Marco-3

1628 Words
Sinamahan siya ng lalake na bumaba sa unang palapag ng malaking bahay, para kumain. Hindi siya makakatulog na kumakalam ang sikmura niya. Dahil wala siyang damit, pinahiram muna siya nito ng puting t-shirt nito. Manipis lang ang katawan niya kaya, tila bestida na sa kanya ang t-shirt nito. Wala siyang bra, naiilang man ay hinayaan na niya na bumakas ang malalaking dibdib sa suot na t-shirt. Hindi naman mukhang maniac ang lalake. Pasimple naman niyang pinagmamasdan ang malaki at modernong bahay. Masasabi niyang mayaman, isang milyonaryo o bilyonaryo nagmamay-ari ng bahay. "What do you want to eat?" Tanong sa kanya ng lalake nang makarating sa malaking kusina. Namangha pa siya. Kusina palang yata ng bahay ay kalati na ng tinitirhan niyang condo sa siyudad. "Sandwich," sagot niya. "And milk please," dagdag pa niya. Tumango naman ang lalake at tumalikod na sa kanya. Lumakad palapit sa two door ref. Naupo naman siya sa may mataas na upuan katapat ng marble na lababo. Saka pinagmasdan ang lalaking kumukuha ng mga pagkain sa ref. "Gusto mo ako na lang gagawa?" Tanong pa niya. Naisip kasi niyang baka dahil lalaki ito, ay hindi ito sanay mag prepare ng pagkain. "Ako na," malamig na tugon nito na hindi man siya nililingon. Tahimik na lang siyang naghintay sa sandwich na ginagawa ng lalake para sa kanya. Nakasunod naman siya ng tingin sa bawat galaw nito. Ilang beses pa siyang napasulyap sa magandang pang upo nito. Sa dami na niyang naka trabahong mga lalaking magaganda ang katawan, wala pa siyang inangahan talaga. Hindi katulad ng lalaking nasa harapan niya na para bang nililok ang ganda ng hubog ng katawan. Kahit sa t-shirt at jogger pants na suot nito ay kitang-kita niya ang magandang katawan nito na halatang alaga sa gym. Napakagat labi pa siya. Parang iba na ang nais niyang kainin, habang nakatingin sa lalake. Nagbago yata ang craving niya. "Do you like pepper sa sandwich or not?" Nanlaki ang mga mata niya sa biglang paglingon sa kanya ng lalake. Mabilis niyang inalis ang pagkakagat sa ibabang labi at inayos ang sarili na tila lutang. Kumunot naman ang noo ng lalake sa nakita nitong ekspresyon niya. "No pepper," pigil hiningang sagot niya at nag iwas ng tingin sa lalake. "Ok," sagot nito at muling tumalikod sa kanya. Nagbuga siya ng hangin at nagkibit balikat. Napasimangot pa siya at nais murain ang sarili sa pagkakahuli sa kanya ng lalake habang tila pinagnanasahan niya ito, para bang first time niyang makakita ng lalake. "Eat," sabi ng lalake nang ilapag ang sandwich sa harapan niya at fresh milk. Napangiti siya at lalong kumalam ang sikmura nang maamoy ang nakakagutom na sandwich. Malaki iyon na puno ng kung anu-anong healthy veggies, mukhang mabubusog na siya ng todo nito. "Thank you," pasalamat niya. Gutom na siya kaya hindi na siya nahiya pa na damputin ang sandwich. Naupo naman ang lalake sa tapat niya. Hindi ganoon kalapad ang lababo kaya halos magkalapit na naman ang kanilang mga mukha naiilang tuloy siya habang kumakagat at ngumunguya. "Habang kumakain ka, gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa iyo?" Seryosong tanong nito. Nag angat siya ng mukha at napatingin sa magagandang mga mata nito. "Alam mo ba kung nasaan ka? I mean alam mo ba ang probinsyang ito?" Tanong nito. Iniling niya ang ulo at tinuloy ang pagkain, gutom kasi siya nais muna niyang magkalaman ang sikmura niya. Inabutan pa siya ng tissue ng lalake, marahil may kumalat sa labi niya ang kinakain sa pagmamadaling makakain ng marami. "Thank you," pasalamat niya. Binaba muna ang sandwich at nagpunas ng bibig, saka uminom ng gatas. "Nasa probinsya ako ng San Ignacio hindi ba?" sagot niya sa lalake. Tumango naman ito. Alam niya ang probinsya ng San Ignacio ito ang unang beses pagtungo niya sa bahay ni Ramon na kinakasama ng Mommy niya, ito rin ang unang pagkakataon na pinagtangkaan siya ni Ramon na gawan ng masama, although napapansin na niya ang kakaibang tingin sa kanya ng matandang lalake. Hindi na lang niya pinansin iyon, dahil nga kinakasama na ito ng Mommy niya, kahit na may hindi maganda na siyang naririnig tungkol kay Ramon sa pag handle ng mga talent nito, lalo na pag babae. "Nasa San Ignacio ka nga. At nasa loob ka ng LEONARDO." sabi ng lalake sa kanya. "LEONARDO?" Kunot noong tanong niya rito, hindi ba't ang pakilala nito sa kanya ay Marcus Leonardo? Kapangalan nito ang kinaroroonan niya kung ganoon. "Yes, LEONARDO VILLAGE. Ako ang nagpapatakbo ng village na ito. Kaya gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa iyo sa loob ng pagmamay-ari ko," seryoso pa rin ang tono nito habang nakatingin sa kanya. "Nakita kitang punit-punit ang damit mo sa kalsada, kung hindi ka nakikipaglaro sa lover mo ng rough s*x game sa bahay niyo at umabot kayo sa kalsada, what happened then? Ayokong mag isip ng masama, pero sa itsura mo kanina Miss Cortez mukhang pinagsamantalaan ka-" "Muntik mapagsamantalaan!" Mariing pagtatama niya sa maling akala nito na siyang pumutol sa sasabihin pa sana nito. "Muntik mapagsamantalaan? Nino?" Hindi siya nakakibo, maniniwala ba ito kung sasabihin niyang si Ramon Salazar ang may gawa? Nasa industriya ng showbiz si Ramon, at nasa modelling naman siya, baka isipin lang nitong isa siya sa talent na nais makakuha ng mabilisang project gamit ang katawan niya. Iyan kasi ang madalas na naririnig niya sa iba, kung bakit hindi siya nawawalan ng project, madalas pa nga tinatanggian na niya ang iba, lalo na pag masyadong revealing na, nais pa rin niyang magtira ng kaunting respeto sa sarili niya, kaya hindi lahat ng project tinatanggap niya. "Si Ramon Salazar ba?" tanong nito sa kanya nang hindi siya kumibo. "Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin kong nais akong pagsamantalaan ni Ramon, at nakatakas lang ako?" Tanong niya sa lalake. Sa mundong ginagalawan niya at ni Ramon, alam niyang maraming magtataas ng kilay pag narinig ng iba ang sinabi niya. Lalo na't isa siyang modelo na halos hubad na ang ibang larawan niyang lumabas. Sa mga babaing katulad niya, pag nabastos at napagsamantalaan tiyak na pagtatawanan at iisiping nais lang ng pera. "Yes, I believe you, Savannah," tugon ng lalake na bahagya pa niyang kinagulat. Hindi niya inaasahan ang magiging tugon nito. "Really?" She asked. Nais niyang manigurado, pinakatitigan pa niya ito, para makita sa mga mata nito kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi. "Yeah, Savannah, I believe you, dahil kilala ko si Ramon Salazar, alam ko kung paano niya tratuhin ang mga nagiging babae niya," sabi pa nito. "Mas naliligayaan yata si Ramon Salazar pag namimilit ng babae," dagdag pa nito. Hindi siya nakakibo, nakaramdam ng pag-aalala para sa Mommy niya. Kung bakit naman kasi sa dinami-dami ng lalake sa mundo sa isang tulad pa ni Ramon nakipag relasyon ang ina. Alam niyang mayaman ang lalake at maimpluwensya, at aware din siyang naghihirap na ang ina, at hindi ito sanay sa kahirapan, although sinusuportahan naman niya ito kahit papano, sadyang maluho lang ang ina, sanay na magtapon ng pera sa mga walang kwentang bagay, lalo na pagdating sa pagpapaganda nito sa mukha at katawan nito. "Kalat sa bayan na ito kung paano magtrato ng babae si Ramon, at kung muntik ka na niyang napagsamantalaan ibig lang sabihin hindi ka nasilaw sa pera niya," patuloy nito habang hindi nag-aalis ng tingin sa kanya. Mukhang inaaral din siya ng lalake, marahil tinitignan kung nagsasabi ba siya ng totoo. "Paano ka nga pala nadala ni Ramon sa bayan na ito?" Marco asked. Hindi siya agad nakasagot, nagdadawang isip siya kung aaminin ba sa lalake na ang Mommy niya ang bagong babae ni Ramon, nahiya kasi siya bigla lalo na't alam ng lalake kung paano magtrato ng babae si Ramon. "Well, I guess hindi mo na dapat malaman pa," tugon niya at tinuon ang atensyon sa kinakain. Pinagpasalamat niyang hindi na nag-usisa pa ang lalake kung paano siya nadala ni Ramon sa bayan na ito. Pagkatapos kumain niyaya na siyang magpahinga ni Marco, sinabi nitong bukaa pagsikat ng araw ihahatid siya nito sa sakayan patungong manila. "Nasa bahay ni Ramon ang sasakyan at mga gamit ko," amin niya sa lalake. "Gusto mo bang samahan kitang makuha ang mga iyon?" The man asked her. "Magagawa mo iyon?" Gulat na tanong niya. "Of course, kilala ako ni Ramon kung sino ako sa bayan ng San Ignacio mas makapangyarihan ako kesa sa kanya," tugon nito. Napanganga siya habang nakatingin sa lalake. "Kung hindi mo kayang bumalik sa bahay ni Ramon, hayaan mo ang mga tauhan ko ang kukuha sa sasakyan mo at mga gamit," patuloy nito. "Magagawa mo ba talaga iyon?" Paninigurado pa niya. "Yes, Miss Savannah," pormal na tugon nito. "Salamat, Mr. Leonardo," magalang na pasalamat niya sa gwapong lalake. "See you tomorrow, goodnight, Savannah," tugon nito at binuksan pa ang pintuan ng silid kung saan siya namamahinga kanina. "Goodnight," nahihiyang tugon niya. "Pwede mong i lock ang pintuan kung natatakot ka sa akin, kakatukin na lang kita bukas ng umaga," bilin pa nito. "Ah.. eh...," hindi niya malaman kung paano sasabihin na hindi siya natatakot rito, hindi naman kasi ito nakakatakot, walang matinong babae ang matatako sa ganito kagwapo. "Sige, salamat." "Sleep well, Savannah," sabi pa nito, tumango naman siya rito. Pag alis ni Marco sadya niyang hindi ni lock ang pintuan, nais niyang malayang makapasok ang lalake sa silid niya ano mang oras, anong malay niya masundan pa siya ni Ramon, at least makakapasok agad si Marco para tulungan siya. Nahiga siya sa malambot na kama, napangiwi pa siya, nang maramdaman ang sakit sa katawan. Tiyak na pagbalik niya ng maynila hindi sasabak agad siya sa trabaho na parang walang nangyari, kung magsusumbong siya at ipapaalam pa sa iba ang inabot niya kay Ramon, tiyak na pagtatawanan lang siya. "Damn," mura niya saka pinikit ang nga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD