"Mommy," tinig ng isang bata mula sa gilid ng kama ko.
"Wake up, I'm going to be late in school," saad niya gamit ang maliit na boses at hinahalik-halikan ang mukha ko.
"Five minutes, Baby. Mommy is so sleepy pa e," ungot ko sa kaniya.
"No, Mommy. Wake up na," agad na tanggi niya at inalog-alog na ako kaya wala na akong nagawa kung 'di ang imulat ang mata ko dahil alam kong hindi siya titigil hangga't hindi ako sumusunod sa kaniya, may pinagmanahan e. Sumalubong sa akin ang isang maliit at maam nitong mukha.
'Magkamukha talaga sila.'
"Yehey! Mommy is awake na!" pagsasaya pa nito at tumalon-talon sa kama nang makita niyang iminulat ko na ang mga mata ko.
"Give Mama a kiss kasi ginising mo ko," sabi ko at ngumuso sa kaniya, agad naman niya akong hinalikan.
"Why are you so excited to go to school, Baby?" tanong ko sa kainya habang pinali-liguan ko siya, hindi naman siya agad na nakasagot.
"Siguro may crush ka na roon 'no?" pamimintang ko pa sa kaniya nang hindi pa rin siya sumagot.
"I don't have a crush, Mommy," agad na tanggi niya at sinamahan pa ng pag-iling. How cute is my baby right now, huh?
"E bakit nga excited kang pumasok?" pangungulit ko pa sa kaniya.
"Because we'll have a visitor later and they will give us some toys and chocolates!" excited na sagot niya kaya napa-iling na lang ako sa sinabi nito. Kaya pala hindi niya agad sinabi, dahil alam niyang babawalan ko siyang kumain ng chocolate.
"Don't eat too much chocolate, Baby," bilin ko na lang sa kaniya, bibo naman siyang tumango.
"Come here na, Baby. Bibihisan na kita," sabi ko sa kaniya nang agad siyang tumakbo palabas ng c.r.
"No, Mommy, I can handle myself na because Daddy said I'm a big boy na," conyong sabi pa nito sa 'kin.
"Kung anu-ano talaga tinuro no'n sayo, 'no?" iling ko pa at hinayaan na siyang asikasuhin ang sarili niya.
"After you finish it, go downstairs na, okay?" bilin ko pa sa kaniya, agad naman siyang tumango kaya bumaba na ako para maghanda ng breakfast niya.
Nagluto lang ako ng fried rice, omelet, sunny side up egg, at ang paborito niyang hotdog. Pagkatapos kong ihain sa hapag-kainan ang mga pagkain ay sakto namang pagbaba niya ng hagdan.
"Ang pogi-pogi naman ng baby ko," sabi ko pa sa kaniya pagkarating niya sa harap ko. "Paamoy nga," dagdag ko habang hinalik-halikan ang leeg n'ya, wala naman siyang ibang ginawa kundi ang tumawa at itulak ako ng mahina.
"Stop na, Mommy. I can't breathe na," tumatawang saway pa niya sa 'kin, kaya tumigil na ako sa pangungulit sa kaniya.
"Alright, eat your breakfast na, maliligo lang ako," sabi ko sa kaniya matapos ko siyang hainan ng pagkain. "Maliligo lang si Mommy para hindi ako ugly pag hinatid na kita sa school mo."
"You're not ugly naman, Mommy kahit hindi ka pa naliligo," conyong sabi niya sa akin.
"Nako, binobola mo pa si Mommy," nakangiting ani ko sa kaniya at kinurot pa ang kaliwang pisngi nito.
"It hurts, Mommy," ungot niya pa sa 'kin at hinimas-himas ang pisngi niyang kinurot ko, hinalikan ko naman agad ito.
"Ayan, masakit pa ba?" sabi ko matapos ko itong halikan. Agad naman siyang umiling.
"No na, Mommy," sagot niya at lumawak ang ngiti.
"May magic kasi yung kiss ni Mommy," sabi ko pa. "Ligo na si Mommy ha, ubusin mo 'yang mga food mo at wag kang magdudumi riyan," muling bilin ko sa kaniya at umakyat na sa kwarto ko.
Mabilis lang akong naligo at nagbihis ng disente.
"Are you done na ba, Baby?" sabi ko agad pagkababa ko ng hagdan.
"Yes, Mom. I'm done na po," pabibong sagot niya at pinakita pa sa 'kin ang pinggan n'ya.
"Wow naman! Very good," puri ko sa kaniya. Lalo namang lumapad ang pagkakangiti niya. "Liligpitan lang ni mommy 'tong mga pinagkainan mo. Tapos ikaw, go to your room and then brush your teeth."
Agad naman siyang sumunod sa akin. Pagkatapos kong ligpitan ang pinagkainan n'ya ay sakto namang pagbaba niya ng hagdan dala ang kaniyang school bag.
"Mommy, will Daddy go here later?" Tanong niya sa 'kin habang sinusuotan ko siya ng sapatos.
"I don't know, Baby. You know naman your Daddy is always busy, right?" Sabi ko sa kaniya at tumango naman siya. He pouted. "Don't worry, Baby, if Daddy will have a free time, I'm sure na pupuntahan ka niya rito agad," pag-aalo ko pa sa kaniya, agad naman siyang ngumiti ng malapad.
"Really? Yey!"
"Tara na, you'll be late na," aya ko pa sa kaniya at hinawakan ang maliit niyang kamay.
Pumunta kami sa garahe ng bahay namin at sumakay sa kotse. May kalumaan na 'yon at madalas na ring masira, pero 'di ko pa rin ito mapalitan dahil wala pa akong sapat na pera pambili.
"Wear your seat belt," bilin ko sa kaniya nang maisakay ko na siya sa back seat ng kotse.
Pagkatapos kong sumakay ng kotse ay agad ko na itong pina-andar papunta sa school niya.
"I'll fetch you later, baby. And don't talk to strangers, okay?" sabi ko sa kaniya ng nasa harap na kami ng school n'ya.
"Noted, Mommy," agad na sagot n'ya.
"Gusto mo bang i-hatid kita sa room mo?" Alok ko pa sa kaniya. Agad naman siyang umiling.
"I can handle na po, Mommy," sabi niya pa.
"Okay then, sa gate na lang kita ihahatid," sabi ko at nauna nang bumaba ng kotse dahil baka tumanggi na naman siya.
'Ang laki na talaga n'ya.' mas mabuti na rin 'yon na matuto na siya sa murang edad na maging responsable. Kahit na minsan ay nag-aalala ako sa kaniya, siya naman mismo ang may gusto na maging responsable sa ganitong edad. Matalino siya at sa palagay ko ay gagamitin niya naman ito sa mabuti.
"Bye, Mommy!" paalam niya agad sa akin ng maihatid ko siya sa gate ng school nila.
"Tan Andrei," pagtawag ko sa pangalan niya, agad naman siyang lumingon sa akin. Sinenyasan ko naman siyang pumunta sa 'kin, na agad din naman n'yang sinunod.
"Why, Mommy?" kunot noong tanong niya sa 'kin ng nasa harapan ko na siya.
'Pati pagkunot ng noo ay kuhang-kuha.'
"You forgot something, baby," sabi ko, agad niya namang tiningnan ang buong sarili n'ya.
"What is it, Mom?" tanong nito habang tiningnan pa rin ang sarili n'ya.
"My kiss," sabi ko pa at tinuro ang pisngi ko.
"Mommy, there are so many people here," pabulong na sabi niya habang tumitingin sa paligid.
"And I don't care about them, give Mommy a kiss," sabi ko pa, Mabilis naman siyang humalik sa pisngi ko at tumakbo na papasok, kaya napailing-iling na lang ako at bumalik na sa sasakyan ko.
Kampante naman ako na ligtas siya sa paaralang 'yon, dahil isa 'yong private school at napakahigpit din ng seguridad do'n.
Dumiretso na ako sa bahay dahil wala naman akong ibang pupuntahan. Wala pa kasi akong trabaho, bukas pa lang ako magsisimulang mag-apply.
Hindi ko kasi maiwan ng mag-isa ang anak ko noon at may mga taong sumusuporta at tumutulong din sa 'min. Pero ngayon, kailangan ko nang magtrabaho dahil unti-unti na s'yang lumalaki, alam ko rin na hindi dapat ako umaasa sa ibang tao, limang taong gulang na rin si Tan at nasa kinder na. Gusto ko siyang makapagtapos ng pag-aaral at bigyan ng maginhawang buhay.
Natigil ako sa paghahanap ng magandang trabaho nang tumunog ang cellphone ko na nasa lamesa, tanda na may nag-text sa 'kin, agad ko naman 'tong binasa. Teacher ni Tan ang nag-text, at sabi niya ay half-day lang lang daw ang pasok nila Tan dahil nga sa bisita. Bandang alas dose ko siya susunduin dahil medyo maaga pa naman.
Habang hindi pa alas dose ay inabala ko muna ang sarili ko sa paghahanap ng pwedeng applyan na trabaho sa internet at naghanda na rin ako ng kakainin namin ni Tan mamaya pag-uwi namin.
Nang sumapit na ang alas dose ay agad na 'kong pumunta sa eskwelahan ni Tan para sunduin s'ya.
Ilang sandali pa akong naghintay sa labas ng eskwelahan, bago magsimulang magsi-labasan ang mga bata.
'Ang tagal naman ni Tan.'
"Mommy!" Napalingon ako dahil sa sigaw na 'yon at nakita ko ang anak ko na masayang tumatakbo papalapit sa 'kin habang kumakaway.
"Dapat hindi ka na tumakbo, baka madapa ka," sabi ko agad sa kaniya ng nasa harap ko na siya, tango ang sinagot niya sa akin.
"Sorry, Mommy. I'm just so excited," masiglang sabi niya.
"Excited about what, Baby?" tanong ko rito.
"Mommy, Mr. Visitor, gave me a lot of chocolates," masayang balita n'ya sa 'kin.
"Really, baby?" sabi ko. "Patingin nga si Mommy kung gaano karami."
Agad naman niyang hinalungkat ang school bag niya.
"Where is it na?" Tanong n'ya sa sarili habang patuloy na hinahalungkat ang bag n'ya. "Mommy, it's missing," sabi niya sa akin ng hindi niya ito makita. He pouted.
"Hayaan mo na, Baby. Bili na lang tayo later, gusto mo mas marami pa," pag-aalo ko sa kaniya dahil parang iiyak na siya. Lumiwanag naman ulit ang mukha nito.
"Really, Mommy?" paniniguro nya pa. Agad naman akong tumango. "Promise?" Tinaas niya ang hinliliit na daliri.
Agad ko namang tinaas din ang isang hinliliit na daliri ko at nakipag-pinky swear sa kaniya. "Promise."
"Let's go," yaya ko pa sa kaniya at hinawakan ang maliit n'yang kamay. Hindi pa man kami nakakalayo ay nakarinig kami ng sigaw mula sa malayo.
"Tan!" Agad na napalingon si Tan dahil sa sigaw na 'yon.
"Mr. Visitor!" masayang sigaw n'ya din.
Nang lumingon ako ay umawang ang labi ko at ramdam na ramdam ko ang paglaki ng dalawang mata ko ng nakita ko kung sino ito.
'Ethan.'
"You left this," sabi niya sa anak ko at binigay ang isang may katamtamang laking paper bag. Agad naman itong tinanggap ni Tan.
"Thank you, Mr. Visitor. I thought I lost it already," sabi n'ya rito at masayang lumingon sa akin kaya napalingon din sa akin ang kausap niya. "Look, Mommy, I found it already. Thanks to Mr. Visitor," masayang balita pa niya sa akin.
"Addition," Ethan breathless muttered, habang nakatingin sa 'kin at halatang nagulat din na makita ako.
Hindi pa man ako nakakapagsalita ng may tumawag sa 'kin mula sa likuran namin. "Ulan!"
'Si Cedric.'
May ila-lala pa ba 'to? Ang ganda ng timing nila, grabe.
"Daddy!" Rinig kong sabi ni Tan sa gilid ko at akmang tatakbo ng hawakan ko ang kamay niya at umiling.
"Just wait for him here, Baby. Baka madapa ka pa," I said.
Maya-maya pa ay nasa harap na rin namin si Cedric at agad s'yang dumiretso kay Tan at binuhat ito.
"Do you miss me?" sabi pa niya rito.
"Of course, Daddy. I've missed you so much," sagot agad ni Tan.
"So am i, and because we missed each other so much, we will go to the mall later," sabi pa ni Cedric. Masaya namang pumalakpak si Tan at kitang-kita sa mukha nito ang saya. "What is that, baby?" Tanong pa ni Cedric at ininguso ang paper bag na hawak nito.
"Chocolates, Daddy!" sagot nito. "Mr. Visitor gave it to me," dagdag niya at tinuro si Ethan na tahimik lang din na nakamasid sa kanila. Napatingin naman sa kaniya si Cedric at bumakas ang labis na gulat sa mukha nito.
"Ethan," mahinang sabi pa niya.
Tumikhim naman ako kaya napatingin silang lahat sa akin.
"Ced, dalhin muna si Tan sa kotse, please," pakiusap ko sa kan'ya. "Magpapasalamat lang ako," dagdag ko pa. Tumango naman s'ya at sinunod ang pakiusap ko.
Nang kami na lang dalawa ni Ethan ay agad akong nagsalita.
"Thank you sa pagbibigay ng chocolate sa anak k--"
"So, you have a child now," putol n'ya sa sinasabi ko. "And Cedric is the father, huh?" sarkastikong sabi pa niya sa akin.
"Thank you ulit," sa halip ay 'yon ang sinabi ko at akmang tatalikod na dahil parang hindi ko kayang maka-usap siya ng matagal dahil mukhang bibigay na ako anumang oras ngayon.
'Masakit pa rin pala kahit matagal na panahon na ang nakalipas.'
Pero hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako. Hindi ako humarap sa kaniya.
"Let me go," walang emosyon kong sabi ko na lang at agad naman niya akong binitawan.
"Sorry," paghingi nito ng tawad sa akin." I just wanna ask something."
"Spill it, hinihintay nila ako," sabi ko pa, habang pinipilit na pinapatatag ang sarili.
"Is Tan really your child?" tanong n'ya.
.
"Of course, sinabi mo na nga ‘di ba kanina at nakita mo rin naman siguro na 'Mommy' ang tawag niya sa 'kin," i sarcastically said, hindi naman agad ito nakasagot.
"Sorry, I have to go. Hinihintay kasi ako ng 'mag-ama' ko," sabi ko pa at diniinan ang salitang 'mag-ama' at tumalikod na sa kaniya.
Sa pagtalikod ko ay tuluyan ng tumulo ang mga luha sa aking mga mata.
'Ba't kasi sobrang sakit parin e', akala ko ba naka-move on na 'ko sa kaniya? Akala ko na kapag nakita ko na s'ya ulit, mawawalan na 'ko ng pake sa kaniya? Akala ko ba 'di ko na siya mahal?
'Akala ko lang pala lahat.'