. Napa-aray ang lalaki at nabitawan s'ya nito. Maagap n'yang hinawakan ang isang kamay nito at binalibag sa sahig. Napaigtad ang lalaki sa sobrang sakit ng kanyang likuran at balakang. "Ughh!" impit sa sakit nitong ungol. Pumaibabaw ang dalaga, pinagitnaan n'ya ng kanyang dalawang hita ang dibdib ng lalaki tsaka sinakal ito ng sinakal. Sa sobrang higpit ng kanyang dalawang kamay sa leeg ng lalaki ay namula na ang pisngi at leeg nito. Lumulubo na rin ang ugat nito sa leeg at hinahanap ang sarili nitong hininga. Subalit hindi ganun kadali ang lahat. Hindi nagpatalo ang lalaki, kinapa-kapa nito ang kwelyo ng babae sabay malakas itong binalibag pa-alis sa kanyang ibabaw. At dahil bumabawi pa ng hininga ang lalaki ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Sandra, agad n'yang kinuha ang kanyang baril mula sa maliit na mesa at agresibong itinutok ito sa lalaki at handa na itong kalabitin ng biglang dalawang kamay na nagtaas ang lalaki, senyales na sumuko na ito. "Muntik mo na akong mapatay, ah," hinihingal na wika ng lalaki sa dalaga na tila ay binabawi pa nito ang kanyang hininga. "Tito?!" bulalas ni Sandra matapos n'yang makilala ang boses nito subalit alerto pa ring nakatutok ang kanyang baril rito. Kinuha naman ni Vince ang takip n'yang bonet sa kanyang ulo at mukha. "Oo, ako nga," aniya sa dalaga at doon pa lang ibinaba ni Sandra ang kanyang baril. Inilahad ni Vince ang kanyang kamay para sa dalaga at tinangap naman iyon ni Sandra. "Congratulations, napatunayan mo na sa akin ang iyong sarili. Bukas na bukas din pagsapit ng umaga ay pwede mo ng lisanin ang bahay ko," papuri ng ng tito n'ya sa kanya at isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ng dalaga. "Maraming salamat tito," malugod n'yang sagot dito. Tinapik-tapik naman ni Vince ang balikat ni Sandra. "Lagi mong tatandaan, sa mundo na papasukin mo ay dapat matalino ka at alerto," sabi nito sa dalaga bago n'ya ito iniwan mag-isa sa kwarto. Kinaumagahan ay maagang nilisan ni Sandra ang pamamahay ng kanyang tiyuhin dala-dala n'ya ang payo at mga pangaral nito sa kanya. Kinasusuklaman n'ya noon ang kanyang tiyuhin subalit hindi n'ya akalain na ito ang gagabay sa kanya sa daang matinik na papasukin n'ya. Kasalukuyang nakatayo si Sandra ngayon sa labas ng isang store umiinom ng cola. Gusto n'yang pasukin ang mundo ng mga mafia subalit hindi n'ya alam kung saan s'ya magsisimula. "Hmm!" bigkas ni Sandra sa loob ng kanyang isipan ng mapansin n'ya ang isang babaeng panay ang sulyap sa kanya. Kakaiba ito kung tumitig sa kanya na para bang may masama itong plano sa kanya. Lumagok pa s'ya ng cola at minabuting umalis, sa pag hakbang n'ya ng kanyang mga paa ay kumilos rin ang babaeng naka-itim at binanga pa nito ang kanyang balikat. Subalit hindi na n'ya iyon pinansin na may ngiti sa mga labi. Habang ang isang babae naman ay pangiti-ngiti rin itong naglalakad hawak-hawak ang wallet ni Sandra. Nakuha n'ya ito sa pamamagitan sa pag banga rito. Hindi n'ya ugaling mag nakaw, sadyang napag-diskartihan lang n'ya ang babae. Tinignan n'ya ang laman ng wallet nito at marami itong laman, kinuha n'ya ang pera sa loob nito at kinapa-kapa ang kanyang sariling wallet, subalit naalarma s'ya ng hindi na n'ya makapa ang kanyang sariling wallet. Agad na pumasok sa kanyang isipan ang babaeng binanga n'ya kanina at mabilis na napalingon sa kanyang likuran. Pagkalingon n'ya ay naka-ngiti ang babaeng binanga n'ya hawak-hawak ang kanyang wallet na inihagis-hagis pa nito sa ere. Gumuhit ang mga ngiti sa mga labi ng babae, humanga s'ya sa dalagang kaharap n'ya. "Mas maraming laman ang wallet mo kaysa sa wallet ko," proud na wika ni Sandra. "May ipinagmamayabang, magiging magaling s'yang partner ko," sambit ni Agda sa kanyang isipan. "Ikaw, anong pangalan mo?" tanong n'ya sa babae. "Sandra," maiksing sagot ng dalaga. "Ako