HDT 14

1232 Words
MAYA Tikom ang bibig ko sa aking mga narining mula sa kanya. Ipinaliwanag niya sa akin ang pagbabago ni Mark simula nang mahuli ko silang dalawa. Nakikinig lang ako sa salaysay niya at hindi rin ako makapaniwala na kaya niya yung gawin sa kapatid ko. Dahil naki-usap pa siyang patawarin ko si Mary noon. Mabuting tao si Mark, yun ang pagkakakilala ko sa kanya. Mataas din ang pangarap niya para sa kanyang pamilya kaya nga tinulungan ko siyang makatapos ng pag-aaral ngunit ganito lang ang magiging kapalit ng lahat. Iiwan niya ang kapatid ko dahil lamang sa nawala ang anak nilang dalawa na hindi naman ginusto ng kapatid ko. “K-Kasalanan ko ang lahat…kung hindi ako naging masamang kapatid hindi ko sana mararanasan ang lahat ng ito.” paninisi pa niya sa kanyang sarili habang patuloy ang kanyang paghikbi. Napabuntong hininga ako. “Tama na, malalagpasan mo din ang lahat. Isipin mo na lamang na baka hindi si Mark ang para sayo. Bata ka pa Mary. Marami ka pang kayang maabot sa buhay mo. Baka hindi talaga ito ang tamang panahon para pumasok ka sa seryosong relasyon kaya mabuti pa. Bumangon ka para sa sarili mo. At magsilbing aral sana sayo ang nangyari sa inyo ni Mark.” Tinapik ko siya sa balikat at sumandal siya sa aking dibdib. Akala ko hindi ko siya mapapatawad. Akala ko hindi ko na siya gugustuhin pang makita ngunit ganito siguro talaga kapag kadugo at hindi ko matitiis na pabayaan na lamang siya. Pagkatapos naming kumain ay ako na rin ang naghatid sa kanya sa guest room. Hinayaan ko muna siyang magpahinga. Nakakain na rin naman kami ng lunch. Pagbalik ko sa kuwarto ay naabutan ko si Felip na nakaupo sa massage chair niya. “How’s she? Gusto mo ba habulin natin ang lalaking yun? Papanagutin natin? Kaya kong gawin yun—” “Huwag na, ayoko nang magkaroon ng dahil upang mag-krus muli ang landas naming dalawa. Ang gusto ko nalamang ay katahimikan para sa aming magkapatid at sana makabangon siya kaagad sa nangyari sa kanya.” Naupo ako sa gilid ng kama at tumayo siya upang tumabi sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at kinabig niya ako palapit sa kanya. “Ang buti mo Maya, kahit sinaktan ka na ng kapatid mo at ex-fiance nagawa mo pa rin na magpatawad.” Sambit niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanyang guwapong mukha. “Mahirap magpatawad, Felip. Pero sa totoo lang kahit paano gumaan ang pakiramdam ko na okay na kami ulit ni Mary. Kaya bukas na bukas din ihahanap ko siya ng matutuluyan—” “Why? Masyadong malaki ang bahay na ito at puwede naman siyang tumira lalo pa kapag naging mag-asawa na tayong dalawa.” Nakangiting sambit niya. Bumaba ang kanyang tingin sa aking labi at napapikit ako nang halikan niya ako. “Thank you, Felip.” Kung hindi siya dumating sa buhay ko. Siguro hangang ngayon wala pa ring dereksyon ang buhay ko. Kaya nagpapasalamat ako sa panginoon nang dumating siya. “Saan ba talaga tayo pupunta?” tanong ko ulit sa kanya habang nagbibihis kaming dalawa. “Malalaman mo rin mamaya.” sagot niya naman. Kahit hindi ako marunong mag-ayos ng sarili nagawa ko naman ayusin ang make-up ko. Napanuod ko lang sa internet at namili din ako gamit ang pera ko. Nang matapos akong mag-ayos ay bumaba na rin ako dahil nauna na siya kaninang bumaba. Nasa hagdan ako nang marinig ko silang nag-uusap ni Mary. Napatingin silang dalawa sa akin at sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang makita niya ako. “Goodluck sir.” Narinig ko pang sabi ni Mary sa kanya. “Anong pinag-uusapan niyo?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanilang dalawa dahil paniguradong may sinabi si Felip kay Mary kaya niya nasabi yun. “Ang ganda mo, Ate Maya.” Papuri niya. “Eh? Talaga? Salamat.” Inilahad ni Felip ang kamay niya sa akin. “Let’s go.” Aya niya. “Maiwan ka muna namin dito. May mag-aasikaso naman sa pangangailangan mo habang wala kami” bilin ko sa kanya. “Don’t worry ate, kaya ko ang sarili ko. Enjoy!” pahabol pa niya habang palabas kami ng bahay. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto at siya naman ang nagmaneho. Wala akong idea kung anong party ang pupuntahan naming dalawa. Ayaw naman niyang sabihin kaya hinayaan ko na lamang siya. Ilang minuto din ang naging byahe namin nang makarating kami sa malaking bahay. Pagbukas pa lamang ng pinto kita ko na ang set-up sa gitna ng pool. Isang fine dining ang nakaset-up sa gitna ng pool na napapaligiran ng nakalutang na candles na hindi ko alam kung paano niya ginawa. “Anong meron?” nakangiting tanong ko sa kanya nang makababa kami. Inalalayan niya akong magpunta sa gitna. “Sure, ka bang matibay ito? Baka bumagsak tayo sa pool.” Paninigurado kong tanong. “Don’t worry, kung babagsak ka man. Sa akin yun for sure.” Hirit pa niya na ikinailing ko. Narating namin ang gitna ng malawak na pool nang walang aberya. “This house, dito ako lumaki at nagka-isip. Dito tumira sila mommy at daddy. Isa kaming buong pamilya. Simula nang mawala sila ayoko nang makita ang bahay na ito. Ngunit ngayon, unti-unti nang naghihilom ang lahat ng sugat sa puso ko. Gusto ko bahagi ka ng lahat ng araw sa buhay ko. Kaya Maya,” Nanlaki ang mata ko nang lumuhod siya sa harapan ko. Napatakip ako sa aking bibig at napasinghap nang may dukutin siyang kahon sa loob ng kanyang suit. “Will you marry me?” sambit niya. Hindi ko na napigilan ang aking emosyon. Sunod-sunod na nagbagsakan ang aking luha. I know na luha ito ng kaligayahan. “Of course, I’ll marry you!” paos na sambit ko. Kinuha niya ang kamay ko at isinuot ang mamahaling singsing sa aking daliri. Pagkatapos ay tumayo siya at siniil niya ako ng halik sa labi. Masaya naming pinagsaluhan ang masarap na pagkain. Pagkatapos ay niyaya niya akong magsayaw sa mabining musika na hindi ko alam kung saan nangagaling. Kagaya ng bahay ni Lola Fina. Malaki din ang mansion ng mga magulang niya. Hindi na ako nagtataka dahil talagang mayaman si Felip. Nang matapos kami ay inaya naman niya ako sa loob ng mansion. Malinis at larawan nang tahimik, at prominenting pamilya. Sobrang ganda at linis ng interior nito. Umakyat kami sa mataas na hagdan hangang sa buksan niya ang malaking pinto na tumapat sa amin. “This is my room.” Nilakihan niya ang pagkakabukas ng kuwarto at tumambad sa akin ang gray wall na may puting bed sa gilid. May malaking sofa. Built in cabinet at chandelier. Nang maisara niya ang pinto ay humarap siya sa akin. “Malinis naman ang kuwarto ko, dito na tayo magpalipas ng magdamag.” Wika niya sa akin na ikinatango ko naman. Tipsi na rin ako dahil sa red wine na ininom namin. “Maya, I hope makilala pa natin ang isa’t-isa. Sana hindi magbago ang pagtingin mo sa akin. Kahit ano pa ang mangyari.” “Mahal kita, Felip. Yun ang mahalaga.” Sagot ko. Hinawakan niya ang aking pisngi at kinabig niya ang aking beywang hangang sa maglapat ang labi naming dalawa. He kissed me passionately. Yung halik na punong-puno ng pagmamahal at pangako. We enjoy the rest of the night until I feel asleep in his arms.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD