SHEINA
"Lumipat ka na ng tirahan. Hindi ka maayos kina Raffy 'di ba? Sa akin ka na tumira." Pagkasabi ko nun sa kanya ay parang gusto ko na agad bawiin ang mga salitang lumabas sa bibig ko, dahil bigla akong napaisip. Watda hell? Bakit ang taas yata ng confidence ko ngayon? Hindi naman ako nakainom, kaya bakit ako pa talaga ang nag-alok noon sa kanya? Pero kailangan kong gawin ito. Para rin sa akin ito, and in a way ay para rin 'to kay Jeron. Nasimulan ko na ang planong ito kaya kailangan ko nang panindigan.
Halata naman ang pagkagulat sa mukha ni Jeron. Nakabuka pa nga ang bibig niya dahil sa mga sinabi ko, and I'm sure hindi niya inaasahan na sasabihin ko ang mga yun ngayon sa kanya. "Tama ba ang dinig ko sa 'yo, Sheina? You want me to stay with you? In your house? Just the two of us?"
Pinilit kong huwag mag-blush sa pagkakasabi niya doon ng may diin kahit na parang may mga paru-paro na sa tiyan ko ngayon. Napaisip nga ako in hindsight eh. Grabe, totoo pala iyong kasabihan na 'feeling like there are butterflies in my stomach' kasi yun ang pinaka-accurate na description ngayon sa nararamdaman ko. Pero ayun nga, kailangan kong magpakatatag ngayon para magawa ko ito nang maayos. Kailangan kong kontrolin ang sarili ko. Shake it off, sabi nga ni Taylor Swift.
"Oo naman. Naisip ko rin kasing mas maganda kung nasa iisang bahay lang tayong dalawa, 'di ba?" sabi ko pa. "Pero uupa ka naman sa akin. Hindi naman tayo magli-live in, ano. Kahit na napaka-bold ng ginagawa kong move ngayon sa 'yo eh may values pa rin ako, 'no. Hindi natin gagawin ang mga bagay na alam kong iniisip mo ngayong gagawin natin sa bahay---"
"Anyone will think that way, Sheina," sagot niya naman agad. Mukhang nakabawi na siya mula sa pagkakabigla sa mga sinabi ko at nakikipag-usap na siya sa akin nang maayos. Kanina kasi eh kung hindi siya nauutal ay bigla naman siyang mananahimik. "If we are going to date, and then we will live under one roof---"
"Sa kwarto ng Kuya ko ka naman kasi mag-stay, ano ka ba. Hindi ko naman sinasabing magshi-share tayo ng isang kwarto."
Tumango siya doon. "But still, if you think about it, everyone will talk about that, Sheina. Okay lang sa 'yo yun? And how about your mother? Pumapayag ba siya diyan sa offer mo sa akin?"
"Oo naman, okay lang sa akin 'no. Ano namang paki nila kung patirahin kita sa bahay. At least hindi ako ang tinira mo."
"Ha?"
"Ha? Ay basta, ganun," sabi kong pulang-pula na naman ang buong mukha. Pwede na nga yatang magprito ng itlog sa mukha ko eh. Hindi na kasi ako dapat nagbiro ng ganun dahil bumalik ulit sa pagka-shy itong kausap ko. Hindi niya yata kinayang makarinig ng green joke mula sa akin ngayon.
"Sheina, pag-isipan mo muna yan nang mabuti. Ako, personally, I like that idea. Kasi I was thinking of moving out from Raffy's anyway. Hindi na rin ako mahihirapang mag-adjust kung saka-sakali. But I don't want to cause trouble for you. Baka mamaya hindi maging maganda ang resulta nang desisyon mong yan---"
"Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba, Jeron," sagot ko kaagad sa kanya bago pa niya ako makumbinsi na tama siya, dahil tama talaga siya. "Uupa ka lang naman sa bahay. Mag-rent ka ng room. Bedspacer. Hindi naman tayo ikakasal. And regarding kay Nanay naman, hindi pa ako nakakapagpaalam sa kanya tungkol sa pag-upa mo pero papayag iyon. Ako ang bahala."
Tumango-tango si Jeron, at hindi ko maiwasang mapansin na napangiti siya doon. Ang problema kasi sa may dimples ay hindi mo maitatago ang ngiti mo kahit pa itikom mo na ang bibig mo. "Okay, okay. Ako rin, I really don't care about what others will think of me renting in your house. Iniisip lang kita. Pero kung okay naman pala sa 'yo, then okay na rin sa akin. Maganda nga ang suggestion mo eh. Kasi hindi na ako maghahanap pa ng titirhan."
"Kaya nga. At saka mura lang naman ang singil ko sa 'yo. Yun nga lang, magtitiis ka lang sa bahay ko. Nakita mo naman ang itsura non. Hindi iyon katulad sa bahay nina Raffy na may shower and aircon."
"That's alright. Cute nga ng bahay niyo. Di ba sabi ko sa 'yo before na gusto ko ang bahay niyo."
"Ah oo nga pala. So ano? It's a deal? Payag ka nang umupa sa bahay?" tanong ko pa dahil baka magbago pa ang isip niya. O baka ako pa ang magbago ang isip.
"Okay, but only if your mother is okay with it."
"Yun lang pala. Walang problema doon. Kakausapin ko agad siya mamaya." Nakahinga ako doon nang maluwag. To be honest, kahit na may konting kaba sa akin sa ginawa kong pag-imbita kay Jeron na umupa sa bahay, naisip ko rin kasi na tama rin iyon. Isa talaga iyon sa mga focal point ng plano ko (char, focal point) dahil pinag-isipan ko na yun nang maigi. Mas magagawa ko ang masama kong balak kung nasa bahay siya. And bonus na lang din na may papasok na pera sa akin monthly galing sa kanya. Hindi na rin masama 'di ba? At saka hindi naman kami laging magkakasama sa bahay. Busy siya sa trabaho niya, habang ako naman next month ay magti-training na ako. Hopefully.
"I'm glad na nagpunta ka rito, Sheina," sabi niya naman na ngiting-ngiti na ngayon. "Balak ko nga sanang magpunta sa bahay niyo mamaya after my duty. Hindi ko na rin kasi kayang kimkimin 'to. I was even practicing what I was going to say to you. Pero iba talaga maglaro ang tadhana. Ikaw pa talaga ang pumunta rito sa akin. Maybe I really should thank Raffy. Kung hindi niya siguro ako ibinuking sa 'yo ay hindi ka pupunta rito at hindi ko rin malalaman na may crush ka rin sa akin"
"Ay, may pag mention na ng tadhana," biro ko para itago ang kilig at hiya sa mga sinabi niya. "Hindi naman big deal iyon. Sooner or later ay magkakamainan din naman talaga tayo."
"Well, that's true. But still, who would have thought na ikaw pa talaga ang pupunta sa akin dito? Kahit papano ay may part sa akin na nahihiya sa 'yo dahil ikaw pa talaga ang nag-reach out."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Teka, isa ka rin ba sa mga lalaking ayaw na inuunahan sila ng babae pagdating sa first move? Kaloka ka ha?"
Umiling siya kaagad. "Hindi naman. You see, I'm a very open-minded person. 2021 na. Kahit sino pwedeng mag-first move. Ang sa akin lang, ako kasi ang dahilan ng naging misunderstanding sa ating dalawa, so dapat ako rin ang naunang mag-reach out sa 'yo. Ako dapat iyong mas nagpursige na kausapin ka. Pero ikaw pa ang gumawa ng first move at nagpunta rito. Kung hindi nga siguro ako overwhelmed ngayon sa confession mo ay baka napaka-down ko na naman ngayon."
"Jeron, wala rin sa akin kung sino ang mauunang makipagbati. Nagkataon lang din na kinausap ako ng kaibigan mo at kahit papano ay naintindihan ko na rin ang side mo. Kaya eto ako ngayon."
Napangiti ko ulit siya doon. Talagang mukha siyang sobrang masaya sa nangyayari, kaya naman nakaramdam din ako ng guilt na kaagad kong iwinaksi. "Thank you, Sheina. Thank you for coming here. Napaaga man ang pagkakaayos natin, hindi na rin ako magrereklamo lalo na at pumayag kang makipag-date sa akin. Tapos sa 'yo pa ako titira soon, kaya napakasaya ko ngayon."
"Ano, titirahin mo ako?"
Nanlaki ang mga mata niya sa biro ko kaya tawang-tawa ako. "Sheina!" saway niya sa akin pero wala na, bentang-benta na sa akin na parang naeeskandalo siya kapag binibiro ko siya nang ganun. "Baka marinig tayo ng iba, may kumalat na namang bagong chismis tungkol sa atin!"
Natawa na naman ako. Mukha kasing nakapag-adjust na si Jeron sa buhay niya rito sa San Policarpio. Aware na siya na bawat kilos niya ay may mga matang nakamasid. Somehow ay natuwa ako roon, dahil noong una ay worried din talaga ako sa kanya na baka dahil sa wala siyang alam sa mga nangyayari sa paligid niya ay baka matulad siya sa akin na biktima lagi ng fake news.
"O siya, uuwi na muna ako ha, mamaya na ulit tayo mag-usap after work mo. Puntahan mo na lang ako sa bahay mamaya, Jeron. I-check mo iyong room ni Kuya na uupahan mo. Maglilinis din muna ako doon. Sure naman akong papayag si Nanay."
Tumango siya na ngiting-ngiti na ngayon. "Okay." Naglakad na ako papunta sa pinto ng office niya pero bigla niya akong hinabol at hinawakan niya ako sa braso ko. "Wait, Sheina."
Napatigil naman ako at bigla akong kinabahan na magkalapit na ulit kami ngayon. "Y-Yes? May sasabihin ka pa?"
"I just want to make it clear," sabi niya na muntik na namang mautal. Para siyang shy na teenager ngayon pero kabaliktaran noon ang intensity na nakikita ko ngayon sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. "When you said that we're going to date, it means that we're already a couple, right?"
"Ah... Y-Yun ba? Oo naman. Bale ano, magjowa na tayo ngayon."
Doon niya na ako binitawan sa braso ko tapos bigla niya akong niyakap. Ako naman, hindi lang ako nabigla, nag-shut down pa yata ang buo kong pagkatao sa ginawa niya. "Really? Thank you, Sheina!" Sobrang saya niya talaga ngayon na mas lalong nagpabilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko man kasi aminin, masaya ako ngayon na masaya siya, if that makes sense. Basta, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ko nang ma-realize ko na kahit paano ay napasaya ko siya. "You don't know how much you made me happy, Sheina."
"Ah eh... t-thank you rin," utal-utal na sagot ko. Tapos naisip ko rin na parang walang sense na nag-thank you ako sa kanya. "Bitaw ka na, Jeron. Baka may makakita pa sa atin.
Bumitaw naman siya kaagad. "Wait, itatago ba natin sa mga tao na tayo na?" May kaunting lungkot sa mga mata niya nang magtanong siya.
"Huh? Hindi naman. Ano lang, siguro maganda iyong hindi naman natin biglain ang mga tao, 'di ba? Alam kong mabilis ang mga pangyayari, Jeron, pero mas maganda na sa ngayon, sa ating dalawa muna tayo mag-focus? Ayoko naman kasing ma-spoil tayo kaagad ng mga tao."
"Okay, I understand. You're actually right. Mas magandang lowkey muna tayo. I also don't want to deal with other people before we can really establish our relationship. Muntik na nila tayong masira, so it will be good for us if what we have will be ours first. Ours and ours alone."
Ours.
Ours and ours alone.