so Agda, magaling ka. Gusto mo bang maging partner ko?" agad n'yang tanong kay Sandra. "At anong makukuha ko kapag sumama ako sa'yo?" balik n'yang tanong, kanina pa n'ya natignan ang laman ng wallet nito, at basi sa pera nito ay hindi basta-basta ang trabaho nito. Lumapit si Agda sa dalaga at kampanting ipinakilala ang kanyang sarili. Mabilis na nagkaintindihan ang dalawa at agad na tinanggap ni Sandra ang alok nito sa kanya. Para sa kanya ay ito na ang pinakamalaking uportunidad n'ya upang mapasok ang mundong ninanais n'ya. Dinala ni Agda si Sandra sa mansyon ng Monteverdi. "Si boss, nasa kwarto ba?" agad n'yang tanong sa mga tauhan na nasa labas at tumango naman ang mga ito sa kanya. "Agda, hindi ka maaaring magpapasok ng isang tao mula sa labas ng basta-basta," anito at ang tinutukoy nito ay si Sandra. "Huwag kang mag-alala, Uno. Magiging kasamahan natin s'ya," sagot ni Agda sa lalaki na may paninigurado. Pumasok sila sa loob ng kwarto ni Dremor at kasalukuyang bagong gising lang ang binata. "Sino iyang kasama mo?" agad nitong tanong kay Agda habang masama itong nakatingin kay Sandra. "Ako si Sandra," kasual na sagot ng dalaga. "Matuto kang tumahimik kung hindi Ikaw ang tinatanong ko!" mabagsik nitong sambit kaya itinikom ni Sandra ang kanyang bibig sa masungit na binata. "Ang init naman ng ulo mo, ako na bahala sa'yo mamaya, boss," may lamang sambit ni Agda. Bumuntong-hininga si Dremor habang nakatitig sa dalagang si Agda . "I've been thinking kung ikaw na ba ang pipiliin ko," anito sa dalaga at matamis namang ngumiti si Agda. "Agda, gusto mo maging partner iyan, sigurado ka bang hindi ispiya iyan? Hindi ba tayo madedehado dahil sa kanya?" paninigurado ni Dremor. "Hindi, at kung may makikita man akong iba sa kinikilos n'ya ay ako na mismo ang tatapos sa kanya," sabi naman ni Agda habang matalim na nakatitig sa dalagang si Sandra. "Tanggap na ba ako?" may kayabangang wika ng dalagang si Sandra sa naiinip na tuno. Dremor smirked at her. "Ang yabang mo, ipakita mo iyang yabang mo sa magiging trabaho mo sa akin, ayaw ko ng yabang lang," anito sa kanya. "Ilang negosyante ba ang gusto mong itumba ko?" Humagalpak sa tawa si Dremor at tuwang-tuwa na dinuro ang babaeng si Sandra. "Magaling! Magaling, Agda. Parang nakatagpo ka nga ng magaling na partner. Sige, tanggap ka na at huwag mo akong biguin," wika ng binata na may pag hangga sa tapang ng babae. Sa ilalim ni Dremor Monteverdi sa organization Dark Mark ay naging matinik na assassin si Sandra. Naging matunog ang pangalan n'ya at ni Agda sa mga assassin sa kabilang mga grupo. Itinuturing sila ng iba na pinaka-mahigpit at mahirap na kalaban. Sa loob ng halos isang buwang pag ta-trabaho ay wala pa ring nakalap si Sandra tungkol sa pendant na kaugnay sa pendant na hawak n'ya. Habang sa kabilang banda ay kasalukuyang nakipagkita si Agda sa isang mataas na lalaki at kasalukuyan s'yang nasa pag-aari nito. "Hindi, ayuko sa 'yo. Alam kong magiging asawa rin ako ng inaasam kung lalaki at hindi ko kailangan ang alok mo para maging mafia boss wife," proud n'yang sabi sa lalaki. "Pag-isipan mo pa rin ang sinabi ko sa'yo Agda, baka sa susunod na mga araw ay gagapang ka palapit sa akin upang hingin ang tulong ko. You are ambitious and greedy. Sayang ang offer ko kung aayawan mo," anito sa dalaga at walang kaabog-abog s'yang iniwan ni Agda. "Agda! Pag-isipan mo itong mabuti!" pahabol sigaw ng lalaki na may ngiti sa mga labi. Habang sa kabilang banda naman ay kasalukuyang binabaybay ni Dremor ang underground ng kanyang pamamahay. Sa underground kasi namamalagi si Sandra. Nagtataka s'ya kung bakit underground ang mas pinili nitong lugar kaysa doon sa mamahaling silid na ibinigay n'ya rito. Habang nakaupo si Sandra sa kanyang kama ay ramdam n'yang may taong nagkukubli at palihim na nakatingin sa kanya. "Lumabas ka na, alam kong nandyan ka," aniya at lumabas si Dremor na nagkukubli sa isang malaking pader sa underground. "Ikaw pala , boss. May ipapagawa ka ba sa akin?" agad n'yang sabi sa napaka-kasual na tinig. "Anong pakay mo sa pagpasok dito sa puder ko? Batid kong may tinago kang lihim sa organization. Sandra, ang pinaka-ayaw ko ay ang traidor sa organization ko. At alam mo kung ano ang nangyayari sa mga traidor diba?," mapagbantang wika ni Dremor sa dalaga. Matapang namang tinitigan ni Sandra ang kanyang amo sa mga mata. "May pakay ako sa pagpasok ko rito sa organization mo. Pero hindi ako isang traidor sa ilalim ng pamamahala mo," matapang na sagot ng dalaga. Lumapit si Dremor kay Sandra at matalim din itong tinitigan sa mga mata. Napalunok si Sandra sa mga titig nito. Matapang s'ya at alam n'ya iyon sa sarili n'ya. Subalit ang mga mata at titig ng lalaki sa kanya ay tila parang nilalamon s'ya nito ng buo. Kakaiba ang mga titig nito, mapanganib at mapanukat. "Nais mo ba talaga malaman kung ano ang pakay ko?" "Tell me," hamon nito. "Pinatay ang inosente kong mga magulang at batid kong hindi basta-basta ang pumatay sa kanila kaya nandito ako sa harap mo at mag-isang hinahanap ang hustisya," sagot n'ya. Balak n'yang ilihim ang kanyang tunay na pakay sa organization subalit mawawalan s'ya ng pagkakataon na mas mapalawig ang pag tuklas n'ya ng katotohanan kung ngayon mismo ay patatalsikin s'ya ng mafia boss. Masuri namang tinignan ni Dremor ang dalaga sa mga mata nito. "So, do you think that the criminal is mafia like me?" sagot n'ya ng walang kahit anong bahid ng pagsisinungaling s'yang nakita sa imahe ng babae. Tumango ang dalaga bilang sagot. "Iyan ang kutob ko," Hinapuhap naman ni Dremor ang pisngi ng dalaga habang tinititigan ito sa mga mata. Nilaro-laro pa n'ya ang buhok nito habang si Sandra naman ay nakipag-titigan sa lalaki. Gusto n'yang umiwas sa mga mata nito subalit nanatili lang ang kanyang paningin na nakatitig sa binata na tila parang may sarili itong desisyon. "You are beautiful, and sexy. I offer you to marry me and be my wife. In exchange of I will help you to find of who is your parents murderer," seryosong alok ni Dremor sa dalaga. "I will do it myself, ako mismo ang hahanap sa taong pumatay sa mga magulang ko. Hindi mo na kailangan pang tumulong, salamat na lang sa alok," ma-pride n'yang sagot. "Justice is easy to find if you deal with me. You will marry me and I will use your body. No need to love me, and I will fully grant you that justice will be served," mapanlinlang nitong turan. Nakita naman ni Dremor na napapa-isip ang dalaga kaya ngumiti s'ya ng nakakaloko. "Think alot about it my baby," dugtong nito at tinalikuran ang dalaga. "Saglit!" pigil ng dalaga sa nakatalikod na mafia boss. Hinarap naman s'ya ni Dremor at nagtama ang kanilang mga mata. Napalunok si Sandra ng kanyang sariling laway. Napapaisip s'ya kung tama ba ang desisyong gagawin n'ya. Kaya ba n'yang maging alipin sa kama ng mafia boss kapalit ang hustisyang inaasam-asam n'ya? "P-p-pumapayag na ako," nauutal n'yang sagot. "Ang bilis mo naman mag disesyon. Ang mga ganitong pagkakataon ay hindi talaga pinapalampas ng mga taong gaya mo,," anito sa kanya. "Ngunit paano ko mapapatunayan na buo na ang desisyon mo? Paano mo papatunayin sa akin na handa kang maging asawa ko?" Isa-isa namang binuksan ni Sandra ang mga botones ng kanyang blusa. Hindi pa buo ang isip n'ya pero buo na ang desisyon n'ya makuha lang ang hustisya. Napakagat labi naman ang mafia boss matapos malantad sa kanyang paningin ang magandang dibdib ng dalaga. Naglandas pa ang dila nito sa sarili nitong mga labi na tila ba ay natatakam. "Isa lang ang nais ko, dalhin mo ang lalaking pumatay sa mga magulang ko sa harap ko dahil ako mismo ang tatapos sa buhay n'ya,"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD