RIDA‘S POV “Ba’t mo sinampal ang ate ko, ha!” sigaw ni Reden at lumapit ito sa amin. “Dapat lang sa ate mo ‘yon dahil malandi siyang babae! May boyfriend siyang natawag, pero matutulog sa ibang kanlungan ng lalaki! Hindi niya na ako inisip kung anong sasabihin ko!” gagad ni Jayson. “Pero, dapat nagtanong ka muna sa ate ko, hindi iyong sasalubungin mo siya nang sampal! Alalahanin mo, Kuya Jayson na nasa teritoryo ka naming," pagpapaalala naman ni Reden. “Doon ka na, Reden at asikasuhin mo na mga kapatid natin,” sambit ko. Lumayo naman si Reden sa amin at hinarap ko si Jayson. “Ano bang pinagsasa–sabi mo, ha! Oo na magkasama kami ni Sir Winston kagabi dahil tinapos ko ang trabaho ko sa kanya. Dahil hindi mo ba narinig ang sinabi niya na aalisin niya ako sa trabaho. Kung mangyayari ‘yon,