Kabanata 33

1801 Words
SHEINA "Larry, iwan mo muna kami ng boyfriend ko," sabi ko sa kasama ko na nanlilisik pa rin ang mga mata kay Jeron. "Mag-uusap na muna kaming dalawa. Please." Pero parang ayaw pa yatang umalis nitong lalaking ito. Halata kasi sa expression ng mukha niya ngayon na gusto niya pa yatang makipagbardagulan kay Jeron, na ikinaasar ko naman. At si Jeron naman, mas nalito pa tuloy sa nangyayari. "What is this? Ano'ng pag-uusapan natin, babe? At bakit ganito kung makaasta ang lalaking 'to?" nagpapabaling-baling na sa amin ni Larry ang boyfriend ko na naguguluhan na yata nang bongga. "Mag-uusap tayo, Jeron. May sasabihin ako sa 'yong importante," sabi ko na lang sa kanya. Hindi nga ako makatingin sa mga mata niya at napatungo pa ako dahil bigla naman akong nilukob nang matinding guilt ngayon. Hindi ko rin kasi inaasahan na ngayon na ang 'moment of truth' naming dalawa. Akala ko may time pa ako para makapaghanda rito. "Tungkol saan yan, babe?" inosenteng tanong niya naman sa akin dahil sa sinabi ko. "Tungkol sa atin," sagot ko. "Tungkol sa relasyon nating dalawa." Napanganga siya doon, marahil sa gulat na rin. And then nang makabawi siya ay binalingan niya ulit si Larry. "O, ano pa ang ginagawa mo rito? Mag-uusap daw kami ng girlfriend ko. Don't tell me makikisali ka?" Naasar yata doon si Larry at akmang susugod na siya sa boyfriend ko kaya naman iniharang ko na ang katawan ko sa pagitan nilang dalawa. Hindi naman sa wala akong bilib kay Jeron, pero alam ko na kapag nagkasapakan sila ay siya ang mabubugbog. Kilala ko kasi si Larry. Ilang beses ko nang narinig na nakipag-away siya noon. Tapos dahil nga Criminology graduate siya, malamang malakas talaga ang stamina niya kaya dehado talaga sa kanya si Jeron. Kaya hindi pwedeng magkasakitan sila. "Larry, pakiusap naman o," sabi ko sa kanya at tinitigan ko pa siya nang makahulugan. "Umalis ka na muna. Ito na nga o. Sasabihin ko na sa kanya ang totoo. Kaya please, hayaan mo na kaming mag-usap." Nainis na rin yata si Jeron. "Umalis ka na. Hindi ko nga alam bakit nandito ka, at kung bakit kailangang makiusap ni Sheina sa 'yo. Labas ka naman dapat dito---" "Sige na, Larry..." Nagkatitigan kami ni Larry, at mabuti naman at tumango na siya sa sinabi ko. Sinamaan niya na lang ng tingin si Jeron, tapos naglakad na ito palayo. Naiwan kaming dalawa ng boyfriend ko na nakatitig sa kanya habang naglalakad ito paalis. Hindi ko nga rin alam kung bakit, pero mas lalong bumigat ang pakiramdam ko habang pinanonood kong maglakad palayo si Larry. Siguro ay dahil na rin ito sa guilt na nararamdaman ko ngayon. At nang wala na si Larry, niyaya ko na sa loob ng bahay si Jeron upang makapag-usap na kami.  This is it, sabi ko sa utak ko. Kinakabahan man, huminga na lang ako nang malalim. nakatulong din na mahigpit ang pagkakahawak ni Jeron sa kamay ko ngayon. Kahit paano ay nabawasan ang stress ko dahil sa simpleng gesture niyang yun. Tahimik kaming pumasok sa loob ng bahay, pero dinig na dinig ko ang malakas na kabog sa dibdib ko. Pagkasara lang ng pinto ay kaagad kong niyakap si Jeron. Nabigla siya, pero niyakap niya rin naman ako pabalik. "Sheina... Kung hindi mo pa kayang sabihin yan ngayon sa akin, you don't have to,' bulong niya sa tenga ko. "I can wait until you're a little braver if you're scared." At doon na tumulo ang mga luha ko. Alam ko kasi na make or break moment na namin ito ngayon. Tama kasi si Larry noon nang sabihin niyang imposibleng hindi magalit si Jeron sa malalaman niya ngayon mula sa akin. Talaga namang nakakagalit ang mga maling desisyong ginawa ko noon. Kahit ako ay galit sa sarili ko. "What's the matter, babe? Umiiyak ka na," aniya sabay punas ng mga luha ko sa mga mata ko. Dinala niya ako sa sofa at naupo kami doon na magkaharap. Umiiyak pa rin ako, pero pinilit ko talagang itigil ang pag-iyak ko dahil gusto ko na ngang matapos na itong pagtatago ko ng sekreto kay Jeron. Natataranta na rin kasi si Jeron kaya ako na mismo ang nag-adjust.  "Hayaan mo na akong umiyak, Jeron. Hindi kasi madali itong sasabihin ko sa 'yo..." "What is it? Sabi mo ay tungkol ito sa atin. At narinig kong sabi ng Larry na yun na may ginawa ka. What was that?" tanong niyang seryoso at may bakas din ng kaba sa boses niya.  "Eto na nga, sasabihin ko na..." "Wait," aniya na napaigtad bigla kaya nagulat din ako. "Hindi mo naman binabalak na makipaghiwalay sa akin, 'no?" Umiling ako agad. "Hindi, Jeron---" Niyakap niya ako agad pagkasagot ko. "Mabuti naman, Sheina. Thank God at hindi yan ang gusto mong sabihin... Because that would have been the death of me... At hindi rin naman ako papayag na hiwalayan mo ako." Natawa ako doon nang bahagya sa sinabi niya. "Hindi ah... Bakit naman kita hihiwalayan, ngayon pa na... na..." "Na?" "Na mahal na talaga kita," sagot ko sa kanya. Nakita kong nagliwanag ang buong mukha niya sa sinabi ko, kaya natuwa rin naman ako. Ewan ko ba, pero natuklasan kong sobrang saya ko pala kapag nakikita ko na napapasaya ko rin siya. Napaka-genuine kasi ng mga reactions nitong si Jeron. Talagang magi-guilty ka kapag ikaw ang dahilan ng lungkot o galit niya, at pakiramdam mo naman sasabog sa tuwa ang dibdib mo kapag nakita mong ikaw ang dahilan kung bakit nakangiti siya na parang anghel na bumaba sa lupa. Naisip ko nga, hindi pa man ako aware, mahal ko na nga yata talaga ang lalaking 'to. As in legit. Walang halong fake news. "Babe, mahal na mahal din kita," sagot niya. Tumango ako. "Alam ko, kaya nga kailangan ko nang sabihin sa iyo ang totoo." Nakita kong napalunok siya bigla ng laway sa sinabi ko. "Okay... Just tell me..." "Pero Jeron, binabalaan kita. HIndi maganda itong sasabihin ko sa 'yo." "Sige lang. Just tell me what you want to tell me." Ako naman ang tumango. At pagkatapos kong magbuntong-hininga ulit, nagsimula na akong magkwento. "Jeron, naaalala mo naman kung anong klaseng trabaho meron ako, 'di ba? Isa akong albularyo. Well, hindi ko masasabing alam ko na lahat pagdating sa larangan ng panggagamot na tulad ng sa Lola ko, pero nakilala mo ako na iyon ang trabaho ko, 'di ba." "Yes, babe. Wala naman akong nakikitang masama doon. Lalo na at sabi mo nga, pinamana yun sa 'yo ng Lola mo---" "Pero alam mo naman siguro na magmula nang dumating ka rito sa San Policarpio, naapektuhan na ang panggagamot ko 'di ba? Bukod sa pinapadalang pera sa akin ni Nanay, iyon lang ang pinagkukunan ko ng pera. Hindi naman kasi siyudad ang San Policarpio para magkaroon nang maraming job opportunities dito, Jeron. Kaya ayun, napilitan akong gawing kabuhayan ang manggamot..." "I'm sorry, babe, kung dahil sa akin ay nahirapan ka," sagot niya sa akin na malungkot ang mga mata. "Alam ko ang tungkol diyan. Kaya nga na-guilty din ako..." "Nag-iipon kasi ako ng pang placement para makapagtrabaho ako abroad, Jeron. Kaya siyempre, nang tumumal na iyong kita ko sa panggagamot ko, nagalit ako sa 'yo. Tapos ayun na nga, nangyari na iyong big issue sa ating dalawa doon kay Aling Marcia. Nasira na ang image at pangalan ko sa mga tao rito. Kaya galit na galit ako sa 'yo. Naisip ko noon, habang nandito ka sa San Policarpio ay hindi ko maibabangon ang pangalan ko. Hindi lang kasi ako nawalan ng pinagkakakitaan noon, nasira rin ang pangalan ng pamilya namin na matagal pinangalagaan ng Lola ko. Siyempre ikinagalit ko yun nang matindi." "I understand, Sheina..." aniya.  "Kaya naman naisip kong gantihan ka. Ang naisip ko lang naman noon ay sirain din ang pangalan mo, pero nalaman kong may gusto ka sa akin. Kaya ayun..." Napahinto ako sa pagsasalita dahil hindi ko na yata kayang ipagpatuloy ang kwento ko. Ngayon pa lang kasi, kitang-kita ko na ang sakit sa mga mata ni Jeron. Mukhang nahulaan na niya kung ano ang tinutukoy ko. "Sheina---" Pinutol ko na ang sasabihin niya bago pa man ako mawalan ng lakas ng loob na magsabi nang totoo. Hangga't hindi niya kasi nalalaman ang totoo, mas bibigat lang ang pasanin ko at mas masasaktan lang din siya. Kaya kailangang matapos na itong kalbaryo naming ito. Kahit ano pa man ang maging reaction niya sa malalaman niya, ang importante nasabi ko na ang totoo. Hindi ko alam kung sino ang nagsabi ng quote na 'the truth will set you free' pero alam kong tama siya. "Naaalala mo ba kung paano kita sinugod sa Health Center at inalok na maging boyfriend ko? Kung paanong ako pa mismo ang nagyaya sa 'yo na makipagrelasyon sa akin? Jeron, patawad, pero noong mga panahong yun, hindi pa talaga kita mahal. Ang balak ko lang noon ay gantihan ka. Dahil nga gusto mo ako, binalak kong makipagrelasyon sa 'yo para makita ng tao na okay tayo at bumalik ang tiwala nila sa akin. At kapag bumalik na ang mga nagpapagamot sa akin, bibitawan na kita." Hindi siya nakasagot doon. Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot, pero wala akong makitang galit. At yun ang pinagtataka ko. Dahil dapat galit na siya ngayon sa akin eh. "K-Kaya naman naisip ko na sakyan ang nararamdaman mo para sa akin. At kapag mahal na mahal mo na ako, iiwan na kita tutal mag-a-abroad din naman ako. Tapos kung masaktan naman kita nang bongga ay mapipilitan kang umalis ng San Policarpio. Mawawala ka na sa landas ko, at noong mga panahong yun, yun ang goal ko, Jeron. Kaya patawarin mo sana ako," iyak ko na naman. Ilang minuto din siyang hindi sumagot sa mga revelations ko. Pero nakatingin siya sa akin na parang malalim ang iniisip. Wala ng tigil ang mgha luha ko. At nang magsalita na siya, kinabahan naman ako nang bongga. Ang seryoso kasi ng tono niya. Nawala na iyong paglalambing niya sa akin sa boses niya. "I will only ask you this, Sheina. Ngayon ba, gusto mo pa ring mag-abroad?" "Huh?" Nagulat naman ako doon, dahil hindi naman yun ang tanong na inaasahan kong itatanong niya sa akin. "Balak mo pa rin bang mag-abroad?" ulit niya sa tanong niya. Tumango ako dahil gusto ko namang maging honest sa kanya. Totoo naman kasi. Yun lang naman ang nakikita kong paraan para kumita ako bukod sa panggagamot. "I see... At kahit pigilan kita, hindi magbabago ang isip mo, right?" "Siguro..." kinakabahan pa ring sagot ko. Tumayo siya bigla. "I see... Then I guess I have to think all about this, Sheina. I admit I am hurt by what I heard from you. But still, ayokong maghiwalay tayo just because of that. Kaya Sheina, I think I'll need some space for myself na muna."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD