Kabanata 17

2763 Words
SHEINA Hindi ko akalain na darating ang araw na iiyakan ko si Larry, pero yun ang ginagawa ko ngayon. Umiiyak ako dito sa kama ko dahil nasaktan ako sa naging pag-uusap namin kanina. Malalim na ang gabi pero gising na gising pa rin ang diwa ko dahil sa nangyari. Alam ko naman na masasaktan siya sa desisyon kong makipagrelasyon kay Jeron, at hinanda ko rin naman ang sarili ko sa posibleng maging reaction niya doon, pero hindi ko talaga in-expect na ganito ako ngayon at nasasaktan dahil nakasakit ako ng tao. Nakakapanibago nga eh, dahil wala naman akong pakialam sa nararamdaman ng iba. Lalo na ni Larry. Ewan. Nagulat din talaga ako sa sarili ko. Pero siguro dahil sa naging bonding namin noon sa Talisay ay natutunan ko na rin siguro siyang itrato na isang matalik na kaibigan. Kahit noong screening sa Mr and Miss San Policarpio ay ganoon na rin ang pagtrato ko sa kanya. Hindi na lang ako napipilitan kapag pinapansin ko siya at mas lalong hindi ko na lang siya pinaplastik kapag kinakausap niya ako dahil naging mas close na rin siya sa akin. Para sa akin, naging totoong kaibigan ko na siya. Nasanay na ako sa magaspang niyang panlabas na ugali, at nalaman kong may itinatago rin naman pala siyang kabutihang loob. Kumbaga, ngayon ay hindi na lang isang bweset na manliligaw ang tingin ko sa kanya. Nag-level up na iyon. Pero ngayon wala na iyon. Basa na ang unan ko dahil sa kakaiyak ko nang biglang tumunog ang phone ko. Notification iyon mula sa f*******: ko. Tapos nawindang ako nang sunod-sunod na ang naging pagtunog noon, kaya binuksan ko na ang f*******: app ko dahil alam kong may nangyayari na. OMG, hindi kaya nag-post ng dramatic status si Larry at tinag pa ako? Jusko, 'wag naman sana! Pero hindi iyon ang una kong nakita pagkabukas ko ng account ko sa f*******:. Ang unang tumambad sa akin ay ang pagmumukha ni Jeron. In-add niya pala ako sa f*******:. May notification din ako para sa ilang incoming new messages at nakita kong galing din sa kanya ang mga yun. Yung pinaka-last na message niya ang binasa ko na dahilan para umurong bigla ang luha ko sa mga mata ko. "Hi Sheina, i-confirm mo naman ang friend request ko."  Yun ang sabi niya doon, kaya bilang masunuring jowa ay nagpunta nga ako sa Friends section at hinanap ko ang friend request niya. Kaagad ko naman iyong nahanap. Napangiti pa nga ako nang makita ko ang profile picture niya. Naka-suot siya ng lab gown ng mga doctor sa picture niya tapos nakaupo siya sa isang bench na alam kong nasa labas ng isang ospital. May hawak siyang kape tapos nakatingin siya sa camera na parang candid ang pagkakakuha noon sa kanya. Malaki ang building ng hospital na nasa likod niya, at naalala ko agad iyong offer sa kanya sa Manila. Hindi ko maisip kung bakit pa iniwan ni Jeron ang ospital na nasa picture. Dahil malamang dito yata galing si Jeron bago siya nadestino rito sa San Policarpio. Kinonfirm ko naman kaagad ang friend request niya. At doon ko nakita na online siya, tapos hindi pa man ako nakakabalik sa News Feed ko ay nag-chat na ulit siya. "Sheina, tatawag ako, okay lang?" Napaisip ako dahil sa totoo lang, gusto ko sanang mapag-isa muna. Hindi biro iyong stress ko sa nangyari sa pagitan namin ni Larry, pero naisip ko rin na baka may importanteng sasabihin sa akin si Jeron kaya pumayag na rin ako sa gusto niyang gawin. Nag-reply ako ng oo sa kanya. At wala pang dalawang segundo pagkatapos kong mag-reply ay tumatawag na siya. Sa Messenger siya tumatawag kaya nagulat ako. Sinagot ko ang tawag niya. "O, napatawag ka? Gabing-gabi na ah," sabi ko sa kanya. "Ah eh... I just want to say good night," sabi niya naman agad. Hindi ito videocall, pero nakikita ko na sa utak ko ang mukha niya ngayon na super shy na naman.  "Ah... Good night din, Jeron." "Good night din, Sheina. Sweet dreams." Ilang segundong katahimikan, bago ako nagsalita ulit. "May sasabihin ka pa?" "Ah eh... wala naman..." "Oh, eh 'di ibababa ko na itong tawag, Jeron---" "Teka lang, mag-usap muna tayo!" habol niya naman agad kaya hindi ko na itinuloy ang pagbaba sa tawag niya. "May gusto pa akong sabihin pala." "Oh, ano naman?" "Ah... Sheina, okay lang naman if mag-send ako sa 'yo ng relationship status 'di ba? I mean, wala na rin namang point na itago pa natin sa mga tao ang relasyon natin ngayon. Everyone know already." "Paano naman nila nalaman?" tanong kong nakataas ang kilay. Naalala ko rin kasi na kaya ako sinugod dito sa bahay ni Larry kanina ay dahil kalat na kalat na raw sa buong San Policarpio na kami na nga raw ni Jeron.  "Ah eh... Sorry, Sheina pero nasabi ko kay Kapitana." "Huh? Sinabi mo sa kanya? Bakit mo naman ginawa yun?" Naloka naman ako doon! At talagang kay Kapitana niya pa sinabi! "Eh kasi, inaalok niya na naman ako ng date kasama ng anak niya. Gumagawa siya ng paraan para mag-date kami ni Ligaya, kaya para makatanggi ako, sinabi ko na ang totoo." Napabuntong-hininga ako doon. Gusto ko nga sanang sermunan si Jeron dahil sa ginawa niya pero naisip ko rin na baka wala na rin talaga siyang choice kung hindi gawin iyon dahil masyadong makulit din talaga ang lahi nina Ligaya. Talagang ipagpipilitan nila ang sarili nila kay Jeron dahil nga 'good catch' ang jowa kong hilaw. Kahit sino namang nanay ay hindi papalampasin ang opportunity na makapangasawa ang anak nila ng katulad ni Jeron na propesyonal at disenteng binata. Si Nanay lang naman itong iba eh. "Kaya pala kumalat kaagad na buong San Policarpio na tayo na," sabi ko na lang sa kanya. "Eh kay Kapitana mo pa talaga sinabi ang tungkol sa atin." "Bakit, chismosa rin ba siya?" Natawa ako doon sa inosenteng tanong ni Jeron. Hindi ako makapag-decide kung cute ba siya sa parteng yun o medyo nakakainis na. "Alam mo, Jeron, siya ang Nanay ni Ligaya, na isa sa pinakachismosang tao sa balat ng lupa. Saan pa ba siya magmamana kung 'di sa Nanay niya?" "Sa bagay... Pero Sheina, hindi ka naman galit, 'di ba? Na nasabi ko kay Kapitana ang tungkol sa atin?" Umiling ako, pero naalala kong regular na tawag lang pala ang ginagawa namin kaya sumagot na ako. "Hindi naman. Pero bad news, nalaman ni Larry ang tungkol doon at ayun..." Kinuwento ko sa kanya kung ano ang nangyari kanina. Kung paano ako na-stress sa confrontation namin ni Larry. Matiyaga kong kinuwento sa kanya kung ano ang naging arguments namin ni Larry laban sa isa't isa. Inamin ko na rin na umiiyak ako kanina bago siya tumawag, dahil naisip ko na kung mayroon mang tao na malaya akong pagsabihan ngayon ng kahit ano, ang boyfriend ko yun. Nakakapanibago na may taong ganoon na ang role sa buhay ko, pero hindi ko itatanggi na natutuwa ako doon. "Are you okay?" tanong niya naman agad pagkatapos kong magkwento. "Pwede mo akong pagsabihan ng mga nararamdaman mo, Sheina. Wag kang mahihiya sa akin. Lalo na kapag ganitong malungkot ka." Natigilan ako doon, dahil ngayon ko lang na-realize na sinabi na niya sa akin, na oo nga naman. Boyfriend ko na siya, so pwedeng-pwede akong magkwento sa kanya ng nararamdaman ko ngayon. "Well, nalungkot lang siguro ako na nagkagalit kaming dalawa kasi nga, after all this time ay kailan lang kami naging close. Tapos bigla ring naputol yun dahil nasaktan siya na nagjowa ako ng iba." "I understand. Ganoon naman talaga. You will feel guilty when you hurt someone, pero Sheina, don't you ever think na it's your fault. Because it's not, and will never be." "Alam ko naman yun. Kaya lang siyempre, first time ko kasi makaranas nang ganoon," pag-amin ko. "First time kong ma-bother na nakasakit ako ng feelings ng lalaking ni-reject ko."  "Maybe nakokonsensiya ka? Lalo na at sabi mo, parang isinumbat niya sa 'yo 'yung mga ginawa niya para sa 'yo?" "Oo, ganoon nga siguro. Hindi niya naman kasi kailangang gawin yun para sa akin, lalo na at hindi ko naman siya inutusan na gawin ang mga bagay na yun. So medyo na-off ako doon sa mga ginawa niya na sinabi niya rin naman kanina. Pero kahit na ganoon, marunong pa rin ako mag-appreciate ng effort, Jeron. Na-appreciate ko pa rin siya sa mga ginawa niya." And then nag-pause ako dahil may bigla akong naisip. "Teka, okay lang ba na si Larry ang pinag-uusapan natin? Hindi ka ba nagagalit?" "Huh? Hindi naman." "Mamatey? Di ka nagagalit na karibal mo pa sa akin ang topic natin ngayon?" "Hindi nga, Sheina. Actually I like it that you already opened up to me like this kasi dapat ako naman talaga ang kausap mo sa bagay na 'to. Magtatampo pa ako kung sa iba mo yan sinabi." "Ah... Oo nga naman. Pasensiya ka na, hindi ko naisip yun---" "Pero nagseselos ako, Sheina." "Huh?" "Nagseselos ako na medyo concerned ka sa kanya." Natameme ako doon. Bakit naman bigla niyang inamin sa akin yun? Ano'ng gagawin ko ngayon? Susuyuin ko ba siya o ano? "Ayokong magsinungaling sa 'yo, Sheina, so sasabihin ko 'to. I feel jealous that you talk about him like he means something to you. Kasi dapat ako lang, Sheina. Hindi ako possessive na boyfriend, but I'm territorial." Speechless na naman ako dahil sa pinagsasabi niya ngayon sa akin. I swear may talent talaga ang lalaking ito na gulatin na lang bigla ang diwa ko na parang wala lang sa umpisa tapos biglang boom. Windang ka na dahil may one liner banat na siya sa 'yo and before you know it, tinamaan ka nag sapul na sapul. "Ah eh... Sorry, Jeron. Hindi ko naman intensiyong pagselosin ka..." "I know. Alam ko naman na dapat hindi ako masyadong magselos dahil ako naman ang pinili mo. But still, the fact na umiyak ka dahil nag-away kayo..." "Sorry... Wag ka nang magselos, Jeron. Hindi ako marunong manuyo. Baka mamuti lang ang mata mo kakahintay na suyuin kita." Narinig ko siyang tumawa doon. "It's okay. I can manage." "Pero kung gagaan ang loob mo, sige, mag-send ka sa akin ng relationship status request." "Yes! Thank you!" Napasigaw pa talaga siya sa tuwa kaya natawa na rin ako. "Pero Sheina, kung gusto mong makabawi sa akin, pumunta ka bukas sa Baranggay Hall." "Ha? Ano naman ang gagawin ko doon?" "Basta, it's a surprise. Pumunta ka nang maaga." "Okay..." sagot ko na lang and for some reason ay bigla akong kinabahan. Teka, maaga raw ako pupunta? Gaano kaya kaaga yun? OMG. Hindi kaya may kink pala itong si Jeron at gusto niya palang may gawin kaming kababalaghan sa clinic niya doon sa Brgy Hall? Jusko po! Huwag naman sana! *** Kinabukasan, kinabahan talaga ako pagkagising ko dahil naalala ko agad na pupunta ako ngayon kay Jeron sa Brgy Hall. Ayoko man, wala na ring saysay magpakipot pa sa kanya dahil exposed na rin naman kaming dalawa sa mga mata ng mga tao. Para saan pang magpabebe ako sa kanya, 'di ba? Kaya nag-ayos na rin ako at nagpunta doon sa kanya gaya ng sinabi niya. Nandoon na siya nang makarating ako ng Brgy Hall. Kausap niya ang Baranggay Health Worker na si Ehra, at pareho pa silang napalingon sa akin nang dumating ako. Nakatutok pa sa akin si Jeron. Nagulat siguro siya na disente na naman ang suot ko at hindi ang usual na attire ko na parang tambay lang sa bahay. This time ay nag-dress up ulit ako, at para yun ma-impress ang boyfriend kong mas inosente pa sa binatilyong unang beses na nag-search ng kakaiba sa Internet. "Hi, Sheina, you look so beautiful," bati niya sa akin, tapos hinawakan niya ako sa kanang kamay ko at ipinakilala niya ako kay Ehra as if hindi kami magkakilala eh classmate ko ang babaeng ito noong elementary. Natawa tuloy kami pareho. "Mabuti naman at magkakilala pala kayo," ani Jeron. "So Sheina, tara na sa loob ng clinic. You will start your new job today." "Huh? Ano'ng new job?" "You'll become my assistant-s***h-secretary," sagot niya naman tapos marahan na niya akong hinila papasok ng clinic niya.  "Ano? Teka? Ano ang ibig sabihin mo---?" Pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pagkapasok namin ng clinic/office niya ay bumulaga kaagad sa amin ang isang table sa unahan ng table niya. May ilang gamit na doon tulad ng mga files sa folder at mga notebooks pero ang umagaw kaagad ng pansin ko ay ang nakalagay na bouqet ng bulaklak doon. Tapos may card doon at kinuha iyon ni Jeron at ibinigay sa akin. "Welcome to your first day of work, Sheina!"  Yun ang nakalagay sa card. Automatic naman akong napatingin kay Jeron dahil doon. Nagtatanong ang mga mata kong nakatitig sa mga mata niyang nakangiti naman sa akin ngayon. "Jeron... Ano 'to?" "I am hiring you as my assistant and secretary here, Sheina." Hindi ako makapaniwala doon. "Teka, teka, so binibigyan mo ako ng trabaho?" Tumango siya. "I actually need a secretary and an assistant. Mag-aayos ng sched ko at mga kailangan and someone na will help me in my day to day activities here." Bigla akong nagka-goosebumps doon. "Teka, seryoso?" "Yep. And you can start now if you want to. Pero kung ayaw mo naman, okay lang din. Naisip ko lang kasi na makakatulong 'to sa 'yo. Di ba nag-iipon ka for your training?" "Ah oo..." Natuwa naman ako doon na yun pala ang dahilan niya kaya niya ako kinukuha as secretary and assistant niya. "Gusto ko naman sana ang trabahong 'to, pero hindi ba parang pangit tingnan kasi girlfriend mo 'ko? Tapos ako na rin ang assistant mo?" Napangiti ko siya doon, na para bang hinihintay niyang i-point out ko yun sa kanya. "Don't worry about that, Sheina. Ako naman ang magpapasweldo sa 'yo, so ako naman talaga ang may karapatang pumili kung sino ang iha-hire ko. And besides, qualified ka naman since graduate ka ng Midwifery." "Pero ano na lang kaya ang sasabihin ng mga kasamahan mo rito? Na inaabuso kita?" "Eh 'di abusuhin mo ako," sagot niyang kumindat pa. "Willing naman akong magpaabuso eh."  Nakaranas tuloy siya kaagad ng hampas mula sa akin dahil sa sinabi niya. "Alam mo ikaw, napaka-unpredictable mo. Minsan napakamahiyain mo, tapos minsan din eh bumabanat ka na lang bigla. Hindi ko na alam kung ano na ang susunod mong gagawin." "I hope that's a good thing?" "Ah, oo naman. Pero nagagakgulat pa rin. At saka sana binalaan mo man lang ako na work pala ang offer mo rito." "Teka, ayaw mo ba sa offer ko? Maganda rin sana ito for your image, Sheina. Di ba usapan natin na tutulungan kitang linisin ang pangalan mo sa mga tao? Eto na yun. Kapag makita nila na maayos tayong dalawa at nagtratrabaho ka pa rito, hindi na nila iisiping fake ka dahil makikita nila na may alam ka naman pala sa medisina talaga kapag dumalaw sila rito." "Oo nga 'no?" masaya kong sagot sa kanya. "Tama ka, Jeron! Magandang idea nga 'to! Bakit hindi ko 'to naisip? Salamat, Jeron! Tama ka! Malaking tulong nga 'to sa akin!" Niyakap ko na siya sa sobrang saya ko, at naglundag pa ako habang yakap ko siya. Hindi ko na kasi naitago ang tuwa ko dahil tama si Jeron. Hindi lang malilinis ang pangalan ko kapag nagtrabaho ako rito, makakaipon pa ako ng pera! At bonus na lang na si Jeron ang amo ko kaya feeling ko naman hindi ako mahihirapan sa trabaho ko. "Mabuti naman at tinanggap mo ang offer ko," sagot niya naman pagkahiwalay ko sa kanya. "Medyo kinabahan din kasi ako na baka tanggihan mo." Umiling ako. "Hindi ako tatanggi, 'no? Grasya na itong kusang lumalapit sa akin kaya ang tanga ko na lang kapag tinanggihan ko pa 'to." "Thank you, Sheina. Akala ko talaga hindi ka papayag. At least for now, hindi man tayo magkasama sa iisang bahay, magkasama naman tayo sa trabaho." "Grabe, parang obsessed ka naman sa'kin niyan, Jeron. Parang ayaw mo nang mahiwalay sa akin ah. But who can blame you?" biro ko pa. "Kahit sino naman hindi na gugustuhing mawalay sa akin." Sa gulat ko naman ay tumango siya agad. "I agree. Lalo na at balak mong mangibang bansa, so I really have to use all our time together wisely," sagot niya. Na-touched naman ako doon, at na-guilty na rin. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang sumunod na nangyari. Bigla kasi niyang inilapit ang mukha niya sa akin, tapos namalayan ko na lang na hinalikan niya na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD