HINDI maalis ang ngiti sa labi ni Analie nang buksan niya ang pintuan ng kanyang tinutuluyang silid, kakatapos lang nilang maghapunan at masayang-masaya siya dahil mukhang kahit ang Lolo ni Gelbirth ay boto rin sa kanya. They welcome her with open arms at bilang dalagang walang kinilalang Lolo at Lola, o matawag na pamilya, it’s a dream came true for her. “Hay, parang it’s too good to be true talaga ang nangyayari sa akin ngayon but I’m thankful,” nakangiting usal niya sa kawalan at umupo sa may kalaparang kama. “Kung pananginip man ito ay sana’y huwag na akong magising pa,” sabi niya habang nakapikit. “Hmm…ang sarap namang humiga sa kamang ito, ang lambot at ang bango,” bulong niyaa nang lumapat na ang likod niya sa kama. Bago pa man siya lamunin ng antok ay inalis na niya kaagad ang