My Lord 1

1318 Words
BY: SRRedilla “Jenny Kurtal!” Napalingon ako sa taong tumawag sa ʼkin at mabilis din na kumunot ang noo dahil hindi ko naman kilala ang babaeng iyon. Bakit kilala niya ako? “Miss, kilala ba kita?” tanong ko na may pagtataka. “Hindi mo na ba ako kilala, classmate? Ako ito, ang dating lalaki na ngayon ay babae na!” malanding saad nito at pumilantik pa ang mga daliri sa kamay. “Oh, my God! Paul Hermes? Ikaw ba ʼyan?” gulat na tanong ko habang nanlalaki ang mga mata. “Yes! Ako nga ito pero hindi na Paul ang pangalan ko.” Natigilan ito sandali at muling nagsalita. “Paula na dapat ang itawag mo sa ʼkin dahil isa na akong babae ngayon, classmate,” wika nito. “Wow! Ang ganda mo. My gosh!” masiglang bulalas ko. Isa siya sa mga nagging kaklase ko no’ng high school ako. Pero ang alam ko, pagka-graduate namin ay pumunta siya kasama ang parents niya sa Canada. “Mas maganda ka pa rin sa ʼkin, Jenny! Saka ang sexy mo ngayon. Nakakainggit ka naman,” pahayag niya habang sinusuri ang aking katawan. Tumawa lang ako rito. “Huwag kang mainggit sa ʼkin dahil wala naman akong kuwarta. Maganda nga ako, wala naman akong datong. Wala ring silbi ang ganda at sexy ko,” wika ko rito. Saglit siyang natigilan bago muling magsalita. “Kung tutuusin, puwede kang maging modelo, Jenny. Naku! Sure akong sisikat ka,” pahayag nito nang may paghanga. Nagliwanag ang mukha ko dahil sa kaniyang sinabi. “Talaga? Puwede ba akong maging modelo?!” “Yes, classmate! Kung gusto mong maging modelo, mayroon akong ipapakilala sa ʼyo. Puwede kitang ipasok kaya lang ay sa Canada ka dadalhin.” “Wow! Talaga? Alam mo bang gusto kong makapunta ng Canada? Sana nga’y matupad ko ang pangarap kong makapunta sa bansang ʼyon.” “Ganito na lang, bibigyan kita ng calling card. At kung sure ka na sa pagmomodelo, tumawag ka lang sa number na ito,” pahayad nito habang inaabot ang calling card. Marahan siyang ngumiti. “Salamat dito. Pag-iisipan ko ang sinabi mo, saka matagal ko na ring gustong pumunta sa Canada.” “Sige. Hihintayin ko ang tawag mo, classmate,” wika niya. Ngumiti muna siya bago umalis sa harap ko. Ang laki na ng pinagbago ni Paula. Akalain mong babaeng-babae na ito ngayon. Muli akong naupo sa lobby ng hotel para hintayin ang boss ko. Ewan ko nga ba kung bakit pa ako isinama rito kung paghihintayin lang naman ako sa labas? Nakakainis talaga ang isang ʼyon kahit kalian! Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa. Nag-text si ate, kinakamusta ang lagay ko rito sa Manila. Napangiti ako. Sa totoo lang, namimis ko na ang mga magulang ko at si ate. Dalawa lang kaming magkapatid. Kaya lang, nag-asawa na si ate at may anak na rin. Balak ko ngang umuwi sa Laguna sa susunod na linggo. Limang buwan na rin pala akong hindi umuuwi sa amin. Namimis ko na si inay at itay. Malawak ang ngiti na nagsimula akong magtipa ng reply para kay ate dahil nalaman kong buntis pala ito. Ngunit hindi pa man din ako tapos ay biglang nawala sa kamay ko ang hawak kong cellphone. Mabilis na bumaling ang tingin ko sa taong kumuha nito. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ang pesteng amo ko. “Boss, cellphone ko ʼyan, ah!” inis na wika ko rito. “Oras ng trabaho pero nakatunganga ka sa cellphone! Pasalamat ka at hindi pa kita pinapaalis sa trabaho mo lalo na’t lagi kitang nakikitang gumagamit ng cellphone!” asik niya sa ʼkin. Ano raw? Wala naman akong ginagawa, ah! Kahit kalian talaga, panira ito ng araw ko. Nakakainis! Mas matutuwa pa ako kung aalisin na lang ako sa trabaho. “Boss, wala naman akong ginagawa! Saka nag-text lang naman ako sa kapatid ko,” katwiran ko. “Wala akong pakialam kahit sino pa ʼyan. Bawal kang humawak ng cellphone sa oras ng trabaho, Jenny Kurtal." Nanahimik na lang dahil lalo lang na hahaba ang usaping ito. Hindi pa naman nagpapatalo ang isang Duke Walker. “Oh, hindi ka na nakapagsalita, Jenny? Nalunok mo na ba ang dila mo?” asar nito. Anak ng tinapa naman, oh! Hindi na nga ako nagsalita pero putak pa rin ng putak. Naku, Jenny, konting pasensiya pa. “Jenny!” Malakas na sigaw nito. Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat. Tumingin ako rito. “Umayos ka!” banta sa ʼkin ni Duke saka umalis na sa harap ko. Habang tumatagal lalong lumalala at lumuluwag ang turnilyo sa utak ni Duke Walker! Masisiraan yata ako ng bait! Tahimik akong sumunod papasok sa kaniyang kotse. Nakasimangot itong tumingin sa akin. “Naligo ka ba, Jenny?” tanong nito. “Yes, Boss! Ang tagal ko nga sa cr, eh.” “Kung naligo ka, eh, bakit ang baho mo pa rin?” tahasang tanong nito dahilan para manlaki ang mga mata ko. Wow, wala man lang pasintabi. Tuloy-tuloy talagang sinabi na mabaho ako. Pinakatitigan ko ito. “Boss, huwag kang mag-inarte kung mabaho ako. Nakikiamoy ka na nga lang, nagrereklamo ka pa.” “Paanong hindi ako magrereklamo? Nakakasuka ang amoy mo!” asik nito. “Eh, ʼdi huwag mong amuyin. Problema ba ʼyon?” asar na wika ko. Kahit kalian talaga, tanga rin ang mafia lord na ito. “Aba, sumasagot ka na ngayon sa ʼkin, Jenny?” “Nagsasabi lang naman ako ng totoo, boss.” Nakakainis! Simula nang pumasok ako bilang P.A nito, puro na lang pasaring ang naririnig ko. Hindi naman talaga P.A ang trabaho ko, malaki lang talaga ang sahod ko rito kaya tinanggap ko ang posisyon na ito. Sa bangko ako nagtatrabaho noon pero bilang Personal Asisstant pala ang bagsak ko. Ang masaklap pa, ito rin pala ang may-ari ng bangko kung saan ako nagtatrabaho. Sa dami naming pagpipilian, bakit ako pa ang napili ng abnormal na lalaking ʼto? Pinapangit ko na nga ang itsura ko para hindi mapili pero wala ring nangyari. Ako pa rin ang nakita at kinuha. “Miss Kurtal! Pakitawagan nga si Mr. Roy Uy, sabihin mo na baka nakakalimutan na niya ang usapan naming!” galit na utos nito. “Ha? Akala ko ba bawal ako gumamit ng cellphone?” tanong ko sa boss kong abnoy. Nakita kong nagsalubong ang kilay nito at nag-iba ang timpla ng mukha, iyong tipong parang mangangain nang buhay. Dahan-dahan itong lumapit sa ʼkin at dahil sa taranta ay agad akong napaatras. Ngunit pinto na ng sasakyan ang nasa likod ko. “Ano’ng sinabi mo, Miss Kurtal?” tanong niya habang lumalapit sa ʼkin. Bigla akong kinabahan. “A-Ah, s-sige po, boss. Ako na ang tatawag,” uutal-utal at kabadong turan ko. “Mukhang sumasagot ka na sa akin, Miss Kurtal. Hindi ka na ba natatakot sa ʼkin?” tanong nito at muling lumapit sa gawi ako. Nag-iwas ako ng mukha dahil sobrang lapit na nito sa ʼkin. Ramdam ko ang mainit na hininga nito sa aking leeg, tila ba may naghahabulan sa loob ng dibdib ko. “Hindi ko nagugustuhan ang pagsagot mo ng pagbalang, babae! Baka kung ano ang magawa ko sa ʼyo.” Nanlaki ang mga mata ko nang mas lalo siyang lumapit na halos nararamdaman ko na ang labi nito sa aking leeg. Biglang kumabog ang dibdib ko na para bang may naghahabulang daga sa loob. “B-Boss, t-tatawagan ko na si Mr. Roy Uy,” nauutal kong wika. “Maganda ka naman pala? Puwede nang pagtiisan kahit mabaho ka,” mapanglait na turan ng lalaki. Hanep naman, oh! Grabe talaga ang bunganga ng lalaking ito. Naku! Baka pagtuntong ko ng bente-singko anyos ay wala na akong dugo dahil sa kunsumisyon sa mafia lord na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD