SHEINA
Umuwi ako sa bahay na tulala, dahil hindi pa rin ako maka-get over sa ginawang paghalik sa akin ni Jeron. OA na kung OA, pero iyon kasi ang first kiss ko kaya medyo big deal iyon para sa akin. Gusto kong sumigaw sa langit dahil doon, at sobrang bilis na naman ng t***k ng puso ko. Kanina pa rin mainit ang buong mukha ko, at kulang na lang ay maglagay ako ng mantika, bawang, at sibuyas sa mukha ko dahil pwede nang maggisa doon sa sobrang init ng mga pisngi ko.
Natatandaan ko pa ngayon ang kanina lang na eksena sa clinic niya. Nakita ko kasing nabigla rin siya sa ginawa niya. "Ah... En, I'm sorry, Sheina!" bulalas niya kaagad sa akin tapos napatakip pa siya ng mukha niya gamit ang mga kamay niya. "I didn't meant to do it--- I mean, I did mean to do it, pero hindi ko dapat ginawa---!"
"Huh? Ayos lang naman," sabi ko naman agad dahil yun naman ang totoo. Hindi naman ako nabastusan sa ginawa niya dahil Diyos por santo, halik lang naman iyon. Hindi niya naman sinipsip ang bagang ko eh.
Sinilip niya ako mula sa awang sa pagitan ng mga daliri niya na nakatakip pa rin sa mukha niya. "H-Hindi kagalit sa akin?"
Natawa ako dahil parang bata naman siya kung umakto ngayon. "Hindi ah. Nabigla lang ako."
"Thank, God. Akala ko eh may nagawa na akong kasalanan sa 'yo."
Umiling ako. "Ba't naman ako magagalit? Ginagawa naman talaga yun ng magjowa 'di ba? Saka 'wag ka masyadong nerbiyoso, Jeron. Hindi naman ako nangangagat."
"So... p-pwede kong ulitin yun? Pwede kita ulit halikan?"
Tumango ako. "Pero 'wag dito."
"Okay. Noted." Ngumisi siya sa akin kaya ngumiti rin ako. Wala naman talaga sa akin kung maghalikan na kami nang bongga. Parang ang weird din naman kasi kung hindi namin yun gagawin, basta ba in moderation lang. Iniisip ko pa nga lang na mahuhuli kami rito ng ibang tao sa loob ng office niya na nagmi-make out ay parang mas gusto ko na lang magpalamon sa lupa eh.
Tapos bigla naman akong may naisip na nakakalokang thought. Shet, paano pala kung may amoy ang bibig ko? Nagto-toothbrush naman ako pero ano'ng malay ko kung okay na yun? Baka mamaya ay kailangan ko pang mag-mouth wash, 'di ba?
Napaisip ako sa bagay na yun. Ang pangit naman kung madi-disappoint ang lalaking ito ng dahil lang sa may bad breath pala ako! Kaya sa taranta ko na baka halikan niya na naman ako, nagpaalam ako sa kanya na uuwi na muna ako. Ang palusot ko ay hindi kasi ako dapat magtagal dito dahil may gagawin pa ako. Mabuti na nga lang at naniwala sa akin si Jeron na may gagawin ako kaya hindi na siya nagtaka sa pag-alis ko. Nakakainis naman kasi ang lalaking iyon, bakit naman kasi siya pabigla-bigla ng paghalik sa akin?
Napaisip na naman tuloy ako. Tama pa ba ang ginagawa ko? Para kasing masyado na akong maraming nagagawa para lang mangyari ang mga gusto kong mangyari. Nagi-guilty na rin ako na umabot na ako sa puntong ito na parang wala talagang atrasan. Sa sobrang stressed ko, nagpunta na lang ako sa ilog para maglaba. Niyayaya ko nga si Claire, pero may ginagawa rin yata ang bruha. Bahala na si Jeron doon. Nagkasundo naman kami na bukas na ako papasok na lang as officially my first day bilang secretary s***h assistant niya. Magmumuni-muni muna ako ngayon para kung sakaling magkaroon ako ng lakas ng loob na bumitaw na rito sa mga plano kong umuusad na, may panahon pa ako para gawin yun. Pero naku, kapag nalaman ng buong San Policarpio ang tungkol sa pag-hire sa akin ni Jeron, marami na naman ang magtatas ng kilay sa akin. At dahil wala naman akong pakialam, hahayaan ko na lang sila.
Natapos akong maglaba na magulo ang utak, dahil sa totoo lang ay hindi ako natutuwa sa ginagawa ko kay Jeron, lalo na ngayong napaka-genuine ng nararamdaman niya para sa akin. Nagsasampay na ako ng mga nilabhan ko ng may tumawag sa akin sa telepono ko. Sa gulat ko nang makita ko kung sino ang caller ay muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko.
"Hello."
"O, hello rin Kuya. Himala yata at napatawag ka?" sagot ko naman sa nakakatanda kong kapatid na si Kuya Kris. "Ano'ng masamang hangin ang umihip diyan na nagpwersa sa 'yong tumawag sa akin, aber?"
Napi-picture ko na ngayon ang pag-ismid niya sa mga sinabi ko. "Para namang nakagawa ako nang malaking krimen sa paraan ng pagbati mo sa akin," sagot nitong may himig ng pagtatampo pa yata.
"Wow ha, tampo yan?" balik ko sa kanya. "Eh ikaw 'tong hindi nagre-reply sa mga chat at texts ko?"
"Busy lang si Kuya, Sheina," sagot niya naman at alam kong sinusubukan niya akong lambingin ngayon para hindi ko na naman siya sumbatan. Parang aso't pusa talaga kaming magkapatid, pero super close talaga kami. Pero magmula ng magkapamilya na siya at tumira na sa Manila, hindi na kami ganoon kadalas mag-usap dahil nga sa rason na sinasabi niya. Na-promote kasi siya sa trabaho niya at ngayon ay parang head na rin siya ng branch ng restaurant na pinagtratrabahuan niya.
"Oo alam ko yun. Pero magre-reply ka pa rin, Kuya. Wag mo akong ini-snob."
"Sorry na talaga, Sheina. Kaya nga tumatawag na ako ngayon sa 'yo oh, para naman makabawi ako. Wag mo na akong sungitan diyan."
"Ewan ko sa 'yo, Kuya. At bakit mo nga ba ako tinatawagan? Ano'ng maipaglilingkod ko naman sa 'yo?"
Natawa siya nang mahina doon sa pagiging sarkastiko ko. Ang maganda lang talaga rito kay Kuya Kris ay hindi siya madaling magalit pagdating sa akin. Talagang bunso ang turing niya sa akin kaya naman napaka-harsh ko sa kanya minsan. Nakakapagtampo rin naman kasi ang ginagawa niyang hindi pagre-reply sa akin. Hindi naman kasi yata siya binabawian ng cellphone ng employer niya kaya hindi ko alam kung bakit hirap na hirap siyang kontakin ako.
"O siya, sasabihin ko na kung bakit ako tumawag. Nagpi-f*******: kasi ako kanina at nakita kong may relationship status ka. Sino itong Jeron de Vera na 'to? Boyfriend mo ba talaga 'to?"
Naloka ako doon na nalaman niya kaagad ang tungkol kay Jeron. "Aba, oo, Kuya. Boyfriend ko nga siya. Don't tell me tutol ka sa kanya?" Inunahan ko na siya dahil kilala ko si Kuya Kris. Sa sobrang napaka-protective niya sa akin, hindi na ako magtataka kung nasa kill list na niya ngayon si Jeron. Kahit kaibigang lalaki ay wala ako noon, dahil lahat ng lalaking nagiging close sa akin ay itinataboy niya. Siya talaga ang main reason kung bakit hindi ako nagka-jowa noon. Bukod sa napaka-protective niya sa akin, ang gusto niya ay pasado sa kanya ang magiging boyfriend ko. Kaya nang umalis siya ng San Policarpio, para akong hayop na nakawala sa hawla dahil doon na ako nagsimulang magkaroon ng mga kaibigan at manliligaw na rin katulad ni Larry.
"Ano'ng tutol? Bakit naman ako tututol? Eh kung tunay na pag-ibig na talaga 'yang mayroon sa inyo eh sino ba naman ako para pigilan kayo, 'di ba Sheina?"
"HA?" Napasigaw na ako dahil hindi ako makapaniwala sa naging reaction niya. "Ano'ng sinasabi mo, Kuya? Hindi ka galit na may boyfriend na ako?"
"Aba, hindi ah!" giit niya sa kabilang linya. "Bakit naman ako magagalit? Malaki ka na. Saka nasa tamang edad ka na nga para magpakasal eh."
"O-Okay...?" Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaction niya, kaya naninibago ako. Pero to be honest, nakahinga ako nang maluwag na hindi siya galit. Akala ko kasi ay sesermunan niya ako kaya siya tumatawag eh. "Bago yan, Kuya ah. Nahipan ba ang utak mo, Kuya?"
"Grabe ka naman, Sheina," sagot niyang kunwari nagtatampo at nai-imagine ko naman ang mukha niya ngayon. Panigurado na nakanguso siya ngayon habang kausap niya ako. "Malaki ka na kaya bakit pa ako kokontra kung magkaroon ka na ng nobyo? Basta ba nakikita kong walang problema sa magiging nobyo mo eh okay na okay sa akin yan."
"Ha? So sinasabi mo na boto ka kay Jeron?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Aba, oo naman!" sagot niya agad at parang mas excited pa nga siya sa akin na pag-usapan namin ang jowa kong doktor. "In-stalk ko siya sa f*******: at nakita kong doktor siya at nagmula sa magandang pamilya. Tapos siyempre, tinawagan ko si Nanay at tinanong ko siya kung may alam ba siya sa boyfriend mo. Aba, hulaan mo kung ano ang sinabi ni Nanay."
Napaisip naman ako doon. "Ano?"
"Aba, eh botong-boto sa kanya si Nanay!" balita sa akin ni Kuya Kris at muntik na naman akong mapasalampak sa lupa dahil sa sinabi niya. "Puro papuri ang sinabi niya nang tanungin ko kung nakausap o nakita niya ba 'yang nobyo mo. Aba ay daig ka pa ni Nanay kung makapuri diyan sa boyfriend mo! Kulang na nga lang ay siya pa ang magkasal sa inyong dalawa!"
"Talaga? Seryoso yan? Si Nanay, boto kay Jeron?"
"Aba, oo! Bakit naman hindi? Eh matino naman ang nobyo mo! Pogi pa! Talagang naka-jackpot ka pala, bunso! Ikaw pa yata ang aangat kaagad sa buhay sa atin eh!"
Bakas talaga sa boses ni Kuya ang tuwa at excitement habang sinasabi niya ang mga iyon. Hindi ko naman siya masisisi. Kahit ako rin naman ay na-impress kay Jeron nang mag-stalk rin ako sa social media accounts niya. Nandoon kasi ang mga achievements niya dahil naka-tag naman siya doon. Nariyan na consistent honor student siya noong college, kaya ibig sabihin matalino talaga siya. Tapos sumasali siya sa mga charity work ng school nila, na sinyales naman na mabait siyang tao. Bonus na nga lang na mula siya sa may kayang pamilya eh. Nakita ko kasi doon ang bahay nila na mukhang isang magandang mansiyon din. Ang parents niya rin ay iyong tipong makikita mo sa mga teleserye, iyong mabait na mayamang parents na down to earth.
"Mabuti naman at boto kayo sa kanya," sabi ko na lang kay Kuya dahil hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na wala silang problema na nagkajowa na lang ako bigla. Although alam ko naman kung bakit ganito ang reaction nila. Basta may magandang trabaho at galing sa magandang pamilya ang lalaking magiging jowa ko ay hindi sila tututol. "Pero nagulat ako na boto sa kanya si Nanay, eh hindi iyon pumayag na umupa sa bahay si Jeron. Akala ko dahil doon ay may masasabi siya kay Jeron."
"Ano naman ang masasabi ni Nanay sa kanya na hindi maganda, eh napakamagalang daw ng batang yun?" sagot naman ni Kuya. Sa pananalita niya ay parang kahit siya ay impressed na rin kay Jeron kaya naloloka ako sa mga sinasabi niya. "Inamin niya nga raw ang relasyon niyo kahit na dahil sa ginawa niya ay hindi na siya papayagan ni Nanay na umupa diyan. May paninindigan ang batang yan at mukhang hindi ka kinukunsinti kahit na girlfriend ka niya. Aba, 'yang ganyang katinong manugang ay tutulan pa ni Nanay? Eh kahit ako ay natuwa nang malaman na ganoon ang ugali ng boyfriend mo eh!"
"Eh 'di wow. So ano 'to, tumawag ka pala para i-congratulate ako?" biro ko.
"Tumawag ako para sabihing sinusuportahan ko kayo," pagtatama niya naman sa sinabi ko. And in fairness kay Kuya Kris, hindi ko inaasahang ganito ang magiging reaction niya. "Kaya kung magpapakasal na kayo, Sheina, ay sabihin niyo lang."
"Kasal agad? Atat ka Kuya?"
Natawa na naman siya doon, pero this time ay malakas. "Mas maaga kayong magpakasal, mas maganda, Sheina. Para mas matagal ang pagsasamahan niyo."
"Ganun ba yun?"
"Aba, oo naman. Eh kung sigurado na rin naman kayo sa isa't isa, bakit hindi, 'di ba? Ang sa'kin lang, magpakasal muna kayo bago ka magbuntis. Mahirap na, alam mo naman kung ano ang nangyayari sa mga nabubuntis diyan na walang asawa. Pinagpipiyestahan ng mga chismosa."
"Naku, Kuya, sinabi mo pa. Ayoko na lang mag-talk. Pero sige, pakikinggan ko ang advice mo. At sana maniwala rin kayo na hindi naman kami gagawa ng bagay na hindi namin pag-iisipan muna. Lalo na at doktor si Jeron. Hindi yun gagawa ng kalokohan na magpapahamak sa kanya."
"Aba ay sana nga. Pero sige Sheina, 'wag kang mag-alala. Bilang pambawi ko na rin sa 'yo para mawala na 'yang pagtatampo mo sa akin, kakausapin ko ulit si Nanay at kukumbinsihin ko siyang pumayag nang sa bahay umupa si Jeron. Actually para sa akin, mas maganda nga kung ganoon ang magiging set up niyong dalawa. Magkakaroon ka na ng kasama sa bahay, mapipikot mo pa si Jeron kaya hindi ka na non matatakasan---"
"Kuya!"
"Biro lang," sagot niyang tawa nang tawa pa rin. "Pero seryoso ako doon sa tutulungan ko kayong makumbinsi si Nanay, so 'wag ka nang mag-alala."
"Aba, salamat naman kung ganoon. Sana nga pumayag na si Nanay---"
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil may nakita ako sa harapan ko na nagpatigil ng mundo ko. Naestatwa ako sa nasa harapan ko ngayon at literal na nabitawan ko ang telepono ko habang nakatulala ako. Nanlamig din ako kahit tirik na tirik naman ngayon ang araw.
Nakita ko lang naman ang Tatay ko. Nakatingin siya sa akin kanina mula sa kinatatayuan niya, na may kalayuan din mula sa kung nasaan ako. Nakatayo siya sa may kalsada at nakamasid sa akin dito sa likuran ng bahay namin. At nang makita niyang napansin ko na siya, kaagad siyang kumaripas ng lakad palayo.
Hindi ako agad nakakilos, and maybe dapat nagmadali akong habulin siya. Dahil noong gumalaw na ang mga paa ko, hindi ko na siya makita. Ang bilis niyang naglaho, kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak.
***
"Sigurado ka bang Tatay mo yun?" marahang tanong sa akin ni Jeron. Nandito kami ngayon sa loob ng bahay. Nakahiga ako sa kama ko at matamlay ako dahil wala akong ginawa maghapon kung hindi ang umiyak lang nang umiyak. "Baka naman ibang tao iyon, Sheina? At napagkamalan mo lang?"
Umiling ako. Nakaupo siya ngayon sa tabi ko at mataman niya akong tinitingnan. Alam kong nag-aalala siya sa akin nang sobra ngayon, kaya hindi ko na rin siya pinigilang pumasok dito sa kwarto ko. In fact, dito niya ako inabutan nang dumating siya pagkatapos ng duty niya. Kumakatok nga siya kanina eh, pero wala talaga akong energy para pagbuksan siya kanina. At nang malaman niyang bukas lang pala ang pinto ay pumasok na siya sa loob at dito na niya ako nahanap.
Akala pa nga niya ay may masakit na sa akin. Kung hindi pa ako napahagulhol ng iyak ay hindi niya malalamang may pinagdadaanan na pala ako emotionally. Niyakap niya ako agad dahil doon at pinatahan ako. At dahil nagtanong siya sa akin kung ano ang nangyari, kinuwento ko na sa kanya ang lahat. Kung bakit bigla na lang akong naging ganito nang makita ko ang tatay ko kanina.
"Sure ako na siya yun eh. Hindi ako nagkakamali, Jeron. Talagang nandito na nga ulit siya sa San Policarpio."
"Paano kung siya nga talaga yun? Gusto mo ba siyang makausap?"
"Ang totoo niyan, hindi ko alam, Jeron. Natatakot ako sa pwedeng gawin ko sa kanya kapag nilapitan niya ako ulit. Sobrang sakit kasi ng ginawa niyang pag-iwan sa amin. Akala ko nga namin ay patay na siya. Tapos buhay na buhay naman pala siya."
"Baka bumalik ulit siya rito, Sheina. Malamang naghihintay lang din siya ng tamang tiyempo para kausapin ka. Kapag mangyari ba yun, papayag kang makausap ulit siya?"
Tumango ako. "Oo naman. Pero ayokong makaharap siya nang mag-isa, Jeron. Iniisip ko nga, baka mamayang gabi siya pumunta rito dahil baka wala siyang matuluyan. Kaya nakikiusap ako sa 'yo, Jeron. Please, dito ka na muna matulog. Samahan mo muna ako rito."
Tumango naman siya agad. "Of course, kung yan ang request mo. Uuwi muna ako kina Raffy para kumuha ng damit. Kailangan ko yata ng sweater dahil malamig dito sa inyo kapag gabi, lalo na sala. Maganda na iyong handa---"
"Hindi ka matutulog sa sala, Jeron," sagot ko sa kanya at bigla siyang namutla nang sabihin ko yun. "Dito ka matutulog sa kwarto kasama ko," dagdag ko pa at nakita kong lumuwa ang mga mata niya.