HDT 12

1287 Words
MAYA Nang magising ako ay sinilip ko ang orasan. Madaling araw na at kailangan ko nang umalis. Baka malaman pa ni Kiray na dito ako natulog nakakahiya dahil ang alam lang nila amo ko pa rin si Sir Felip. Nilingon ko siya at naka-awang pa ang kanyang labi habang mabigat ang paghinga. Kinuha ko ang kamay niyang nakayakap sa hubad kong katawan at tinangal ito. Pigil ko ang paghinga dahil baka magising siya. Ngunit akmang bababa pa lamang ako nagulat ako nang hilahin niya akong muli kaya napahiga ulit ako sa braso niya. “S-Saan ka pupunta?” Nilingon ko siya at nanatili siyang nakapikit. “Felip, kailangan ko nang magpunta sa kuwarto ko.” Mapungay ang matang dumilat siya. “What? Bakit? Hindi na kailangan. Simula ngayon dito na ang magiging kuwarto mo. Kung inaalala mo sila don’t worry I’ll talk to them. Now let’s sleep.” Sambit niya. Kinabig niya ako paikot at paharap sa kanya at muling niya akong niyakap. Nararamdaman ko ang init ng hubad din niyang katawan sa akin. Napasinghap ako at napapikit. Nag-sumiksik ako sa kanyang dibdib. Sa ngayon hindi pa rin nagsisink-in sa akin ang relasyon naming dalawa. Sinunod ko lamang din ang puso ko at hindi na rin ako makatangi pa sa kanya. Ngunit sana, hindi ko pagsisihan ang naging desisyon kong papasukin siya sa aking buhay. At sana wala na siyang maging babae pa. Dahil kapag niloko niya ako. Hindi ako magdadalawang isip na iwan siya. Nang magising ako kinabukasan ay wala na siya sa tabi ko. Bumangon ako at nagpalinga-linga hangang makita ko ang kapirasong papel sa ibabaw ng maliit niyang table. “I have important things to do. Iniwan ko ang card ko. Baka gusto mong mamili ng mga gusto mo. Walang limit yan. I’ll call you later. I love you” ~Felip Nalungkot ako sa nabasa ko. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin bago siya umalis. Nang tapunan ko ng tingin ang orasan ay mag-alas-syeite pa lamang ng umaga. Anong oras kaya siya umalis? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi niya sinabi sa akin kanina na aalis pala siya. Eh di sana napaghanda ko man lang siya ng pagkain. Bumangon ako at inayos muna ang kanyang kuwarto bago ako lumabas. Nasalubong ko pa si Kiray na may bitbit na tray sa hagdan at pareho kaming nagulat sa isa’t-isa. “A-ah…eh si Felip? Anong oras siya umalis?” nahihiyang tanong ko sa kanya. Saka ko pa lamang napagtanto na tinawag ko lamang siya sa kanyang pangalan. “K-Kasi ano…ah—” “Alam ko na, sinabi ni Sir Felip dalhan ko daw ang girlfriend niya ng pagkain sa kuwarto niya.” Nakangiting sabi niya sa akin. Napakamot ako sa ulo ko dahil sa hiya. “Sa dining table na lamang ako kakain. Sabayan mo na ako.” Aya ko sa kanya at sabay naman kaming bumaba. “Sabi ko nan ga ba eh, may pagtingin sayo si Sir Felip. Palagi ka kasi niyang tinatanong sa akin. Kumain na ba si Maya? Nasaan si Maya? Anong ginagawa ni Maya? Kaya malakas ang pakiramdam ko na gusto ka niya.” Wika niya sa akin habang sabay kaming nag-aalmusal. Kakatapos lang din niyang maglinis at hindi pa rin siya kumakain, pati si Manang Cordia ang katulong ni Kiray at nakatoka sa pagluluto. “Wala namang masama, dahil pareho naman kayong dalaga at binata. At isa pa, kahit paano maiibsan ang lungkot ni Sir Felip ngayong wala na si Madam Fina.” Pahabol pa ni Manang. Napatigil ako sa pag-inom ng kape at bumaling ako sa kanya. “Manang, pansin ko po hindi sila gaanong close ni Lola Fina. Minsan ko lamang nakikita na kinakausap niya ito. Or baka naman mali yung observation ko kasi noong namatay si Lola Fina. Nakita ko kung paano siya mangulila.” Kuwento ko sa kanila. “Simula nang mamatay ang mga magulang ni Sir Felip, si Madam Fina na ang nag-alaga sa kanya. Naging mahigpit siya sa kanyang apo. Halos lahat ng babae noon na inuuwi at pinapakilala ni Sir Felip ayaw niya. Palagi din silang nagtatalo dahil ginagawa ni Sir Felip ang lahat ng ayaw niya. Hangang sa sumuko na siya sa kanyang apo at nanatili silang malamig sa isa’t-isa. Hindi ko alam kung bakit ngunit sabi ng dating katulong dito na umalis na. Sinisisi daw siya ni Madam Fina kung bakit namatay ang kaniyang mga magulang.” Halos pabulong niyang sabi sa akin. Napa-isip tuloy ako dahil sa sinabi niya. At anong klase namang paninisi yun? “Yun ang alam ko bawal daw kasi pag-usapan yun noon kaya hindi ko rin alam kung bakit.” Dagdag pa niya. Hindi na lamang ako nagsalita pa. Nang matapos kaming kumain ay tumulong naman ako sa kanilang maglinis ng bahay. Dahil ayoko naman umakto na parang bisita dito. Dahil nahihiya pa rin ako. Kakatapos ko lamang maligo nang tumunog ang phone ko. “Hello?” “It’s Felip, sorry kung hindi na kita ginising pa. Mamayang gabi ako makakauwi. Sabay tayong magdinner okay?” wika niya sa malambing na tinig. “Okay, intayin kita.” Tipid na sagot ko sa kanya. Narinig ko pa ang I love you niya bago binaba ang phone. Kinagabihan ay naghanda ako ng sinabawang karne. Para sa kanya. Dinamihan ko na para may maulam din sila Kiray at Manang Cordia na nauna nang kumain. Maya-maya pa ay narinig ko na ang pagdating ng sasakyan. Lumabas ako at sinalubong ko siya. Pagbaba niya ng kotse ay kaagad ko siyang niyakap sa likod. I miss him. Humarap siya sa akin at niyuko ako. Hinalikan niya ako sa labi at pagkatapos ay hawak kamay kaming pumasok sa loob. “Ikaw ang nagluto?” tanong niya sa akin nang makaupo na kami sa dining table. “Oo naman, wala kasi akong ginagawa dito saka ayoko naman magpunta sa mall. Kaya tumulong na lamang ako.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Okay, hmmm masarap ah.” Sambit niya na ikinangiti ko. Nilagang pata lang naman yun at may mais pati kalabasa. Nagustuhan na niya. Halos maubos niya ang isang mangkok na inilagay ko sa tabi niya. Pagkatapos naming kumain ay si Kiray na ang nagligpit dahil nandiyan si Felip. Yun na lamang naman ang gagawin niya kaya sumabay na ako kay Felip na umakyat. “Saan ka ba galing? Bakit ang aga mo umalis? Tapos gabi ka na nakauwi? Ano ba talaga trabaho mo?” usisa ko sa kanya pagkapasok namin sa kuwarto. Sinara ko ang pinto at naramdaman ko na lamang ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran. “Huwag mo nang tanungin, matagal kasi akong nawala at madami akong trabaho na inasikaso sa opisina. Don’t worry free time ko bukas. Magdate tayo.” “Kahit hindi na, nag-alala kasi ako sayo baka nagpapalipas ka ng gutom.” Pahayag ko. Ibinaling niya ako sa kanya at kinintalan niya ako ng halik sa noo. “Hindi ko gagawin yun, mag-shower lang ako okay?” Tumango ako pagkatapos ay iniwanan na niya ako. Napansin ko ang dala niyang attaché case. Yun yung nakita ko sa isla na may lamang baril. Kailangan ba talaga palagi niya yung dala? Daig pa niya ang pulitiko ah? Saka bakit yun lang? Wala siyang ibang dala kahit office files or laptop man lang bukod sa attaché case na yun. Nilapitan ko ito sa ibabaw ng cabinet dahil may napansin akong parang dumi. Nang titigan ko itong mabuti para itong natuyo…natuyong dugo? Nagulat ako nang bumukas ang pinto ng banyo. Napatingin siya sa akin. “What are you doing?” “A-ah…wala…kasi ililipat ko sana…” nauutal na sagot ko. Lumabas siya ng banyo at nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. “Let’s go shower”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD