Kabanata 38

2174 Words
SHEINA "Girlfriend?" ulit ko sa sinabi ng babae sa kabilang linya. "Ikaw, girlfriend ka ni Jeron?" "Yes, you heard me right. At ikaw, sino ka? Bakit ikaw ang kausap ko instead of Raffy? Ang nakalagay dito sa phone ay number ito ni Raffy, so bakit ikaw ang nagsasalita? Who are you?" Nawindang na ang buong pagkatao ko dahil sa sinagot niya. Kung hindi kasi ako nagkakamali, ang babaeng kausap ko ngayon sa telepono ay si Louise Jane, ang best friend ni Jeron na isang abogada na nakadestino dito sa probinsya namin na siyang dahilan kung bakit wala ngayon sa tabi ko ang nobyo ko. Ang sabi sa akin ni Jeron ay best friend niya lang ito. Kaya bakit sinasabi ng babaeng 'to na girlfriend din daw siya ng boyfriend ko? Siraulo ba siya? "Miss, I'm asking you kung sino ka at kung bakit ka napatawag," sabi niya pa. "I'm a busy woman. Wala akong panahon para makipag-usap sa kung kani-kanino lang." Medyo nagpanting na ang mga tenga ko doon sa sinabi niya. "Nasaan ba si Jeron? Number niya naman itong tinatawagan ko ah. Bakit ikaw ang may hawak ng phone niya? Hindi naman kasi ikaw ang gusto kong makausap kaya pwede ba? Ibigay mo na lang sa kanya ang phone niya?" Diniinan ko pa talaga sa salitang 'phone' para makaramdam man lang siya kahit papano. Pero mukhang palaban talaga ang babaeng 'to. Sa bagay, abogado ba naman eh. "Look, Miss... Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo. Ano ba ang pakay mo sa boyfriend ko?" "Boyfriend mo?" singhal ko sa sinabi niya. "Sure ka na boyfriend mo siya? Eh ang pagkakaalam ko, best friend ka lang niya. Ikaw 'yung LJ na abogada 'di ba? Yung sinamahan niya diyan pabalik ng Manila? Kaya ano'ng boyfriend ang sinasabi mo?" Alam kong natigilan ang kausap ko sa kabilang linya. Hindi niya yata in-expect na magsasalita ako nang ganoon sa kanya. Napatingin din ako kay Raffy na nasa tabi ko lang at naguguluhan na rin siya dahil sa mga sinabi ko. "Sheina, ano'ng nangyayari? Bakit parang nagkakasagutan na kayo ng kausap mo?" Hindi ko nasagot ang tanong ni Raffy dahil nagsalita na ulit si LJ sa telepono. "Sino ka ba? bakit ganyan mo ako kausapin?" "Ako? Ako lang naman ang girlfriend niya! Kaya 'wag kang magsinungaling diyan na ikaw ang jowa niya!" Turn niya naman yatang magulat ngayon. "Girlfriend? Ikaw? Nagpapatawa ka ba? I already told you, ako ang girlfriend niya!" Natigilan na naman ako doon sa sinabi niya dahil may pumasok sa utak ko na isang theory na ayoko sanang isipin pa. Pero what if girlfriend nga rin siya ni Jeron? What if two-timer pala ang lalaking yun? "Sino ka ba ha? At kaano-ano mo si Raffy para gamitin mo ang phone niya?" sunod-sunod na tanong pa sa akin ni LJ at naiinis na rin talaga ako sa kanya. Bukod sa naaasar ako sa posibilidad na baka nga pinagsabay kaming dalawa ng Jeron na yun ay naaasar din ako na masyado namang confident ang babaeng 'to na siya ang totoong girlfriend! For all I know baka nagfi-feeling girlfriend lang din pala ang gagang 'to! "Ah, so hindi pa ako pinapakilala ng 'boyfriend' mo sa 'yo," sagot ko sa kanya na super sarcastic na dahil sa inis ko. "O sige, dahil hindi mo pa pala talaga ako kilala, magpapakilala na ako sa 'yo, Attorney. Ako si Sheina, at ako ang girlfriend ni Jeron na taga-San Policarpio. Ang paalam niya kasi sa akin ay sasamahan niya ang best friend niyang na-injured pabalik ng Manila dahil pinakiusapan siya ng parents ng best friend niya. Hindi ko naman alam na mali ang pagkakaintindi ko doon. O siya, pakisabi na lang sa boyfriend nating dalawa na tumawag ako ha. Tawagan niya kamo ako kung may oras siya," sabi ko sabay baba end ng call. Nagngingitngit kong ibinalik kay Raffy ang phone niya dahil sa mga narinig ko doon sa babaeng iyon. Kahit si Raffy ay napakamot na lang sa ulo niya dahil sa narinig niyang usapan namin ni LJ. Nabigla rin yata siya sa claim ng best friend ng kaibigan niyang doktor.  "Raffy, matanong nga kita. Magsabi ka sa akin ng totoo ha. Wag mong pagtakpan ang kaibigan mo. Ano ba, totoo ba ang sinabi ng LJ na yun? Na girlfriend din siya ni Jeron?" Halos lumuwa ang mga mata ni Raffy doon sa tanong ko. "Sheina, ano ka ba? Maniniwala ka doon sa sinabi niya? Sa tingin mo ba kaya kang lokohin ni Jeron?" "Aba, malay ko! Kaya nga ako nagtatanong sa 'yo, 'di ba? Kasi hindi rin ako sure. Eh ang mag-asawa nga nagkakalokohan pa rin, kami pa kaya lalo na't hindi pa naman ganoon katagal mula nang magkakilala kami?" "Pero hindi ganoong klase ng lalaki sa Jeron---" "So ano, sinasabi mo na nagsisinungaling ang abogada na yun?" asik ko.  "Siguro. Hindi ko rin talaga alam ang totoo, Sheina. Hindi ko naman masyadong ka-close iyang si LJ dahil hindi ko naman siya naging classmate. At saka hindi naman yan sumasama sa amin kapag nagba-bonding kami. Kilala ko lang siya bilang best friend nga ni Jeron. Pero bukod don, hindi kami masyadong nagkaka-interact."  "Ganun ba? Pero kung nagsisinungaling siya, bakit niya naman ginawa yun? Ano yun, trip niya lang?" Umiling si Raffy. "Hindi ko rin alam ang sagot diyan, Sheina. Gaya nga ng sinabi ko, hindi kami close ni LJ. Nagmi-meet lang kami kapag may event kina Jeron noon, like kapag birthday ni Jeron. Pero never naman 'yong nakipag-usap sa akin nang matagal, at thankful din ako don." "Huh? Bakit ka naman thankful na hindi ka niya kinakausap?" curious na tanong ko. "Ayoko sanang magsabi nito, pero hindi ko ka-vibes 'yang LJ na yan. Kahit na kausapin niya ako, hindi ko rin siguro siya makakasundo, kahit na maganda pa siya at hot chick ang datingan niya," sagot niya. Medyo nabahala ako doon sa pagkaka-describe ni Raffy kay LJ na isang hot chick at magandang babae raw, pero nag-focus na muna ako sa kwento niya dahil interesado rin talaga akong malaman kung bakit parang ayaw niya rito sa best friend ni Jeron. "Sariling observation ko lang iyon, pero may pagkamayabang iyang babaeng yan. Hindi siya basta-basta nakikihalubilo sa mga taong tingin niya ay 'di niya ka-level." "Hala, bakit pakiramdam ko parang tama ka, Raffy?" sambit ko naman.  "Ikaw, nakausap mo siya ngayon lang. Ramdam mo naman siguro sa tono pa lang ng pananalita niya na parang may kakaiba sa kanya, ano?" "Oo, ganon nga na-feel ko kanina," sagot ko namang tumango pa. "Siguro dahil isa siyang lawyer? Di ba ganoon naman kapag abogada ka, need mo maging confident sa sarili mo. Baka hindi siya aware na nakaka-intimidate na pala siya sa iba." "Hindi yun dahil sa isa siyang abogada, Sheina. Marami naman akong kilalang lawyers pero hindi naman sila ganoon umasta. May kakaibang attitude lang talaga ang babaeng yan. Tingnan mo naman, nagawa pang i-claim na siya ang girlfriend ni Jeron. Kung totoo 'yang sinasabi niya, eh 'di sana noon pa sila naging mag-boyfriend." "Oo nga. May point ka diyan," sagot ko namang medyo gumaan na ang pakiramdam. "O sige, nakapag-decide na ako. Hindi ako maniniwala sa sinabi ng babaeng yun habang hindi ko pa nakakusap si Jeron. And speaking of Jeron, ikaw na lang ulit ang tumawag doon, ha, Raffy. Sabihin mo na lang kung bakit ako nawalan ng cellphone." "Sige, ako na ang bahala doon, Sheina. Babalik na lang ako rito kapag gusto kang kausapin ni Jeron. Sige na at pupunta pa akong Talisay." Pagkaalis ni Raffy ay nagdesisyon na lang din akong tapusin ang paglalaba ko na naistorbo ni Tatay. Nakita ko na rin ang phone ko na basang-basa at sira na. Hindi na nga ako umaasang magagamit ko pa ito eh. Kaya naman medyo problemado rin ako dahil mababawasan pa yata ang savings ko dahil bibili ako ng bagong phone. Hindi rin naman kasi pwedeng wala akong phone. Importante na may komunikasyon ako kina Nanay at Jeron lalo na ngayon. Eh kung may phone pa rin ako eh 'di nalinawan na sana ako kung ano ba talaga ang papel ng LJ na yun sa buhay ni Jeron. Hindi sana ako mag-o-overthink nang ganito. Kung ano-ano na rin kasing mga eksena ang nabuo ko sa utak ko dahil sa nangyari kanina. Nariyang nalaman ko raw na totoo palang jowa rin ni Jeron ang LJ na iyon at niloloko lang pala ako ng walanghiya. Kaya naman na-highblood ako ng wala sa oras at parang gusto ko manabunot na lang bigla ng buhok ng isang abogadang echosera. Kaya para mabas-bawasan naman ang kakaibang nagagawa ng imagination ko ay nilibang ko na lang ang sarili ko sa paglilinis ng bahay at pag-gardening. Tapos namalengke ako kinahapunan, at nagulat pa ako nang makita kong pinagtitinginan ako ng ilang mga nandoon.  Nakita ko rin sina Ligaya and the Chikadora Girls at napansin ko pa ang pagbubulong-bulungan nila pagkadaan ko sa harapan nila. Gusto ko nga sana silang sitahin, pero dedma na lang ako dahil naisip ko rin na sayang lang ang energy ko kung papatulan ko sila. Pero pagbalik ko sa bahay ay naloka naman ako nang maabutan kong may mga tao din doon.  Kaagad kong nakilala na mga pulis ang mga iyon. Nasa harap sila ng bahay ko na parang may hinihintay. Nandoon din si Larry for some reason, at nang makita nila ako ay kaagad nila akong nilapitan. "Saan ka nagpunta, Sheina?" parang nag-aalala pang tanong ni Larry sa akin pagkalapit nito.  Ipinakita ko naman sa kanya ang kulay pink kong bayong. "Namalengke ako o. Eh kayo, bakit kayo nandito? May nangyari ba?" Tumango si Larry at obvious sa expression ng mukha niya ang pag-aalala. Siguro ay may nangyari nga. "Sheina, 'wag kang mabibigla ah. Pero may nakakita sa tatay mo dito sa San Policarpio." Napanganga ako sa gulat. "What?" "Nakita siya doon sa may football field malapit sa maisan ng mga Montes. Bumili raw ng mais na ilalaga." "Huh? Bakit niya naman gagawin yun?" nalokang tanong ko naman. Pero muntik din akong mapasinghap nang malakas nang maalala ko ang sinabi ni Tatay sa akin. Sa pagkakatanda ko, balak niyang magpakita sa mga tao pero hindi rito sa bahay, para hindi na raw ako subukang puntahan ng mga taong humahabol sa kanya! Oh my God! Ito na ba yun? Kasi pwedeng ito na nga 'yung sinabi niyang plano niya. Kasi medyo malayo na rito sa amin iyong sinasabing maisan ng mga Montes kung saan siya nakita. Kaya kung sino man iyong naghahabol sa kanya, hindi na nila iisiping pupunta pa dito sa bahay ang ama ko. Dahil kung may nakakita na sa kanyang mga tao, ibig sabihin mas magkakaroon ng police visibility dito sa San Policarpio! "Hindi pa nalalaman nina Chief kung ano ang motibo ng Tatay mo at kung bakit nandito na siya ulit sa San Policarpio. Pero Sheina, dahil nakita rito ang Tatay mo, baka malagay ka na naman sa alanganin. Kaya nag-decide ang mga pulis na magbantay dito sa 'yo." "Ahhhh... Ganoon ba?" sabi ko na lang dahil hindi ko naman alam kung ano pa ba ang sasabihin ko. Kinakabahan ako na ewan. Pero gumaan din ang pakiramdam ko nang marinig ko kay Larry na roronda naman pala ang mga pulis dito. Ang sabi pa nga eh gabi-gabi raw may tatambay malapit dito sa bahay ko. "Sheina, what if umalis ka na lang kaya muna dito sa bahay mo," biglang suggestion ni Larry. "Hindi kasi ako mapalagay. Ikaw lang dito. Ayaw mo rin namang magpasama sa iba---" "Eh kasi nga, ayokong madamay sina Claire dito ano. Hindi na biro ito." "Ako, pwede naman akong magbantay sa 'yo rito. Pero alam ko rin naman na hindi ka papayag," aniya. "Kaya ikaw na lang ang lumayo muna rito. Pwede kang makitira muna sa bahay. Wala namang problema doon." "Larry, hindi ako aalis dito. May kasama naman ako rito sa bahay, si Jeron. Wala lang siya ngayon dito dahil umuwi siya sa kanila---" "Ayun na nga, Sheina. Wala siya rito. Kaya paano ka niya maproproktektahan kung hindi mo naman siya mahagilap? Alam niya na ba na may nangyari na sa 'yo rito?" Umiling ako. "Bukas ko na siya tatawagan at sasabihan." "At uuwi ba siya kaagad kapag nalaman niya na nasa panganib ka na naman?" tanong pa ni Larry na daig pa ang panelist sa isang thesis defense. "Duda ako, Sheina. Baka busy pa iyon magtampisaw sa beach." Naguluhan naman ako sa sinabi ni Larry. "Beach? Ano'ng beach? Wala siya sa beach! Nasa ospital siya kasama iyong best friend niya!" Tinaasan ako ng kilay ni Larry dahil parang may alam siya na hindi ko alam. Nakita kong binuksan niya ang phone niya at in-open niya ang social media app niya. Doon may nakita akong picture na ipinakita niya rin agad sa akin. "Eto ang naka-post sa timeline niya o. Tingnan mo yan, Sheina. Mukha bang nasa ospital siya diyan?" tanong sa akin ni Larry. Tiningnan ko nang mabuti iyong picture na pinakita niya. Picture iyon ni Jeron at ng isang babae na nasa beach. Naliligo silang dalawa at nakangiti pa sa kumuha ng larawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD