SHEINA
Nasaktan ko si Jeron. Alam ko naman na ganito ang mangyayari, pero iba pa rin pala talaga kapag ipinakita na niya ang nararamdaman niya tungkol sa ginawa kong kagagahan. Doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil alam kong nasaktan ko talaga siya. Sino bang hindi? Niloko ko siya eh. Siya na mismo ang nagsabi na nasaktan siya, at ngayon nga ay gusto niya muna ng space.
"Jeron..." pagtawag ko sa kanyab pero hindi agad siya sumagot. Naglakad na siya papunta sa kwarto niya, siguro para magbihis na rin. Balak niya yata akong bigyan ng cold treatment, na deserve ko naman, pero kailangan ko pa ring makapagpaliwanag sa kanya nang maayos. "Please, mag-usap muna tayo..."
Nilingon niya ako, at natigilan ako sa itsura niya. Pula na ang mga mata niya, pero hindi siya naiyak. Siguro ay pinipigilan niya rin talagang umiyak sa harap ko. "Sheina, hayaan mo muna ako. Hindi maganda kung ngayon tayo mag-uusap. Galit ako, at ayokong makapagbitiw ng masasamang salita sa 'yo. Kaya please."
"O-Okay..." Yun na lang ang naisagot ko dahil tama naman siya. Mas magkakasakitan lang kami kung ngayon kami mag-uusap eh galit nga raw siya. Seryoso siya sa sinabi niya at alam kong hindi siya magbibiro sa bagay na iyon. Hindi lang siguro ako makapaniwala na mararanasan ko ang bagay na ito--- ang magalit siya sa akin. Pero sabi ko nga, deserve ko naman kaya hindi na ako umimik pa ulit.
Pumasok na siya sa kwarto niya at tahimik ang buong bahay ko dahil doon. Para naman akong timang na naghihintay na lumabas siya. Ang bilis pa rin ng t***k ng psuo ko. Paglabas niya, nakasuot na siya ng pang-casual. Nakawhite t-shirt at jeans siya na bagay na bagay sa kanya, at nagulat pa ako na naka-shades siya kaya mukha talaga siyang rockstar ngayon. From hot doctor ay isa na siya ngayong hot gangster. Ganoon ang datingan niya ngayon sa akin, lalo na at natatakpan ang mga mata niya. Nakanganga tuloy akong pinagmasdan siya.
"Doon muna ako matutulog kay LJ," sabi niya bigla. Napasapo pa ako sa noo ko dahil oo nga, nakalimutan ko na may usapan nga pala kami ni Jeron na isasama niya ako ngayon doon sa ospital kung nasaan ang best friend niyang si Loiuse Jane. "Dito ka na lang muna, Sheina. I don't think magandang idea na magkasama tayo ngayon."
"Huh? Pero gusto kong sumama sa 'yo, Jeron---"
"Huwag na muna, Sheina," putol niya sa sinasabi ko. "Saka na lang siguro kapag nakapag-usap na tayo nang maayos. Sa ngayon, ang pakiusap ko lang sa 'yo ay hayaan mo na muna ako. Like I said, I just need time to think this through."
Tumango na lang ako kahit deep inside ay parang tinurok ang puso ko ng libo-libong karayom sa mga sinabi niya. Nilagpasan na niya ako at lumabas na ng bahay, at pagkatapos niyang magpaalam ay napasalampak na lang ako sa sofa at doon ako umiyak. Nang marinig ko na ang tunog ng pag-andar ng motor niya sa labas at humarurot na ito palayo, doon na ako umiyak nang bongga. Pero hindi nga lang malakas ang pag-iyak ko dahil ayaw ko namang makaistorbo ng mga kapitbahay ko.
Lutang ang isip ko nang matigil na ako sa pag-iyak.
Hindi ko kasi talaga in-expect na masasaktan ako nang bongga sa isang bagay na ako rin naman ang may kagagawan. Akala ko, galit na ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko kay Jeron, pero may ikagagalit pa pala ako ngayon sa sarili ko. Iba kasi kapag katulad ni Jeron na napakabait ang nasaktan mo. Manhid ka na lang talaga kapag hindi ka maapektuhan sa naging reaction niya. At saka totoo pala talaga na kapag ang jowa mo ay mabait, malamang sa malamang ay ikaw ang dahilan kung bakit kayo mag-aaway. At sa pagitan namin ni Jeron, mukhang ako yun.
Lilipas din 'to, sabi ko na lang sa sarili ko. Ang importante ay hindi naman ako hiniwalayan ni Jeron. Wala naman siyang sinabing ganoon. At atama siya. Hindi ko dapat siya kinulit kanina dahil nga galit pa siya. Baka nainis pa yun sa akin at hiwalayan na talaga ako dahil sa pagiging shunga ko. Buti na lang talaga. Siguro ay kailangan kong kumalma na rin muna.
Patulog na ako bandang alas onse ng gabi (kahit na hindi pa naman ako inaantok) nang tumawag sa akin si Jeron. Gulat na gulat nga ako eh, kasi akala ko hindi niya muna ako kakausapin. Ang imagination ko namang kay lawak ay nakapag-isip na kaagad ng dahilan kung bakit siya tumatawag, at aaminin kong hindi ko agad nasagot ang tawag niya dahil doon. Naisip ko kasi na baka kaya siya tumatawag sa akin ay dahil makikipaghiwalay na siya, na baka napagtanto niya na hindi niya deserve ang babaeng impaktang katulad ko kaya ilang sign of the cross din ang nagawa ko bago ko sagutin ang tawag niya.
"Hello?"
"Sheina. Kumusta ka diyan?" bungad niya pagkasagot ko ng tawag niya. "I'm sorry kung ngayon lang ako nakatawag. Hindi ko pala kasi na-charge ang phone ko, at hindi ko memorized ang number mo---"
"Ano ka ba," hikbi ko na agad dahil hindi ko inaasahang ganito niya ako kakausapin ngayon. Feeling ko nga hindi ko deserve itong pagtrato niya sa akin ngayon eh. Dapat nga galit pa siya at hindi niya ako kinikibo, pero nagawa pa niyang kumustahin ang kalagayan ko. "Hindi mo kailangang mag-sorry sa akin. At hindi mo naman kailangang mag-alala."
"Kahit na..." sagot niyang napabuntong-hinga pa. "Tumawag ako to check on you. Mag-isa ka lang diyan, of course I will be worried. Ni-lock mo ba ang pinto mo diyan? Hindi ko kasi ma-contact si Raffy, gusto ko sanang utusan siya na samahan ka riyan..."
"Wag na, makakaistorbo pa ako diyan sa kaibigan mo. Wala namang masamang nangyari sa akin. Saka may phone naman ako. Makakahingi naman ako ng tulong just in case may masamang mangyari," sagot ko na nagpupunas na ng mga kuha ko. Masaya ako na may concern pa rin siya sa akin, pero dahil din doon ay mabigat pa rin ang dibdib ko dahil mas lalo lang akong na-guilty.
Bakit ba kasi ang bait-bait niya?
"Okay... Mag-ingat ka riyan. Anyway, tumawag din ako to inform you. May importante akong sasabihin, Sheina."
"Huh? Ano yun?" tanong ko agad dahil naging alerto naman ako doon sa sinabi niyang keyword na 'importante.'
"Ilang araw ako mawawala."
"Huh? Bakit naman? Saan ka pupunta?"
"Pinakiusapan ako ng parents ni LJ na samahan ko siya pabalik ng Manila. Doon na kasi nila itutuloy ang medication niya hanggang sa maka-recover siya. Sasamahan ko lang siya makabalik ng Manila, then uuwi na ulit ako rito. Pero yun nga, ilang araw akong mawawala dahil doon, kaya magpa-file ako ng leave bukas sa trabaho."
Hindi ako nakasagot doon agad. Hindi rin naman kasi nag-register agad sa utak ko na aalis siya. Parang ang bilis naman kasi yata? Kanina lang ay ang gusto niya lang ay kaunting space para makapag-isip siya. Tapos ngayon ay mawawala na siya ng ilang araw?
"Sheina... I know may problema pa tayong dalawa, pero saka na natin iyon pag-usapan kapag nakabalik na ako. Hindi rin naman ako makakapag-focus diyan nang buo kung ngayon tayo mag-uusap about it."
"Ah... Pero Jeron, hindi ba pwedeng ngayon na tayo mag-usap? Hindi ba tama lang naman na ayusin natin 'to as soon as possible? Kasi kung magtatagal pa 'to, baka mas lalong lumayo ang loob mo sa akin," pag-amin ko sa kanya ng saloobin ko.
"Yeah I know, Sheina. Tama ka naman diyan. But with LJ, hindi ko nga magagawang makipag-usap sa 'yo nang matagal. Paalis na kami mamayang six in the morning."
"Huh? Agad-agad?"
"Yeah. May flight na kami. Hindi na nga ako babalik diyan to get my things, sa bahay na lang ako sa Manila magbibihis ng damit."
"Teka, bakit parang biglaan naman yata ang lahat, Jeron?"
"Wala akong magawa, Sheina. LJ needs to have surgery. Wala masyado gamit dito sa hospital na 'to, so sa Manila na lang siya magpapa-surgery. May mga kakilala naman ako doon na tututok sa kanya."
"Hindi naman yan ang concern ko," sagot kong medyo naiinis na rin. "Ang sa akin lang ay hindi ka man lang muna ba makikipagkita sa akin bago ka umalis? Iiwan mo akong ganito tayo?" sabi kong may himig pagtatampo bago ko pa napigilan ang sarili ko. And how I wish na napigilan ko pa ang sarili ko, dahil alam kong sumobra na yata ako nang nasabi sa kanya.
"Sheina," sagot niyang tunog nagtitimpi na rin. "Mag-uusap pa rin naman tayo pagkabalik ko galing Manila. Babalik pa naman ako rito."
"Oo nga, pero ilang araw ka bang mawawala? Ngayon na tayo mag-usap kung gusto mo. Wag na natin itong patagalin, Jeron. Ayokong mas lalong lumaki ang sama ng loob mo sa akin. Kahit ilang beses akong mag-sorry sa 'yo, gagawin ko basta 'wag lang tayo umabot sa ganoon katagal bago natin ayusin 'to."
Ilang segundo rin siyang nanahimik bago siya sumagot. Hindi ko nga alam kung galit na ba siya ngayon o ano. Hindi ko na talaga alam. At alam kong ang kapal naman ng mukha ko para ako pa ang mag-demand nang ganito, pero kailangan ko talagang gawin ang lahat huwag lang siyang umalis nang hindi kami nakakapag-usap nang matagal.
"Sheina, I want to be honest with you. I still don't want to talk about what you did." Natameme ako doon sa sinabi niya. Ang sakit kasi, gusto kong magmura. Nag-init na ulit ang pisngi ko dahil doon. "Kasi to be honest, may idea naman ako na hindi mo talaga ako mahal. Hindi naman ako tanga. Nag-iba bigla ang pagtrato mo sa akin eh. Kahit sino naman mapapaisip."
"I'm sorry..."
"But still, wala na sa akin yun. Kahit naman ano ang sitwasyon bago tayo maging mag-boyfriend, that's fine by me. Kasi in the end naging tayo rin naman. But you know, Sheina, hindi ganoon kadaling i-process iyon. Especially the fact na aalis ka rin ng Pilipinas para magtrabaho abroad. And now I know the reason why you have no reason to stay here kahit boyfriend mo na ako. Kasi yun talaga ang intention mo noong umpisa pa lang. Nakipagrelasyon ka sa akin with the idea in your mind na iiwan mo rin ako."
Sapul na sapul ako doon sa huling sinabi niya. "Oo, Jeron. Aminado naman ako diyan. Kaya nga gusto kong magkalinawan muna tayo bago ka umalis. Pwede ba yun? Mag-usap tayo ngayon. Sabihin mo kung ano ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako sa ginawa ko." Nilalakasan ko na lang talaga ang loob ko sa mga pinagsasabi ko. Kailangan ko kasing gawin ang lahat maibsan lang ang sakit na nararamdaman niya, at mapatawad lang niya ako. Dahil huli man ako nang mapagtanto ko ito, pero alam ko na ngayong hindi ko kayang ganito sa akin si Jeron, at lalo namang hindi ko kayang malayo siya sa akin.
Hindi ko na nakikita ang sarili kong hindi siya kasama.
Pero hindi na naman siya sumagot agad. Kaya ako na lang ulit ang nagsalita. "Jeron, ano'ng kailangan kong gawin para mapatawad mo ako? ha? Sabihin mo lang. Gusto mo bang hindi na lang ako mag-abroad? Kasi pwede naman. Pero kapag ginawa ko yun para sa 'yo, dapat akuin mo ang pagkawala ng opportunity na yun sa akin. Kaya ko namang maging housewife lang kung yan ang gusto mo. Pero dapat handa ka sa magiging consequence noon. Magiging palamunin mo ako. Okay lang ba yun sa 'yo?"
Nakarinig ako nang pagsinghap mula sa linya niya, pero hindi ako sigurado kung siya ba yun. Tatanungin ko na nga sana siya tungkol doon pero may narinig naman akong ingay. Muntik na akong mapasigaw nang makarinig ako bigla ng katok sa pinto sa labas ng kwarto ko. "Oh my God! Jeron, may tao yata sa labas! Natatakot ako!" sabi ko sa telepono ko habang patuloy pa rin ang malalakas na katok sa pinto. "Jeron, may NPA yata dito ngayon---"
Pero imbes na mag-panic, narinig kong natawa lang nang malakas si Jeron sa mga sinabi ko. "Babe, ako yun. Ako ang kumakatok sa pinto. Natakot ba kita? I'm sorry. Come on, pagbuksan mo ako dahil gusto kitang halikan ngayon. At hindi lang basta-bastang kiss. Gusto ko ng torrid."