TUMIGIL na ang kotse sa may gilid ng entrance ng Public market. Ngumiwi siya nang mapansin niyang maraming mga taong lumabas-masok sa loob. “Gel, magiging ayos ka lang ba kung papasok tayo sa loob? I mean baka pagkaguluhan ka,” mahinang sabi niya. “Hindi naman siguro, no one knows me here. Besides, hindi naman agaw pansin ang suot ko,” katwiran ni Gelbirth at binuksan na ang pintuan sa may gilid nito. “Sigurado ka?” nag-alalang tanong niya nang pinagbuksan siya ng lalaki ng pintuan. Ngumiti ito at tumango sabay kinuha nito ang kamay niya para maalalayan siya nito pababa sa may kotse. “100 percent sure, besides, this not the first time na pumunta ako sa mga public places. I just need to act normal,” kamanteng sagot nito at hinila na siya papasok sa loob. “Hmmm, okay, ikaw bahala,” a