“Si–Sinabi mo ‘yon? Baka, anong sabihin sa akin ni itay mamayang pag–uwi ko. Saka, hindi mo ba iniisip na baka malaman ito ni Jayson?” gagad ko. “Wala naman akong pakialam kung malalaman ni Jayson ang ginawa ko. Kahit magalit pa siya. ANg mahalaga sa akin, nasabi ko na ang gusto kong sabihin sa tatay mo, lalaki sa lalaki,” maawtoridad na sambit niya. “A–Anong sabi ni tatay?” untag ko. “Siyempre, nasermunan ako dahil alam ko namang daw boyfriend mo ang pamangkin ko. Ang sabi ko naman, hindi naman sila kasal, kaya sumeryoso ang mukha nila at hindi na sila nagsalita dahil lumapit ka na sa amin,” saad niya. “Nagpaalam ka muna dapat sa akin bago mo kinausap si tatay. Hindi iyong dumada–moves ka agad,” irap ko. “Kung magpapaalam ba ‘ko, sa ‘yo, papayagan mo bang iyon ang sasabihin