CHAPTER 2
Walang imik na nakatanaw lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Hindi ko magawang lingunin ang boss kong abnoy dahil sa sobrang inis sa pagmumukha ng lalaking ito. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na abaala ito sa kaniyang laptop.
“Bakit diyan ka nakatingin sa labas ng bintana? Ayaw mo bang makita ang mukha ko?” galit na tanong niya sa ʼkin kaya bigla akong napalingon sa kaniya. Salubong ang kilay nito.
Grabe. Ang galing talaga bumasa ng utak ng taong ʼto. Akalain mong nabasa nito kung ano’ng iniisip ko. Hanga na talaga ako sa abnoy na ito.
“Gusto ko lang pong tumingin sa magandang tanawin sa labas, boss,” palusot ko rito.
“Talaga lang, ha?” asar nitong wika.
“Totoo nga po, boss. Nagugtom na rin ako, eh, kanina pa tayo hindi kumakain ng pananghalian. Baka naman gusto mo akong pakainin, boss?” inis na sambit ko naman.
Tinaasan lang ako ng kilay ni Duke, nakakunot pa rin ang noo pero hindi na nagsalita. Bumalik muli ang tingin nito sa laptop para ipagpatuloy ang ginagawa nito. Mariin akong napapikit. Anak ng tokwa! Wala man lang reaksyon sa sinabi ko. Huwag mong sabihin na bingi na rin siya?
Saglit na tumigil ang sasakyan at nagulat na lang ako nang mayroon itong inabot na burger sa ʼkin.
“Iyan na lang muna ang kainin mo. Hindi tayo puwedeng bumaba ng sasakyan,” masungit na wika nito. Kinuha ko na rin ang burger sa kaniyang kamay. Okay na rin ʼto kaysay wala akong kainin, kanina pa nagwawala ang mga alaga ko sa tiyan. Sinimulan kong kainin iyon nang hindi tumutingin kay abnoy.
“Baka gusto mo akong subuan, Jenny?” biglang usal nito pero ang mga mata’y nakatutok pa rin sa laptop. Pumaling ang ulo ko sa kaniyang gawi saka marahang napailing ako. Kahit kailan talaga, napakatamad nito. Kinuha ko na lang ang isang buger para itapat sa kaniyang bibig.
“Bakit ʼyan?” asar na saad nito, ang paningin ay naroon pa rin sa laptop.
“Ha?” naguguluhang tanong ko.
“Ayaw ko niyan. Ang gusto ko ay ʼyong isang burger na kinakain mo.”
Nanlaki ang mata ko dahil sa kaniyang sinabi. Pambihira, may bawas na ʼto, eh! Hindi na lang ako nagsalita at kinuha ang burger na kinakain ko saka itinapat sa bibig nito. Agad niya naming ibinuka ang kaniyang bibig para kumagat. Nagulat pa ako nang sumayad ang labi nito sa daliri ko.
Muntik ko pang mabitawan ang hawak ko dahil tila ba may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. At doon din siya mismo kumagat sa parting kinagatan ko. Para tuloy kaming naghalikan ni abnoy.
Sa totoo lang, crush ko ito dati. Ngunit biglang nawala ang nararamdaman ko para sa kaniya nang malaman ko kung gaano ito ka-demanding na tao. Sobrang itim rin ng budhi at balunbalunan nito. Nakakainis lang. Ang masaklap at pinakamalupit pa rito ay ʼyong mga kakaibang utos na hindi naman makatarungan.
Kinuha ko na lang ang tubig para uminom. Napapailing na lang ako sa style nito. Ang sarap lang batukan ng pesteng tamad na ito.
“Boss, total ay hapon na rin naman, diyan niyo na lang ako ibaba sa kanto. Para isang sakay na lang ang pauwi ko sa bahay,” wika ko.
“Doon ka sa bahay matutulog, mayroon pa akong ipagagawa sa ʼyo,” mariin at masungit nitong turan.
Ayun, oh. Sure akong na kung ano-ano lang naman ang ipagagawa ng abnoy na ʼto sa ʼkin. Busangot ang mukha na bumaling ako sa kaniya.
“Boss, sa bahay ako matutulog,” wika kong nakikiusap ngunit masamang tingin lang ang ibinigay nito sa ʼkin.
“Bingi ka ba, Jenny?!” masungit na tanong nito sa ʼkin habang magkasalubong ang dalawang kilay.
“Gagawin ko na lang iyong ipagagawa niyo sa akin mamaya, pagkatapos ay uuwi rin ako sa bahay ko.”
Lalong nagdilim ang mukha nito na tila ba gusting magbuga ng apoy.
“Hindi mo puwedeng suwayin kung ano ang gusto ko, Jenny. Ako ang boss mo kaya matutuo kang sumunod sa ʼkin,” asar na usal nito.
Lihim akong napairap. Makaalis lang talaga ako rito, magdidiwang talaga ako. Hinding-hindi na ako babalik sa pesteng abnoy na ʼto. Kailangan ko nang ayusin ang mga papeles para makapunta na sa Canada.
Maya-maya lang ay huminto ang kotse, tanda na nandito na kami sa bahay nito. Nagmamadali akong lumabas nang hindi man lang ito hinihintay. Inis na inis talaga ako. Pagkapasok sa loob ng bahay ay agad na naupo ako sa sofa ngunit hindi pa man nag-iinit ang puwet ko ay bigla itong nagsalita.
“Ipaghanda mo ako ng makakain at dalhin mo sa kuwarto ko,” utos nito sa ʼkin. Paakyat na ito para pumunta sa silid. Napapailing na lang ako sa ugali ng boss ko. Sala sa lamig, sala sa init.
“My lord, ito na po ang ʼyong pagkain,” pauyam na wika ko. Tutal ay mafia load naman ito, tama lang ang itinawag ko. Kunot-noo itong tumingin sa ʼkin saka tumayo para lumapit kung saan ko inilagay ang mga pagkaing dala-dala ko.
“Lumapit ka na rito at kumain,” pagyaya nito sa ʼkin. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at mabilis na naglakad papunta sa kaniya, kanina pa ako nagugutom. Walang pag-aatubiling kumuha ako ng pagkain. Ramdam ko ang pagsunod nito ng tingin sa bawat galaw at pagsubo ko ng pagkain.
Bahala ka sa buhay. Basta ako, busog. Pakialam ko ba kung mabagal kang kumain.
“Ang lakas mo talagang kumain, Jenny. Kawawa ang magiging asawa mo,” walang pakundangang pahayag nito.
Gusto ko tuloy ibuga lahat ng laman ng bibig ko sa mukha nito. Hanep din ang pesteng lalaki na ʼto, ah? Pagkatapos akong alukin na kumain, ganito lang ang mapapala ko. Sasabihan pa akong malakas kumain.
Taas-kilay ko itong tinitigan. “Kung mag-aasawa man ako, siguro ay amerikanong mayaman ang pipiliin ko. Para siguradong hindi ako mauubusan ng makakain dahil mayaman sila,” inis na sagot ko.
“F*ck!” malakas na hiyaw nito sabay hampas sa lamesa kung saan kami kumakain. Naniningkit din ang mga mata at umiigting ang panga. Naguguluhang tinitigan ko lamang ito. Ano’ng nangyayari rito? Tila ba gustong mag-amok ng away. Padabog itong tumayo saka ako tinitigan.
“Walang lalabas,” asik nito sa ʼkin. Naglaka dito papuntang pinto saka iyon binuksa, nang makalabas ay pabagsak niya iyong isinara. Narinig ko pa ang tunog ng pag-lock nito mula sa labas. Napakamot na lang ako sa kilay.
Grabe, abnoy talaga.
Humilata ako sa sofa. Hindi ko naman kasi alam kung saang kuwarto ako matutulog lalo na’t ipinagbilin pa nito na huwag daw akong lalabas. Dahan-dahang pumikit ang mata ko para matulog.
Ang sarap ng tulog ko. Pero bakit pakiramdam ko ay mayroong humahaplos sa paa ko? Mabilis akong napamulata at sumalubong sa akin si Duke na prenteng nakaupo sa paanan ko. Abala ito sa kaniyang laptop. Muntik ko nang makalimutan na ditto nga pala ako natulog sa sofa.
“Boss, uuwi muna ako,” paalam ko rito ngunit wala akong narinig na salita. “Ano ʼyon? Bingi-bingihan lang?” mahinang usal ko pero sapat para marinig nito.
“Mamaya ka na umuwi, may ipagagawa pa ako sa ʼyo. Lumapit ka rito, may pappapirmahan ako sa ʼyo.”
Walang pagdadalawang-isip akong lumapit, naupo ako sa tabi nito. May kinuha itong brown envelope, mula roon ay kinuha niya ang isang piraso ng papel.
“Pirmahan mo,” utos nito sa ʼkin.
Kinuha ko iyon mula sa kaniyang pero nagsalubong ang kilay ko nang makitang walang nakasulat na kahit ano. Nagtatakang binalingan ko ito.
“Ano ʼto, boss?”
“Papel! Ano sa tingin mo?!” asik nito.
Napahinga ako ng malalim. Eh, kung sipain ko kaya ʼto nang matauhan man lang?
“Bakit ho walang nakasulat? Saan ako pipirma rito?”
“Diyan ka pumirma sa ibaba.” Itinuro nito ang ibabang bahagi ng papel kung saan niya ako gustong pumirma.
“Ha? Bakit ako pipirma, boss? Para saan ba ʼto? Baka naman makulong ako dahil dito, ah?” kabadong tanong ko.
“Walang nakalagay diyan na makukulong ka. Ang usapan ay pumirma ka lang. bilisan mo na nga!” galit na turan nito.
“Boss, ayaw kong pumirma riyan,” mahinang usal ko saka ibinalik ang papel sa kaniya. Ngunit laking gulat ko nang maglabas ito ng baril at walang pag-aalinlangan na itinutok sa ʼkin.
“Isang tanong, isang sagot,” mariing sambit nito habang nagtatagis ang ngipin. “Pipirma ka o hahalikan kita?! Kapag ako humalik, paniguradong mabubuntis ka agad, Jenny,” pagbabanta nito.
Hindi ako nakaimik at sunod-sunod na napalunok ng laway. Pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko sa kaba. Agad na kinuha ko ang puting papel at basta na lang pumirma sa ibaba. Pagkatapos ay mabilis ko ʼyong ibinalik sa kaniya. Nahuli ko pa ang pagsilay ng ngisi sa labi nito. Na tila ba nagtagumpay ang pesteng abnoy na ʼto.