2 -YOUNGBLOOD HIGHBLOOD

1225 Words
LEIN Matapos kong makausap at ipaliwanag ni Ate Neth ang mga rules sa boarding house ay inihatid na niya ako sa kwartong tutuluyan ko. Hindi ko alam na bata pa pala ang landlady at nasa mga late forties. Feeling bagets pa rin kung mag-ayos ito. No'ng una ay iniisip ko na may edad na ito pero mali pala ako. Hindi kasi halata sa ayos nito. Mukhang active pa rin si Ateng! Dalawa lang daw kami ng kasama ko roon sa kwarto. At maganda raw ang kwarto kasi maluwag at may sariling banyo sa loob. Hindi raw katulad ng ibang kwarto na walang sariling banyo kaya kailangan pang bumaba 'pag mag-si-CR at makipila 'pag maliligo. Communal kasi ang CR na nasa baba. Umakyat kami sa second floor kung saan naroon ang kwarto. Panay kwento pa ito habang paakyat kami. Isang maikling hallway ang dinaanan namin. Limang pinto ang nakita at nabilang ko. Tatlo ang magkakatabi sa kanan at ang dalawa naman ang nasa kaliwa. Nasa pinakadulo ako nito dinala. Konti pa lang ang dala kong gamit. 'Yong mga kailangan ko lang muna. Uuwi pa naman ako ulit sa weekend para kunin pa ang iba. Nasa tapat na kami ng pinto ng kwarto. "Oh siya, bahala ka na diyan. Hindi na ako papasok. Nasa loob na siguro ang kasama mo," sabi nito sa akin at ini-abot ang duplicate ng susi ng kwarto. "Sige ho, Ate Neth. Salamat," sagot ko sa kanya. Tumalikod na ito at dumiritso na sa hagdan pababa. Napabuntong-hininga ako. Medyo excited at the same time ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Basta! Sana lang talaga ay okay ang kasama ko. Hindi sana burara sa mga gamit. Malinis din sana ito. At higit sa lahat ay hindi sana ito maingay. 'Yon na lang kahit chaka ang fez ay okay lang basta may pakisama. Ito ang first time ko na humiwalay sa parents ko. Buong buhay ko ay nasanay akong kasama ang mga ito. Naghahanda ng mga kailangan ko. Laging nandyan pagkailangan ko sila. Pero ngayon iba na ang sitwasyon ko. I'm living alone starting today. Mag-isa akong mamumuhay at malayo pa sa kanila. Tanging sarili ko lang ang aasahan ko at wala nang iba pa. Hindi muna ako pumasok. Naisipan kong tawagan muna sina Mama. Agad kong kinuha ang phone ko at di-nial ang number nito. Gusto ko lang sila i-update. Nagri-ring na iyon at narinig ko ang boses nito sa kabilang linya na sumagot. "Hello, 'Ma. Andito na po ako sa boarding house." "Eh, 'di mabuti. Kahit paano medyo panatag na ang loob ko. Kamusta naman?" sabi ni Mama. "Okay naman po. Andito na ako sa pinto ng kwarto papasok na ako." "Gano'n ba? Mag-ingat ka diyan. Mag-isa ka na lang. Wala ako diyan para samahan ka. 'Wag kang magpapagutom, ha? I-secure mo lagi mga gamit mo, alam mo na. 'Wag makipag-usap sa 'di mo kilala. Tawag-tawag ka na lang dito 'pag wala kang maka-usap. Mag-aral din ng mabuti. 'Wag puro bulakbol," madami nitong paalala sa akin. Naiintindihan ko naman na nag-aalala lang ito. Ramdam ko iyon sa bawat bilin nito. Natural lang din iyon sa mga nanay na kasama ang mga anak ng matagal tapos biglang maghihiwalay. Ayaw lang nito na mapahamak ako na unica hija niya nito este hijo pala. Kahit gano'n na mabunganga si Mama ay love na love ko pa rin siya at hindi ko siya ipagpapalit. A mother's love is still the best pa rin. And I'm so lucky to have one like her. "Opo. Don't worry po. Tatandaan ko 'yang mga bilin niyo. Love you, 'Ma!" "Love you, anak!" At tuluyan nang naputol ang usapan namin. Hay! Na-miss ko bigla si Mama kahit kaninang umaga lang ang huli naming pagkikita. Medyo matagal pa ang weekend. Kaya tiis-tiis muna ako. Muli kong binalik ang phone ko sa bulsa. Isinuksok ko na ang susing binigay ni Ate Neth sa akin. Bumukas na iyon at marahan kong itinulak ang pinto. Halos mapanganga pa ako nang makita ang loob ng kwarto. Nabitawan ko pa ang bitbit kong gamit dahil sa mga nakikita ko. Hindi ko talaga in-expect na ganito ang madaratnan ko. Nadismaya ako sa naabutan ko. Malayo sa sitwasyon na inaasahan ko. Ang gulo ng loob niyon. Andaming nagkalat na plastic ng chichirya. Pati mga papel na linamukos. May bote pa ng alak akong nakita at bawal iyon. Isa sa mga rules ang bawal mag-inom sa loob. Maraming mga nakasampay na mga damit na hindi ko alam kung malinis iyon o hindi. May mga gamit ding nakalapag sa baba. Pati ang mga pinaghubaran nitong mga underwear ay nasa lapag lang. Ni hindi man lang nilagay sa laundry bin o sa isang lalagyan para hindi kalat-kalat. May mga nakapatong din sa isang kama na mga gamit na supposed to be ay higaan ko 'yon. Dalawang single bed ang naroon pero lahat ay may mga nakalagay. Grabe! Kwarto pa ba ito o basurahan? 'Yong totoo dumpsite ba 'to? Napa-iling na lang ako sa sobrang disappoinment. This not what I expected. Ito talaga ang bubungad sa akin. Ito ba ang pang-welcome sa mga bagong boarders? Parang hindi ko yata kayang tumira sa ganito. Isinara ko ang pinto. Kahit masama ang loob ko ay pinagpupulot ko ang mga gamit sa sahig. Diring-diri ako habang pinulot ang mga briefs na nagkalat saka ibinato iyon papunta sa higaan. Sinimulan ko nang pagsama-samahin ang mga magkaka-pareho. Hindi ako mapakali habang nakikita ko ang mga iyon at wala akong ginagawa. This is really disgusting. Mapapa-away talaga ako 'pag ganito kaburara ng kasama ko sa kwarto. Paano nito natitiis ang ganito karumi at kagulong paligid? Napa-talon pa ako at napamura ng wala sa oras nang may makita akong ipis na gumagapang na bigla na lang sumulpot mula roon sa mga plastic ng chichirya. Mukhang ilang araw na yata iyong nasa sahig lang kaya pinasok na ng ipis. Gustong-gusto pa naman ng ipis ang mga madudumi. Isa iyon sa mga fear ko lalo 'pag lumilipad. Wala na. Bibigay na ako. 'Wag lang talaga itong pupunta sa higaan ko. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa kong paglilinis. Dinaig ko pa ang katulong sa ginagawa ko. Mabuti lang talaga at sanay ako sa gawain na ganito kahit papaano ay kaya kong linisin iyon. May naririnig akong lagaslas ng tubig mula sa loob ng banyo. Mukhang may tao roon at naliligo. Ibig sabihin ay nandoon sa loob ang makakasama ko. Naririnig ko pang kumakanta-kanta pa ito ng isang awitin na parang pamilyar sa akin. Di ko lang matandaan ang title pero alam ko 'yon. Nasabayan ko pa siya sa pagkanta ng ilang linya na kinakanta nito. Infairness sa kanya ang ganda ng boses nito. Parang may bombilyang umilaw sa utak ko ng maalala ang title at artist ng kanta. Youngblood pala iyon ng Five Seconds of Summer. Mukhang pareho kami ng trip na mga kanta. Pati na rin ng bandang pinapakinggan at siguradong magkakasundo kami 'pag nagkataon. Pero hindi ko pa rin palalampasin ito. Makaka-rinig pa rin talaga ito sa akin paglumabas ito mula sa loob. Gusto kong magalit sa sitwasyon ng kwarto. Hindi pwede sa akin ang ganito. Masyado akong organize at maselan. Ayoko talaga ng madumi. Ew! Ilang sandali pa ay tumigil na at tumahimik na ang loob ng banyo. Mukhang tapos na itong maligo. Narinig ko pang bumukas ang pinto. Hindi agad ako lumingon. "Sino ka?" Narinig kong sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD