3 - OH! MY RHEO

1277 Words
LEIN Napilitan akong lumingon dahil do'n. Binitawan ko ang mga hawak kong mga basurang nililigpit. Napatayo ako bigla nang makita ko ang lalaking nakatayo at nakatapi lang ng tuwalya sa pinto ng banyo. OMG! Si Rheo! Nagningning agad ang mata ko at sumilay ang isang matamis na ngiti. Na-excite ako bigla dahil do'n. Ibig sabihin ay ito ang makakasama ko sa kwarto. Ito ang magiging ka-boardmate ko. Lihim akong natuwa. Parang gusto kong magtatalon at magpa-party dahil doon. Yehey! Halos tumutulo pa ang mga basang buhok nito. Gano'n din ang mamasa-masa nitong katawan. Amoy na amoy ko rin ang mabangong sabon na gamit nito. Nanlaki ang mata ko dahil sa tanawing iyon. Hindi nakaligtas sa akin ang katawan nitong nakahantad sa harap ko. Pinasadahan ko siya mula ulo hanggang paa. Napalunok na naman ako ng wala sa oras. Bumalik ang paningin ko sa mukha niya. Nagtama ang mga mata namin pero ako na ang agad na umiwas ng tingin. Nahiya ako bigla. Baka ano pa ang maisip nito. Kailangan kong pangatawanan ang pagiging lalaki ko sa harap nito. Mahirap ng mabuking. Pero kung ako lang talaga ang masusunod ay kahit abutin pa ako ng forever kakatitig sa katawan nito ay ayos lang sa akin. Baklang 'to! "Uy, ikaw pala," sabi nito nang makilala niya ako. Nagmadali niyang pinagpupulot ang mga nagkalat na mga bagay. Pati mga pinaghubaran niya ay pinagdadampot niya. Halatang nataranta ito dahil sa akin. "Ikaw ba 'yong bagong boarder?" tanong pa nito sa akin. Tumango ako bilang tugon. "Naku, pasensya ka na. Hindi pa ako nakapag-linis. Actually sa dating boarder 'yang mga basura at ibang gamit. Babalikan niya raw 'yan. Pero hanggang ngayon 'di pa bumalik," paliwanag nito at namumulot pa rin ng mga kalat sa sahig. "Ah, gano'n ba?" nasabi ko na lang. Ang plano ko sanang kausapan ito tungkol sa mga basura ay hindi ko na itinuloy. Okay lang pala. Pinaliwanag naman na nito at naiintindihan ko naman. May ganon? "Pasaway din 'tong si Ate Neth hindi man lang ako sinabihan kanina na ngayon ka pala darating. Hindi sana nakapaglinis at nakapag-ligpit man lang ako." "Okay lang," sagot ko. Basta ikaw. Idudugtong ko pa sana. "Oo nga pala, pare. Anong pangalan mo?" tanong niya sa akin. "Lein na lang, pare," sagot ko. Gusto kong masuka dahil do'n. Pare raw, ew! "Rheo," pakilala naman nito at nakipagkamay pa. Inabot ko 'yon. Ang tigas... ng kamay nito. Parang ayoko nang bitawan iyon. Ramdam ko talaga 'yong connection. Nakuryente ako dahil do'n. Tumikhim ito. Hawak ko pa rin pala ang kamay nito. Napahiya ako. Binitiwan ko bigla ang kamay niya. "Ay sorry," nasaad ko. Buset! Muntikan pa ako do'n. Sana lang ay hindi nito nahalata. "Okay lang. Pasensya ka na talaga. Ganito pa kagulo ang naabutan mo." "May walis ka ba dyan?" tanong ko. Gusto ko na kasing simulan na maglinis para makapag-ayos na rin ako ng mga gamit ko. "Wala, eh. Nasa baba pa kay Ate Neth." "Ah..." "Sige, ako na manghihiram. Tanggalin mo na lang 'yang mga nakapatong diyan sa isang kama. Lipat mo na lang dito sa akin." "Sige," sang-ayon ko at lumapit ako sa isang higaan. Sinimulan ko nang tanggalin ang mga nakapatong doon. Unti-unti kong inilipat ang mga iyon pero panay sulyap ko kay Rheo na nagpupulot pa rin at inaayos ang mga gamit. Nakatalikod ito sa akin at hindi pa rin ito nagbibihis. Malaya kong nakikita ang maumbok nitong pwet. Mas inuna pa rin nitong maglinis kaysa magsuot ng damit. Pakiramdam ko ay uminit bigla sa loob ng kwarto. Hindi tuloy ako komportable dahil doon. Nag-focus na lang ako sa nililigpit ko. "Okay ka lang?" bigla na lang nitong tanong sa akin. Napatingin ako sa gawi niya "Huh?" "Sabi ko kung ayos ka lang?" Nakita ko siyang nag-susuot na ng underwear nito. Gusto kong iiwas ang tingin dito pero hindi ko magawa. Pinanood ko siya. Nakatalikod naman ito. Hindi naman niya nakikita na nakatingin ako. Pwera na lang kung may mata ito sa likod. "Oo, naman," sagot ko. "Bakit?" "Wala naman." At bigla na lang nitong inalis ang tuwalya sa bewang nito. Tanging underwear na lang ang suot nito. Pero parang wala man lang ito sa kanya. Wala itong pakialam na may tao roon at nandoon ako. Mukhang komportable itong magbihis sa harap ng ibang tao. Hindi man lang ito nagmamadali na magsuot ng short nito. Sa halip ay nagpunas pa ito ng katawan at paa na naka-brief lang. Baka iniisip naman nitong pareho namang kaming lalaki kaya okay lang. Wala namang malisya na makita ko siyang naka-hubad at wala rin namang mawawala sa amin pareho. Ako na lang ang nahiya kaya tumalikod na lang ako at tinuloy ko na ang ginagawa. Sadyang ako lang talaga itong nag-iisip ng kung ano. Jusko! Magkakasala talaga ako nito 'pag palaging ganito ang makikita ko. Baka tuluyan na akong bumigay. Pero hindi. Hindi dapat mangyare iyon. Baka ma-evict ako ng wala sa oras dito sa bahay ni Ate este rito sa boarding house. Masaya na akong siya ang makakasama ko rito sa kwarto. Period. LEIN Bumukas ang pinto ng kwarto namin. Nakita kong pumasok si Rheo galing sa labas at may bitbit nang walis tingting, walis tambo at dust pan na hiniram nito. Naka-suot na ito ng maluwang na t-shirt na pinutol ang magkabilang manggas at short. Ang fresh nitong tignan. Nakatali rin ng goma ang buhok nitong may kahabaan. "Yown!" sabi ko nang makita ko ang mga bitbit niya. Kinuha ko ang mga iyon. Makakapag-simula na akong maglinis. "Oo nga pala pasensya ka na ro'n sa nangyare kanina. Natamaan ka tuloy ng bola no'ng naglalaro kami." "Ah 'yon ba? Wala 'yon. Ayos lang ako. " "Okay na ba 'yang pisngi mo?" "Medyo ok na. Malayo sa bituka saka kasalanan ko naman. Ang galing niyo nga mag-laro, eh." "Pustahan lang 'yon. Wala kaming magawa, eh. 'Yon lang libangan namin dito 'pag hindi kami nauwi ng weekend. Pampalipas ng oras." "Pwede bang sumali minsan?" tanong ko. "Marunong ka bang maglaro?" "Oo naman. Ako pa. MVP yata 'to no'ng high school," pagmamalaki ko sa kanya. "Naks! Yabang!" sabi nito sa akin. Natawa ako dahil do'n. Totoo namang MVP ako no'ng nasa high school. Magaling talaga akong maglaro ng basketball at ako ang team captain ng basketball team ng eskwelahan namin. Dahil sa angking galing ko at sa kapogian ko marami akong fans at marami rin ang girls ang nagche-cheer at tumitili sa akin. Dahil din sa mga smooth moves ko sa court ay marami ang nagka-crush at na-in love sa akin. Nakakatanggap pa ako ng mga love letters mula sa mga secret admirer ko. Para akong celebrity sa eskwelahan namin. May mga nagpapa-picture pa. Palaging marami ang nanonood 'pag meron kaming practice game. At lalong nakaka-boost din ng confidence 'pag maraming sumusuporta. Ginaganahan talaga akong maglaro 'pag gano'n. Pero siyempre deep inside ay iba pa rin ang nararamdaman ko. Wala akong pakialam sa mga girls na may gusto sa akin. I'm more attracted with my same s*x. Kaso hindi pwede. I have an image to maintain. Ayokong ma-disappoint ang mga ito 'pag malaman nila na I'm gay. Alam ko sa sarili kong may iba sa akin pero hindi ko kino-consider na mali. Lalaki ako physically. Malakas. Brusko. Pero emotionally ay mahina ako. Pusong babae at ako lang ang may alam no'n. Isang sekreto na pinaka-iingatan ko. "Seryoso nga ako. Ayaw mo bang maniwala?" "Oo na!" Napilitan nitong sang-ayon sa akin. "Gusto mo, one on one pa tayo, eh.," hamon ko pa para patunayan na totoo ang sinasabi ko. "Oo ba. Sige next time. Sali ka na sa amin." Napangiti ako dahil do'n. Mabuti na lang talaga na marunong ako maglaro. Madali ko silang makakasundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD