SHEINA
"I'll be honest with you po, 'Nay. Totoo po, gusto ko po ang anak niyo," sagot ni Jeron sa Nanay ko. Iyon na yata ang pinakanakakalokang sinabi niya mula nang magkakilala kami dahil pareho kaming natulala ni Nanay pagkatapos niyang i-declare iyon. Nakanganga na rin si Nanay sa video call, habang ako ay parang nagkaroon ng part two ang pag-shut down ng buong sistema ko.
Punyemas naman kasi itong si Jeron! Bakit niya sinabi iyon sa Nanay ko? Ngayon ay sure akong hindi na papayag si Nanay na tumira rito sa bahay!
"I know na hindi magandang tingnan at mapapaisip po kayo ngayon dahil sa sinabi ko, pero hindi ko rin po kayang i-deny sa inyo na may gusto nga po ako sa anak niyo. You deserve to know about it."
Natameme ako doon, kahit na kanina pa ako sa speechless sa sinasabi niya. Ang hirap naman kasi kapag ganito kagalang at kamaprinsipyo ang tao, eh mahirap siyang kontrahin. Kung hindi nga lang siguro ako nag-aalala ngayon na baka hindi na talaga matuloy ang paglipat niya rito sa bahay ay malamang bumilib at sumaludo na ako ngayon sa kanya sa pag-amin niya sa Nanay ko. Hindi naman kasi lahat ng lalaki ay may paninindigan at lakas ng loob gaya niya.
Ilang segundo rin bago makasagot doon si Nanay, and sure ako na nag-shut down din ang utak niya sa sinabi ni Jeron. Hindi kasi siguro inaasahan ni Nanay na iyon ang sasabihin ni Jeron sa kanya. "G-Ganun ba? Aba eh paano yan, Jeron? Ayoko namang magsama kayo ng anak ko sa iisang bahay kung may gusto ka pala sa anak ko. Hindi ko pwedeng ipagsawalang bahala na may kasamang lalaki ang anak ko sa bahay, at hindi lang basta-bastang lalaki kung 'di ay may gusto pa sa kanya."
Tumango-tango doon si Jeron. "Naiintindihan ko po, 'Nay. Kung yan po ang sa tingin niyong dapat gawin, susunod po ako. Irerespeto ko po ang desisyon niyo."
Doon na ako sumingit. "Nay, payagan niyo na si Jeron!" pagmamakaawa ko na sa sarili kong ina, at kung pwede nga lang umiyak ngayon ay gagawin ko na. Hindi kasi pwedeng hindi rito tumira sa bahay si Jeron! Sayang ang kikitain ko mula sa upa niya! At masisira ang mga plano ko!
"Aba, Sheina, at okay lang talaga sa 'yo na tumira diyan si Jeron, ano? Porke't gwapo?"
"Nay naman eh! Eh ano naman kung may gusto siya sa akin? Hindi naman kami mag-aasawa! At saka kung natatakot ka lang na mabuntis ako, hello? Tatlong taon na akong mag-isa rito, pero hindi naman ako nabuntis! Kung gusto kong magpabuntis ay noon ko pa ginawa, ano? Kaso hindi naman yan ang priority ko!"
Napakamot na sa ulo niya si Nanay. "Sinasabi mo lang yan ngayon. Pero Sheina, maniwala ka sa akin, mai-in love ka diyan sa lalaking yan sa katagalan. Huwag nga ako, babae rin ako 'no. Magkasama sa iisang bahay? Tapos may itsura, magalang, at may magandang trabaho ang lalaking kasama mo diyan? Aba, eh tanga na lang ang hindi papatol sa ganyan, 'no!"
Natawa doon si Jeron, pero pinandilatan ko siya kaya tumigil siya agad. "Nay naman, huwag niyo naman ako itrato na minor. Matanda na ako. Kung tutuusin, sa edad kong ito ay dapat may anak na nga ako eh. Yung mga kaedaran ko nasaan na ngayon? Ayun, may mga pinapasuso na kapag nakikita ko sa simbahan tuwing Linggo. Ang ingay-ingay pa, tamang timing lang ang iyak ng mga anak nila kapag simula na ng Misa."
"O, ano'ng konek naman niyan?"
"Ang punto ko Nay, eh ano naman kung nasa iisang bahay kami? At ano naman kung magkainlaban nga kami rito? Nasa tamang edad naman ako. Ganun din si Jeron. Wala naman sigurong masama doon. Hindi naman na eskandalo kung mag-asawa ako 'no. Hindi naman ako katorse lang."
Parang napaisip naman si Nanay sa sinabi ko. "Oo nga. Pero naku, mabubuntis ka agad na bata ka---"
"Bakit kasi sa buntisan agad ang punta niyo? Sabihin mo lang 'Nay kung gusto mo na ng apo at bibigyan na kita." Nakita kong napatingin sa akin si Jeron na nanlalaki ang mga mata, pero si Nanay ay hindi na maipinta ang mukha kaya kinakabahan din naman ako na baka galit na talaga siya.
"Kung nandiyan lang ako ay talagang kinurot na kita sa singit. Napakapilosopo mo rin ano? Ang sa akin lang naman ay hindi pa kayo kasal kaya bakit kayo magsasama sa iisang bahay? Hindi ko nga alam kung magnobyo na kayo eh."
"Yes po. Girlfriend ko na po si Sheina. Pero kanina lang po kami naging official," sabat naman ng lalaking katabi ko na nakaharap sa phone ko. Ang sarap niyang sakalin ngayon, sa totoo lang. Nagtitimpi lang talaga ako dahil kausap pa namin si Nanay. At saka bakit pala nakiki-Nay na siya? Agad-agad ganoon na ang pagtawag? Hindi man lang 'Tita' muna?
"O, kita mo na? Eh magnobyo na pala kayo eh! Hindi mo na lang sinabi sa akin noong una! Mabuti pa itong si Jeron at marunong umamin!"
"Eh kasi naman 'Nay, natatakot kasi akong baka hindi kayo pumayag na dito umupa si Jeron. Magbabayad naman kasi siya eh. Hindi naman siya libreng makikitira rito."
"Kahit na. Wag mo na ipilit ang gusto mo, Sheina," ani Nanay at bumagsak ang kalooban ko doon. "Nakapagdesisyon na ako. Hindi pwedeng tumira diyan si Jeron hangga't hindi kayo kasal."
Parang gusto ko namang maiyak sa decision ni Nanay. Pero ang lalaking katabi ko ay ibang level na ang pinagsasabi. "Okay lang po, 'Nay. Kung yan po ang desisyon niyo. Maghahanap na lang po ako ng ibang malilipatan. Pero gusto ko pong sabihin sa inyo na bilang boyfriend ng anak ninyo, nag-aalala rin po ako sa kaligtasan ni Sheina rito. Kahit na kasi sabihing kaya niya naman tumira rito sa bahay niyo nang mag-isa, hindi pa rin natin alam kung ano'ng pwedeng mangyari. Naririnig ko nga pong uso rito ang NPA kaya iyon din po ang ikinakatakot ko. Huwag naman po sana pero paano kung mapagtripan nila si Sheina at siya lang ang tao rito? Iyon po ang iniisip ko nang pumayag akong tumira rito sa inyo."
Natigilan doon si Nanay, habang ako naman ay nabuhayan ng loob. Maganda kasi ang tactic ni Jeron! Baka nga pumayag si Nanay na umupa si Jeron dito kung ganyan ang sasabihin niya! Sana naman pumayag na si Nanay! May point naman talaga doon si Jeron! Hindi naman talaga ako dapat na mag-isa lang dito! Lalo na sa panahon ngayon na marami ng adik at mga siraulo. Nakakaistorbo pa ako sa mga kapitbahay ko minsan kapag chini-check nila ako kapag may napapabalitang may naglilibot na mga masasamang tao rito sa San Policarpio. Iyon talaga ang nakakatakot eh.
"Tama ka naman doon, iho. Dapat naman talaga ay may kasama diyan ang anak ko. Ang plano ko nga riyan ay tumira na lang muna siya kina Claire, tutal naman payag naman ang mga magulang ng batang yun. Kaso ayaw niya naman kesyo may sarili kaming bahay kaya bakit daw siya makikitira sa iba."
"Tama naman ako dun ah!" reklamo ko dahil parang mali pa ako doon. Eh alangan naman talagang makitira pa ako sa kaibigan ko kung may sarili naman kaming bahay. Nakaistorbo pa ako sa kanila.
"Sabi ko nga na si Claire na lang ang patirahin mo diyan, tutal gusto rin naman niya, ayaw mo rin naman."
"Ano kasi ang point na patirahin ko rito si Claire eh pareho nga kaming babae. Eh 'di pinahamak ko pa siya." Minsan, nagugulat din talaga ako rito sa mga pinagsasabi ni Nanay. Ayaw niya na lang kasing payagan si Jeron. Kung sana ay alam niya lang na wala naman akong balak na magpabuntis sa lalaking katabi ko ngayon, baka sana pumayag siya.
"Hay nako, napakahirap naman kasi maging babae sa panahon ngayon. Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi ako nag-aalala sa kaligtasan mo diyan gabi-gabi, Sheina. Gusto ko rin namang may makasama ka na diyan. Ang kaso, hindi ko pa naman kilala itong si Jeron. Hindi ko pa siya pinagkakatiwalaan."
"Sige lang po, 'Nay. Naiintindihan ko naman. Kahit kung ako rin naman po ang nasa sitwasyon niyo ay hindi rin po ako agad magtitiwala sa taong kakakilala ko lang."
"Aba'y mabuti naman at naiintidinhan mo ako, iho. Hindi naman kasi madali iyang gusto niyong ipagpaalam sa akin. Pero sa totoo lang, gusto ko na honest ka sa akin. Ayoko kasi na sa iba ko pa malalaman ang tungkol sa inyong dalawa. Walang magulang ang gugustuhing mapahamak ang anak niya, tandaan niyo yan."
"Opo, 'Nay." At sabay pa talaga akmi ni Jeron na nagsabi noon. Nagkatinginan tuloy kaming dalawa. Nagulat pa nga ako na parang kinakabahan siya ngayon na nakatingin siya sa akin. Pero dapat lang, dahil hindi ako natuwa sa ginawa niyang pag-amin kay Nanay. Hindi na tuloy siya makakaupa rito sa bahay!
"At saka 'di ba Sheina, pangarap mo pang mag-abroad. Kaya paano na yun kung magli-live in kayo diyan ni Jeron? Tutuloy ka pa ba? Pag-isipan niyo muna iyan dahil baka kapag nagkataong magpadalos-dalos kayo ay magsisi pa kayo."
"Teka, abroad? May balak kang mag-abroad, Sheina?" gulat namang tanong sa akin ni Jeron. Dahil doon, hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong asikasuhin. Ang galit ko ba kay Jeron dahil napakadaldal niya? O ang pagtatampo ko kay Nanay?
Siguro ay magpa-panic mode na lang ako ngayon na nalaman na ni Jeron ang tungkol sa balak kong mag-abroad. Hindi ko kasi sana gustong sabihin sa kanya ang tungkol doon dahil kaka-official nga lang namin as magjowa, tapos yun kaagad ang malalaman niya sa akin? Parang unfair naman iyon sa kanya. Kaya hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko ngayong nalaman na niya ang tungkol doon. Halata kasi na nabigla talaga siya doon at ngayon ay nagtatampo na yata siya. Hindi na kasi siya sumagot habang hinihintay ako sa labas ng kwarto ko. Tinapos ko na ang video call dahil may desisyon na rin naman si Nanay.
"Teka, galit ka ba sa akin, Jeron?" usisa ko sa kanya pagkalabas ko ng kwarto pero hindi niya yata ako naririnig. O baka hindi niya talaga ako sinasagot dahil galit nga siya. Ewan ko rin ba sa lalaking ito. Napakamatampuhin pala niya? Pero hindi niya naman ako iniwan kahit na nagtatampo siya. Nagbihis kasi ako dahil niyaya niya akong mag-lunch sa karendirya nina Morrie. Yun daw talaga ang dahilan kung bakit dumaan siya sa bahay. Gusto niya palang kumain ulit kami doon sa karendirya kung saan una kaming nag-lunch date. Nakakakilig dapat yun ngayon, dahil babalik kami doon na magjowa na, kaso ay na-stressed yata nang bongga si Jeron sa nalaman niya.
Tahimik lang siya habang naglalakad kami papunta sa karendirya. Nag-offer nga akong sumakay na lang kami ng pedicab para mas mabilis kami, pero ang sagot niya lang ay mas magandang maglakad lang daw kami para makapag-usap kami. And as usual, pinagtitinginan kami ng mga tao na nadadaanan namin. Nagulat yata sila na hindi na si Larry ang kasama ko ngayon. Siguro napakalandi na ng tingin nila sa akin ngayon, dahil kamakailan lang ay pasakay-sakay ako sa motor ni Larry tapos ngayon naman ay kasabay ko namang magla-lunch si Jeron.
Oh well, bahala sila sa kung ano man ang iisipin nila. Wala naman akong pake doon. Saka gayahin na lang nila ako 'no. Ganoon talaga kapag maganda, nilalapitan ng mga boys nang kusa. Inggit lang sila kasi hindi sila ang nakakaranas ng nararasanan ko. Pero kung sa kanila iyon nangyari, aba, eh ipagmamalaki pa nila yun sa buong angkan nila--- na nililigawan sila ni Larry, na good catch na kung ituring ng mga tao rito dahil sa may kaya ang pamilya niya. O na type sila ng isang doktor na tulad ni Jeron, na alam kong lahat naman sa kanila ay nangangarap na sila ang nasa posisyon ko ngayon. Wag nga sila, alam ko naman na inggit talaga ang pinagmumulan ng pagkalat nila ng chismis tungkol sa akin eh.
Kung bakit kasi kailangan nilang umasa sa isang successful na lalaki para umangat sa buhay? Eh kayang-kaya rin naman ng isang babae na maging successful. Napakaimportante kaya na bilang babae ay may sarili kang means ng pagkakakitaan. Hindi 'yung aasa ka lang sa lalaki.
"Sheina, talaga bang maga-abroad ka?" biglang tanong sa akin ni Jeron habang naglalakad pa kami. Tirik na tirk ang araw ngayon pero hindi ko iyon ramdam dahil may dala siyang malaking payong na kulay green at pinapayungan niya ako ngayon. Para tuloy akong prinsesa na pinagsisilbihan niya.
"Ah, oo eh. Sorry Jeron. Ayoko sana munang sabihin sa 'yo ngayon dahil bagong-bago palang tayo sa relasyon na ito---"
"That's fine. Mas maganda namang nalaman ko na ngayon." May himig talaga ng lungkot sa boses niya kaya nalulungkot din ako. Napakabait kasi ni Jeron, kaya kapag nalungkot siya dahil sa 'yo parang ang sama-sama mo talagang tao.
"Pero hindi ka ba galit?" tanong ko pa sa kanya. "Okay lang na magalit ka. Hindi rin kasi biro 'yung aalis pala ako 'di ba. Baka nga ayaw mo ng LDR eh."
"Ayaw ko naman talaga ng LDR. But I don't know. Let's see what happens."
Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. "Teka, you mean hindi mo ako pipigilan?"
"Bakit, papapigil ka ba?" balik niya naman sa akin.
"Hindi. Gusto kong magtrabaho abroad, Jeron. Iyon lang ang nakikita kong chance na umangat sa buhay. Nakita mo naman ang kalagayan ko. Hindi naman ako nakapagtapos ng four year course. Tapos ang daming utang ng Nanay ko na hindi matapos-tapos bayaran. Iyong panggagamot lang ang meron ako, na kung tutuusin ay maliit lang din naman ang nakukuha ko since 'di ko naman ginawang negosyo yun. Sa mga halamang gamot at coconut oil ako non malakas kumikita, kasi binebenta ko yun sa mga pasyente ko pero hindi ako naniningil kapag alam kong walang pambayad."
"I'm sorry."
"Huh? Bakit ka naman nagso-sorry?"
"Nasira ko ang image mo eh. Hindi ko namalayan na sa kagustuhan kong maging tama ay natapakan na kita, the one that I cared the most about in this place."
"Ah eh... Okay naman na yun sa akin. Move on na tayo doon."
Tumango siya. "Don't worry. Lilinisin ko ang pangalan mo, Sheina. Hindi lang dahil yun ang kasunduan natin, pero dahil gusto kong magtagumpay ka sa kung ano man ang gusto mong gawin. Simulan natin sa pagtatama sa tingin ng mga tao sa 'yo."
"Okay lang naman sa akin na pag-isipan pa nila ako nang masama. Tumigil na rin naman ako muna sa panggagamot. Ang sa akin lang, hindi ko lang naman trip iyong pagiging albularyo ko. Hindi rin ako fake o scammer."
"I know. Kaya nga sobrang guilty ko na dahil sa akin ay nasira ang image mo sa mga nagpapagamot sa 'yo. Hayaan mo, babawi ako, Sheina." Nagulat pa ako nang bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko. Holding hands tuloy kami nagyon. Lowkey what? Eh may nakakakita na ngayon na magkahawak-kamay kami. Pero ang werid lang doon, hindi ko siya pinipigilan sa ginagawa niya, na dapat kanina ko pa ginawa.
Maybe I like it.
Holding hands.
"And I will help you go abroad, if that's what you want, Sheina."
"Teka, hindi mo nga talaga ako pipigilan?"
Umiling siya na nakangiti. Pero kakaiba ang ngiti niya. Hindi iyon masaya. "If that's your dream, sino ba naman ako para pigilan ka 'di ba? My role as your significant other is to support you all the way. Even if it means I will have to miss you every second that you are gone."