RIDA “Uncle Winston?” sambit ni Jayson, pagdakay tumingin ito sa akin. “Alam ni uncle ang bahay mo, Honey?” takang tanong nito. Lumunok ako. “Hindi ko pala nasabi sa ‘yo na inihatid niya ako kagabi dahil wala na akong masakyan.” “Pero, ba’t nandito siya?” takang tanong nito. “Hello, Guys,” bati ni Winston sa amin. Inalis niya ang helmet sa braso. Bumaba siya sa motor at lumapit sa amin. “Anong ginagawa mo rito, Uncle?” tanong ni Jayson. “Ibabalik ko lang sana itong hikaw ni Ms. Rodriguez dahil naiwan niya sa bahay ko kagabi,” pahayag ni Winston na kinuha ang isang hikaw sa bulsa niya at ipinakita sa amin. “Pa’nong naiwan? Naalis sa tainga niya? Saka, puwede mo namang maya mo na lang ‘yan ibalik ‘pag nasa work na siya dahil hindi naman ‘yan mamahalin at hindi mo na ‘yan siguro p