Maghapon siyang nasa loob ng silid iniwan siya ni Marco, naka lock ang pintuan. Alam niyang kung sisigaw siya maririnig siya ng mga kasambahay na naroon, iyon nga lang pinili niyang huwag nang mandamay pa. Kung pagbubuksan siya ng isa sa mga kasambahay ni Marco, tiyak na mawawalan ito ng trabaho, ayaw na niyang mandamay pa ng ibang tao sa hirap na pinagdadaanan niya. Hihintayin na lang niya si Marco at ito ang tatakasan niya, kung hindi naman siya makatakas maghihintay siya ng isang linggo sa loob ng silid na iyon bago siya makawala. "Nakakainis!" Maktol niya, saka tumayo mula sa sofa, kung saan siya nakaupo kanina at nanonood ng kung anu-ano. Matutuwa pa siya kung sa isang library na puno ng libro siya kinulong ni Marco, tiyak na hindi siya mabo-bored at hindi mamalayan ang oras. Lumaka