NAGISING si Analie na tumambad sa kanyang mga mata ang bulto ni Gelbirth na nakatayo sa may gilid. Kinurap-kurap niya ang kanyang mga mata sabay dahan-dahang umupo sa kama, nang maka-adjust na ang mga mata niya at naging malinaw na sa kanya ang paligid ay tumingin muli siya sa gawi ni Gelbirth na lumingon sa gawi niya nang maramdaman marahil nito ang titig niya. “Goodmorning, mabuti naman at gising ka na,” nakangiting sabi ni Gelbirth at binaba ang cellphone at tinago sa bulsa nito. “Goodmorning rin, anong oras na?” humihikad na tanong niya. Bago pa man makasagot ang lalaki ay napaupo siya ng maayos nang may maalala siya. “Bakit naligo ka na? Hindi ba’t may lagnat ka kagabi?” natarantang tanong niya at inabot ang noo at leeg ng lalaki at dinama iyon. Nakahinga siya nang maluwag nang hi