Kinabukasan paggising niya agad siyang tumakbo palapit sa pintuan para alamin kung naka lock iyon. Nakahinga siya ng maluwag nang mabuksan iyon. Hindi na nga siya ni lock ni Marco sa silid na iyon. "Buti naman at makakakilos na ko," bulong niya at muling lumakad pabalik sa kama. Binagsak muli sa malambot na kama ang katawan. Tumitig siya sa puting kisame. Nalulungkot siya sa pag ikot ng kanyanv buhay. Nakakalungkot na ang taong dapat ay umaalalay sa kanya at nakakasama niya sa lahat ng pagsubok ay siya pa ang tila lalong nagdadala sa kanya sa kapahamakan. Ang Mommy kasi niya nag advance sa agency na pagtatrabauhan sana niya, kaya lang nagka problema at hindi siya nakabalik ng maynila, kaya tinanggal na siya at pinalitan agad. Kaya ayun siya pa ngayon ang mag utang sa agency na iyon, sabi