Hindi ko alam kung bakit umalingawngaw yun sa tenga ko, pero ganoon na nga ang nangyari. Para bang tumatak iyon nang bongga sa utak ko, sa puso ko, at sa diwa ko. Lalo na nang makita kong nakangiti na naman siya habang sinasabi iyon sa akin, at hindi umaalis sa mukha ko ang mga mata niya. I could see na napaka-genuine ng feelings niya para sa akin, na kabaliktaran ng sa akin.
***
"Mag-aasawa ka na ba, anak?"
Yun ang unang sinabi sa akin ni Nanay pagkatawag ko sa kanya at pagkasabi kong may gustong umupa sa bahay namin. Sinabi ko kasing isang lalaki ang uupa, na iyong doktor na dahilan kung bakit wala ng nagpapagamot sa akin. "Nay, naman. Uupa lang siya sa kwarto ni Kuya, hindi kami magbabahay-bahayan."
"Naku, eh ganoon na rin iyon, anak."
"Hindi 'Nay," sagot ko dahil for some reason ay ayokong aminin sa kanya na 'mag-boyfriend' na kami ni Jeron. Kasalukuyan akong naglilinis ngayon dito sa kwarto ni Kuya at pinapagpag ko ang kutson na nakatayo sa gilid habang kausap ko si Nanay sa speaker phone. "Magkaiba yun. Sayang din naman kasi ang kikitain ko sa upa, 'Nay."
"Oo, maganda nga iyan, anak. Tama naman na pakinabangan mo ang bahay na yan kung may gusto namang umupa diyan. Ang problema ko lang ay lalaki yan. Kahit na tiwala ka sa kanya ay ibang tao pa rin yan."
"Don't worry, 'Nay, mapagkakatiwalaan ko naman siya. Doktor naman siya at wala naman siyang criminal records. Sesendan kita ng picture niya para malaman mo kung ano ang itsura niya."
"Hindi lang picture ang gusto kong makita sa kanya, anak. Gusto ko rin makausap yan. Nanay mo ako, kaya hindi naman ako papayag na may titira diyan kasama mo na hindi ko nakikilala nang maayos. At saka paano ang Kuya mo? Baka tumutol yun kapag nabalitaan niya ang tungkol diyan."
"Naku, kung si Kuya na lang din naman, hayaan niyo siyang magalit. Hindi ko siya pinakikialaman magmula nang umalis siya rito kaya manahimik siya ano. And yes, 'Nay, sige, sasabihin ko kay Jeron na gusto mo siyang kausapin."
Pumayag naman doon si Nanay. Ang maganda sa kanya ay open-minded din siyang tao, lalo na sa mga business opportunities. Kaya nga lang kapag ayaw niya sa isang tao ay habang buhay niyang aayawan ito, kaya kung gusto kong mangyari ang mga dapat mangyari ay kailangang makapasa ni Jeron sa test (at taste) ng Nanay ko.
Ang balak ko sana ay mamayang gabi pa sila magkausap, pero nakarinig ako bigla ng katok sa pinto. Akala ko ay si Claire lang, o 'di kaya ay si Larry, kaya laking gulat ko nang mapagbuksan ko si Jeron. "Teka, ano'ng ginagawa mo rito, Jeron? Di ba mamaya pa tayo mag-uusap dapat?"
"Ah, yun ba? Oo, babalik pa rin ako mamaya rito." Pumasok na siya sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ni Kuya na nakasa noong unang punta niya rito. "This looks good," sagot niya pagkatingin sa kabuuan ng room. "May bintana rin and may cabinet pa. I really like this, Sheina."
"Ah buti naman at nagustuhan mo. Pero saka ka na lumipat kapag natapos na akong maglinis ha, at mukhang aabutin pa iyon ng at least two days. Ang tagal kasi na walang tumatao sa kwarto na ito kaya napakatapang ng amoy ng alikabok at kulob na hangin."
"I'll help you clean," sabi niya naman. Gusto ko nga sanang tumanggi lalo na at nakasuot pa siya ng puting polo shirt ngayon, pero naunahan ako ng Nanay ko.
"Naku iho hindi ka pwedeng tumulong sa paglilinis dahil obligasyon namin iyon!" sabat ni Nanay sa usapan namin na hindi ko napaghandaan. Nakalimutan ko kasing hindi ko pala napatay ang tawag niya nang dumating si Jeron, at dahil naka-on ang speaker ay naririnig niya lahat ng pinag-uusapan namin ni Jeron!
Jusmio! Mabuti na lang pala at wala pa kaming napag-uusapan ni Jeron tungkol sa relasyon namin dahil baka nabuko na kami ni Nanay! At hindi pwedeng mangyari iyon dahil kapag nalaman niyang may relasyon ako sa lalaking uupa rito sa bahay, baka hindi na siya pumayag na paupahin dito si Jeron!
Kaya ang ginawa ko, pinanlakihan ko ng mga mata ko si Jeron, at sana ma-gets niya kung ano ang gusto kong iparating sa kanya. Ang problema, poker-faced lang siya ngayon kaya hindi ko alam kung naiintindihan niya ang gusto kong ipahiwatig sa kanya.
"Hello po. Ako po si Jeron de Vera. Ako po ang uupa sa kwarto."
"Hello rin sa 'yo, iho. Pwede ba tayong mag-video call? Gusto ko kasing makita ang itsura mo, para na rin sa safety ng anak ko. Ang totoo niyan ay ayoko sanang pumayag sa pagtira mo diyan. Gusto ko sana na kung may uupa man diyan sa bahay ay babae, pero mukhang okay ka naman sa anak ko kaya kailangan na lang muna kitang kausapin."
"Okay lang po," sabi naman ni Jeron. Napakamagalang niya talaga kaya sa tingin ko ay papasa siya kay Nanay. Ibinigay ko naman sa kanya ang phone ko para masimulan na nila ang pag-uusap nila sa video call.
"Aba, eh napakagwapo mo palang bata," bulalas agad ni Nanay pagbukas lang ng video call. "Ilang taon ka na ba, iho?"
"Twenty eight po. Isa po akong doktor, at ang specialization ko po ay Family Medicine," sabi naman ni Jeron tapos may kinuha siya mula sa loob ng t-shirt niya. Naloka pa nga ako dahil akala ko ay maghuhubad na siya, pero yun pala ay ipapakita niya lang ang suot niyang ID na itinago niya sa loob ng polo shirt niya. Nakasabit kasi iyon sa isang lanyard na alam kong bigay sa kanya ng DOH. "Ito po ang ID ko. Pwede rin po akong mag-send sa 'yo ng copy nito pati ng PRC ID ko."
"Naku, kahit 'wag na. Basta may importanteng detalye ang anak ko sa 'yo, ayos na yun, At saka kakausapin ko na lang ang kumpare kong pulis diyan at tatanungin ko tungkol sa 'yo. Para naman mapanatag ang loob ko sa 'yo, iho. Pasensiya ka na kung marami akong hihilingin sa 'yo ha, talagang nag-iingat lang din ako."
"Okay lang po. Naiintindihan ko naman po."
"Mabuti kung ganoon. Yun nga lang, siyempre gusto ko pa ring malaman ang tungkol sa 'yo, at kung paano mo nakilala ang anak ko, o kung may gusto ka ba sa kanya. Ayoko kasing mabigla na lang isang araw na buntis na 'yang si Sheina at ikaw ang ama. Mabuti na rin iyong ngayon pa lang, sabihin mo na kung may ganoong intensiyon ka sa anak ko, iho. Para naman makapagdesisyon ako kung ano ang gagawin ko doon."
Naloka na naman ako doon. Eto na ang kinakatakot ko eh. Talagang hindi nagpaawat si Nanay! Inalam talaga kung may gusto sa akin si Jeron o wala! Kaya sa taranta ko, umiling-iling ako sa tapat ni Jeron para isenyas sa kanya na 'wag siyang umamin, kaso iba ang ginawa ng siraulo.
"I'll be honest with you po, 'Nay. Totoo po, gusto ko po ang anak niyo," sagot ni Jeron sa Nanay ko.