Kabanata 8

2282 Words
SHEINA Sumama muna ako kay Claire sa kanila para magpalamig ng ulo. Hindi rin naman kasi ako proud sa naging ugali ko kanina, pero magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihing nakahinga ako nang maluwag na at least ngayon pa lang ay alam ko na kung ano ang status namin ni Jeron. Imposible na ngayon ang dati akala ko na namumuong chemistry sa aming dalawa dahil friendship over na nga kami eh. Bago ako umalis kanina ay sinabi ko sa kanya na huwag na niya akong kausapin, at sana hindi na magtagpo pang muli ang mga landas naming dalawa. Nagulat siya doon sa sinabi ko, at kahit ako rin naman, pero mataas ang pride ko at ayoko nang bawiin ang nasabi ko na lalo na at hindi naman siya interesadong makipagbati sa akin. "Mag-sorry ka na lang kasi, Ate," advice sa akin ni Claire. Nanonood kami ngayon ng favorite niyang BL series pero wala talaga sa screen ng tv ang attention ko. Kanina pa tumatakbo ang mga masasamang words sa utak ko at kung nakakamatay lang ang magtanim ng sama ng loob ngayon sa mga tao ay baka pareho nang bumubula ang bibig nina Jeron at Aling Marcia. "Maaayos niyo pa yan. Misunderstanding lang yan." "Hindi na 'to maayos, Claire. At saka nag-sorry na ako sa kanya. Pero sinermunan niya pa rin ako." "Eh sabi mo ikaw naman ang mali eh. So hindi ka na dapat magalit na nasermunan ka ni Doc Jeron. Although yes, ang sakit sigurong masermunan ng crush mo ano?" Tumawa pa siya pagkasabi niya non. "Uncrush na ba, Ate Sheina?" "Hindi lang uncrush, Claire. Talagang literal na ika-crush ko ang buong pagkatao niya. Humanda talaga ang lalaking yun." "Ay hala, nagpapaka-vengeful ka, Ate! Masama yan!" "Ikaw kaya ang sabihan sa mga suki mo na huwag na nila akong balikan dahil scam lang naman ang ginagawa ko. Nasira na ang image ko dahil sa kanya ano? Pwede niya naman kasing hindi na sabihin yun lalo na at magkaibigan naman sana kami. Pero sinabi niya pa rin. Eh siyempre mas paniniwalaan siya ng mga tao rito sa San Policarpio dahil siya ang doktor. Ano'ng laban ko doon? Habang buhay na akong mali-label na scammer dahil sa ginawa niya."  "Kung sa bagay, tama ka naman sa part na yan, 'teh. Siguro ang maganda niyan ay mag-usap kayo nang masinsinan talaga. Malay mo, gusto ring mag-sorry sa 'yo no'ng tao. Eh nabigla lang siguro siya doon sa nangyari, Ate. Tandaan mo, buhay ang nakasalalay sa trabaho niya. Siyempre may times na stressed siya masyado. Ikaw ba naman ang maging kauna-unahang Doctor to the Barrio dito sa lugar natin. Malamang kung ano-ano na ang na-encounter niya sa mga pasyente niya na nagpainit ng ulo niya." "Ay ewan ko sa kanya. Naloka talaga ako sa ginawa niya sa akin, Claire. Akala ko kasi ay okay siya. Yun pala ay gaganituhin niya ako. Dahil diyan, hindi talaga ako makikipagbati sa kanya kapag hindi siya ang maunang lumapit sa akin, ano? Sa pagitan kasi naming dalawa, ako ang mas naagrabyado eh. Buti siya at chill lang siya sa nangyari. Eh ako? Katapusan na yata ng career ko as the prettiest and sexiest albularyo in town." Muntik pang mabilaukan si Claire sa kinakain niyang puto kutsinta dahil sa hirit ko. "Hindi naman siguro, Ate. Kilala naman ang pamilya mo sa larangan ng panggagamot. Imposibleng kamuhian ka ng mga rito nang tuluyan. Takot lang nila sa pamilya mo 'no."  "Sana nga ganyan ang mangyari. Pero nako, knowing Ligaya and the Chikadora Girls, at isama na rin ang mga kapitbahay kong walang ginawa kung hindi bantayan ang buhay ko, malamang kalat na talaga sa atin ang nangyari. Good luck na lang talaga sa career ko. Baka hindi na rin ako makapag-abroad nito." "Naku, Ate. Wag ka sumuko. Fighting lang!" "Wala naman talaga akong balak magpaapekto sa nangyari, pero siyempre, nanghinayang din ako dahil aaaminin ko sa 'yo Claire, akala ko si Jeron na ang hinihintay ko. Pero mali pala ako. Oh well, bakit ba ako naniwala na papatulan ako ng isang gaya niya? Eh ibang level naman na ang lalaking yun. Lalo na ngayon sa nangyari, baka nga pinagtatawanan nila ako ni Raffy kapag ako ang topic nila." "Kung maka-level ka naman, Ate! Hindi ka rin lang naman kung sino. Basta ako, naniniwala ako na magkakaayos pa kayo. Wag ka lang sana Ate magsasara ng pinto kay Doc Jeron. Malay mo naman kasi ay malampasan niyo pa itong dalawa. Lahat naman ng relasyon ay dumadaan sa ganitong misunderstanding. Kaya nga communication is the key, sabi nga nila." "Relasyon ka diyan, eh wala pa ngang nauumpisahan eh natapos na kaagad. Pero hayaan mo na. Baka nga hindi talaga siya ang nakatadhana kong maging jowa. Baka nasa ibang bansa pala talaga. Malay mo isa palang Aussie o Kiwi ang future boylet ko 'no." "Teka, kiwi na ibon o kiwi na prutas?" "Kiwi na tao kasi, Claire." Nagtawanan na naman kami, kaya kahit papano ay naibsan 'yung bigat sa dibdib ko na kanina ko pa dala-dala. Masayahin akong tao, oo, pero naaapektuhan pa rin naman ako ng mga nangyayari sa paligid ko. Ang dali ko pa ring maka-imbibe ng negative vibes. Kaya nga mabuti na lang at may kaibigan ako na palagi kong nakakausap. Well, nandiyan din naman ang nanay ko, pero ayoko na kasing magkwento sa kanya ng mga bagay na magpapakaba o magiging reason niya lang para mag-alala sa akin. Nasa malayo siya kaya ayoko nang pag-isipin pa siya. Malaki naman na ako. Independent woman na rin naman ako. Kaya ko na ito. Hangga't nandito ako sa amin at hindi pa ako nakakaipon ng pera para makapag-abroad ako, kailangan ko lang tiisin ang lahat ng mga pagsubok na pagdaraan ko rito. *** Pinagtitinginan ako ng mga tao habang naglalakad ako pauwi. Malakas tuloy ang kutob ko na tungkol ito sa nangyari kay Aling Marcia. Hindi ko naman magawang magtanong sa kanila kung ano ba ang narinig nila tungkol sa akin dahil natatakot din akong malaman na tama nga ako ng hinala.  At pagdating ko ng bahay, nandoon na si Larry at matiyagang naghihintay sa akin. Normally ay paaalisin ko siya agad dahil imbyerna naman ako sa presence niya at sa toxic niyang pag-iisip, pero this time ay naisip ko na baka sa kanya ko masagap ang tungkol sa chismis na kumakalat tungkol sa akin.  "Mabuti naman at dumating ka na, Sheina. Kanina pa ako naghihintay sa 'yo." Binuksan ko na ang pinto at pumasok ako ng bahay. Sumunod naman sa akin si Larry at hindi ko na siya pinigilan pa. "Bakit, may sasabihin ka ba sa akin?" "Tungkol doon sa nangyari kay Aling Marcia," bungad niya at bumilis na ang t***k ng puso ko dahil paano kung sabihin niyang natigok na ang echoserang matandang kapitbahay ko na yun? Naupo ako sa sofa pagkatapos kong uminom ng tubig at ganoon din ang ginawa ni Larry. Uupo pa nga sana siya sa mismong spot sa tabi ko pero itinuro ko sa kanya ang upuan katapat ng sa akin para doon siya maupo. Mabuti nga at sinunod niya ako. "Narinig mo na ba kung ano ang sinasabi nila tungkol sa 'yo?" "H-Hindi pa... Ano ba ang sinasabi nila? Kung nasagap mo yan mula kina Ligaya ay 'di na ako aasang magandang balita yan." "Totoo ba na binigyan mo raw si Aling Marcia ng tuba kahit na bawal yun sa kanya?" Nag-roll eyes na lang ako dahil yun din naman pala ang nasagap niya. "Totoong binigyan ko siya ng alak. Pero hindi ko sinabing inumin niya yun habang may gout pa siya. At saka lagi ko naman 'yung binibigyan ng tuba dahil bukod sa lasenggera siya ay 'yung anak niya naman ang sumasalok non sa mga puno ng niyog sa lupa namin. Share nila iyon, kaya hindi ko alam kung bakit napaka-big deal ng bagay na iyon. Hindi naman yun first time na nangyari." "Ang narinig ko kasi sa mga tao sa labas ay dahil daw sa tuba ay lumala ang sakit ng kapitbahay mo," kwento niya pa. "Parang ang lumalabas ay ikaw ang dahilan nun." "Eh sila pala ang fake news eh. May mga toyo ba ang mga utak nila? Kapag binigyan ko ba ng kendi ang isang diabetic na tao, at kinain niya ang kendi na yun kahit alam niyang diabetic siya, kaninong kasalanan yun, akin o sa diabetic?" Parang napaisip pa doon si Larry. "Kasalanan ng diabetic, pero dapat hindi mo rin siya binigyan ng kendi." "Eh pwede niya namang ibigay yun sa mga apo niya, o ibenta niya. Hindi ko naman sinabing kainin niya ang kendi. Binigay ko lang." "May punto ka, pero alam mo naman ang mga tao dito sa atin. Hindi naman nila maiisip ang ganyang analogy." "Kaya nga. Eh 'di bahala sila sa kung ano ang gusto nilang isipin. Ako na ang masama, kung yan ang magpapasaya sa kanila. Pero sana alamin muna nila ang buong kwento bago sila magpakalat ng fake news dahil nakakadismaya sila." "Ganoon naman talaga ang lakaran diyan sa buhay na meron ka," dagdag pa ni Larry. Nagtataka nga ako at bakit todo support siya sa akin ngayon. Siguro ay naawa na rin sa akin ang lalaking 'to. "Isang mali mo lang, makakalimutan na nila ang lahat ng lahat ng nagawa mong tama. At naging malaking issue lang naman yan sa kanila kasi may doktor na rito sa atin na siyang pumuna sa ginawa mo. Kung wala namang doktor dito na ganun ang ginawa ay hindi naman ito magiging malaking issue." "Ayan na nga. Nakakainis 'yang Jeron na yan. Oo, mali ako sa part na hindi ako naging maingat sa tuba na yun, pero grabe naman 'yung naging resulta ng ginawa niya. Tingnan mo. Parang ang pangit na ng reputasyon ko ngayon sa mga tao." Tumango doon si Larry. "Actually, narining ko 'yung mga matatanda kanina sa labas. Ayaw na nga nilang magpatingin sa 'yo, Sheina. Doon na lang daw sila sa doktor na yun magpapakunsulta. Kahit ang Auntie ko, si Auntie Angela ay hindi na raw magpupunta sa 'yo." Sumama naman ang loob ko doon dahil naniwala na ang iba na kasalanan ko talaga ang nangyari kay Aling Marcia. Napakuyom ako ng mga kamao ko at parang gusto kong manabunot ngayon ng doktor na may dimples. Siya kasi ang may kasalanan nito eh. Mula nang dumating siya ay nasira na ang reputasyon ko sa mga kababayan ko. Kung hindi sana siya dumating dito sa San Policarpio ay hindi sana ganito ang mangyayari.  Kailangan kong makaganti sa kanya.  Kailangan ko siyang turuan ng leksiyon! *** Nagising ako kinabukasan sa mga katok mula sa pinto ko. Noong una ay hindi ko iyon pinapansin dahil ang sarap pa ng tulog ko tapos ang ganda ng panaginip ko. Sinampal ko raw kasi si Jeron sa mga dimples niya hanggang sa matanggal ang mga iyon sa mga pisngi niya. Iyak nang iyak pa nga raw siya sa ginagawa ko dahil sabi niya 'dimples is life' raw. Tapos tumatawa raw ako na parang kontrabida sa kanya bago ako magising ng mga katok sa pinto ko. Pero kahit na panira ng panaginip ang ingay sa labas ng pinto ko, pinagbuksan ko pa rin iyon dahil baka emergency. At tama nga ako. May mag-ina sa labas ng pinto ko. Hindi ko sila kilala, kaya alam kong taga-kabilang bayan sila.  "Uh, ikaw si Sheina 'di ba? Yung apo ng albularyo?" naiiyak na tanong ng nanay sa akin. Kalong-kalong niya iyong batang anak niya na alam kong may problema sa paghinga. "Tulungan mo kami. Hindi makahinga nang maayos ang anak ko. Namamaga rin ang mga paa at kamay niya. Natagpuan namin siya sa kakahuyan. Ang sabi ng kapatid ko ay baka naengkanto siya." Ang una ko sanang gagawin ay papasukin sila ng bahay ko para matingnan ko siya, pero kaagad ko ring naalala ang mga nangyari kahapon. Hindi naman sa medyo bitter ako, pero naisip ko lang din, bakit pa ako tutulong sa mga tao kung masama lang din naman ang tingin nila sa akin? Kaya iyon na lang ang ginawa ko.  "Naku po, Misis, eh hindi na po ako nanggagagmot," malungkot na sabi ko sa nanay na nataranta naman bigla. "Huh? Pero ang sabi nila ay nanggagamot ka raw sa mga naengkanto---" "Noon po yun. Sa ngayon po ay on leave muna ako. Pero huwag po kayong mag-alala. May tutulong po sa inyo. May doktor na po rito sa San Policarpio. Nandoon po ang clinic niya sa Baranggay Hall." "Ay naku, paano yan iha eh wala naman kaming pambayad sa ganyan." "Libre naman po yata ang magpakunsulta sa kanya. Tara po, kung gusto niyo ay samahan ko na kayo sa Baranggay Hall."  Wala na rin namang nagawa ang mag-ina dahil tumanggi na talaga akong manggamot. Nakita pa nga ng mga kapitbahay ko ang pagsama ko sa mag-ina sa Baranggay Hall. Saktong pagdating namin doon ay kakarating lang din ni Jeron mula kina Raffy. Nagulat pa nga siya nang makita ako. Parang balak pa nga niya yatang kausapin ako kaso emergency na ang kaso no'ng bata kaya hindi na niya ako nalapitan pa. Naging busy na siya sa pag-asikaso sa bagong pasok na pasyente.  Umuwi naman ako agad. Gusto ko na lang din kasing umiwas sa kanya. Pagkabalik ko sa bahay, naabutan ko ulit si Larry na nakaabang sa tapat ng bahay ko. Nakabihis siya kaya nagtaka ako. "O, bakit nakaporma ka? Saan ang lakad mo?" "Lakad natin," pagtatama niya naman sa akin. "Magbihis ka, Sheina, dahil pupunta tayo sa kabilang bayan. May job fair doon at may hiring daw ng caregiver papuntang Canada. Chance mo na ito. Di ba ito na ang hinihintay mo?" Napaletrang-O ang bibig ko sa sinabing iyon ni Larry, tapos dali-dali akong tumakbo papasok ng bahay para maghanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD