NAKANGISING hila-hila siya ni Gelbirth papasok sa entrance ng mall. Nakita niyang napalingon ang mga tao sa gawi nila lalo na ang mga babae. Hindi niya masisi ang mga ito, talaga naman kasing mapapatitig ka kung kasing gwapo at kasing macho ni Gelbirth ang dadaan sa harap mo. "Hala, artista ba iyan? Ang gwapo naman niya," kinikilig na sabi ng babaeng nakatayo sa may gilid. "Ano ka ba, Elle, marinig ka," saway naman ng kaibigan nito. "Asus, ano naman, 'e gwapo naman talaga siya. Gusto ko magpa-picture," giit ng babaeng Elle ang pangalan. "Tumigil ka nga, kita mong may kasama siya," sabi naman ng isang babaeng tantiya niya'y kaedaran lang niya. Umikot ang mga mata ng babaeng pangalan ay Elle. "Don't tell me, iniisip niyong girlfriend niya iyan? Naku, baka ate lang o 'di kaya ay yaya–"