Nakahumbaba ako habang ang nakatingin kay Veronica na abalang nakikipag-usap sa mga estudyante ng ibang school. Sinipsip ko ang huling patak ng milk tea ko.
“Hays! Ubos na ang milk tea pero hindi pa rin nauubusan ng kuwento si Veronica sa mga lalaki.”
Nagsisi tuloy ako kung bakit sumama pa ako sa kanyang pumunta rito. Nakaramdam tuloy ako ng pagkainip. Nasa kabilang table kasi si Veronica at feeling close siya sa mga lalaki. Lahat kasi ng mga kaklase ng lalaking gusto niya ay kinakaibigan niya para makakuha ng balita tungkol sa crush niya.
Tumayo ako at lumapit sa table niya. “Bruha, ubos na milktea ko kaya babalik na ako sa school.”
Lumingon sa akin ang mga lalaking kasama ni Veronica at ngumiti. “Wow! Hindi mo sa amin sinabi na may maganda kang kaibigan,” sabi ng isang lalaki.
Inirapan ko siya. Hindi ko trip ang mga lalaking lantaran na nagpapakita ng pagkagusto sa akin. Mas gusto ko na ako ang humahabol at nagpapansin sa taong type ko. Noong nasa probinsya ako, lahat ng tao ay gusto ako, nirerespeto, at kulang na lang ay sambahin ako dahil anak ako ng gobernador ng lalawigan namin.
“She’s my friend, her name is Dina.”
Tumayo ang isang lalaki. “Hi, my name is Bruno?” ang lapad ng ngiti niya.
Hindi ko sana siya papansin ngunit pinanlakihan ako ng mga mata ni Veronica.
Pinaikot ko ang eyeballs nang abutin ko ang kamay niya. “Nice meeting you.”
“Come and join us.”
Tumingin ako sa kanila. Wala naman silang ibang ginagawang importante. “No, thanks. Veronica, nasaan na ang milk tea ko?”
Tumayo si Veronica at um-order ng tatlong one litter na milk tea na may iba’t-ibang flavor. “Oh, ubusin mo ‘yan.”
Kinuha ko ang binigay niyang tatlong milk tea. “Wow! Ang daming pera.”
Lumapit siya akin at bumulong. “Sagot ‘yan ni Bruno kaya dapat maging mabait ka sa kanya.”
Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. Natutuwa pa naman ako dahil nilibre niya ako. Akala ko galante na siya hindi pala, numero uno pa rin siyang kuripot.”
“Nakakaloka ka.” Bumalik ako sa table ko at sinimulan kong inumin ang isang litro ng milk tea. Ang totoo hindi ko naman ito kayang ubusin. Tumingin ako sa labas. Naghanap ako ng mga bata o pulubi na pagbibigyan ko ng milk tea.
Napansin ko ang isang matandang babae na lumapit sa dalawang estudyante ngunit hindi nila ito binigyan sa halip ay lumayo sila
Tumayo ako at kinuha ko ang isang milk tea at ang burger para ibigay sa matanda.
“Lola!” tawag ko sa matanda.
Huminto siya at humarap sa akin. Kung titingnan mo ang matanda ay hindi siya mapaghahalataan na pulubi dahil maayos malinis naman ang suot niyang damit.
“Bakit, Ineng?” nakita niya ang hawak kong pagkain kaya lumapit siya sa akin. “Puwede ba akong makahingi ng pagkain mo nagugutom na ako?”
Inabot ko sa kanya ang milk tea at burger. “Para sa inyo talaga ang pagkain na ito. Pumasok po tayo sa loob para makaupo kayo.”
Umiling siya. “Dito na lang ako kakain.”
Tumango ako. “Sige, kumain lang kayo.”
“Ang sarap-sarap niya, ngayon lang ako nakatikim ng ganitong pagkain. Thank you.”
“Ngumiti ako sa kanya. “Welcome, ano po ba ang pangalan n’yo?” tanong ko.
“Felicidad Nobleza.”
“Ako naman po si Dina. Nasaan po ang mga anak n’yo or kahit apo?”
“Alam mo Dina ang ganda-ganda mo ang bait mo pa.
“Thank you” Napansin kong hindi niya sinagot ang tanong ko kaya hinayaan ko na lang siya.
“Ang sarap talaga nito ngayon lang ako ulit nakatikim nito.”
Natigilan kami nang may humintong magarang sasakyan sa harapan namin. Tumayo si Lola Felicidad at nagtago sa likuran ko. Nagtaka ako sa ikinilos ng matanda.
“Bakit po Lola?”
Lumabas ang isang lalaki na nasa edad bente kuwatro . Chinito siya at may taas na six-footer. Napansin ko rin ang mapula niyang mga labi at ang kulay chocolate niyang mga mata. Napanganga ako dahil bumakat ang abs niya sa suot niyang fitted na polo shirt.
Oh, my gosh. Ulam.
“Lola! What are you doing here? I've been looking for you for a while. "
Nakataas ang kilay kong tumingin sa guwapong adonis na kaharap ko. “Who are you?”
Sa halip na sagutin niya ako ay nakita niya ang pagkain na hawak ni Lola Felicidad.
“Grandma, why are you eating that? I told you not to eat sweet food.”
“Ayoko! Galing ito kay Lina.”
“Dina po, Lola,” pag-uulit ko. Apat na letra na nga lang ang pangalan ko marami pa rin nagkakamali.
Tinitigan ako ng matalim ng lalaki at dinuro. “Alam mo ba ang ginagawa mo?”
Nakipagtitigan ako sa kanya. “Yes, tumulong ako sa mga taong nangangailangan ng tulong ko.”
“Idiot! You are pushing her to disaster. Grandma has diabetes, and she is not allowed to eat the foods you give her.”
Nameywang ako sa kanya. “Why, did I know she was sick? She was asking for food, so I gave it to her. "
Pinagtitinginan na kami ng ibang mga tao sa paligid naming pero wala akong balak na magpatalo sa hudas na ito.
Halos isang dangkal na lang ang pagitan ng mga labi namin at naamoy ko na rin ang hininga niya. "When something bad happened to my grandmother. I will look for you to pay for what you did.”
Ngumisi ako sa kanya sabay sampal ko sa mukha niya. “Gago ka pala! Tumulong na nga, ako pa masama!” sigaw ko.
Matalim ang tingin niya sa akin habang hinimas niya ang pisngi niya. “b***h!”
“Ulol!” Nag-finger sign pa ako sa kanya.
Hinila niya ang Lola niya saka tinapon ang milk tea at burger sa basurahan. Naawa ako nang makita kong umiiyak si Lola, pero wala naman akong magawa dahil bawal pala sa kanya iyon.
Kinarga siya ng lalaki at sinakay sa kotse.
“Thank you, Lina. Thank you!” Sigaw ni Lola Felicidad.
Ngumiti ako at kumaway sa kanya. Kahit maling pangalan ang tinawag niya sa akin. Tumalikod ako para pumasok sa loob ng milk tea shop. Hindi ko na hinintay na makaalis pa sila
“Ayy!” sigaw ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong halikan ng apo ni Lola. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko sa nangyari.
Binitawan niya ako at pinunasan niya ang labi niya ng panyo na parang diring-diri sa akin. “Kapalit ‘yan ng ginawa mong pananampal sa akin.” Pumihit siya patalikod bago siya muli nagsalita. “Next time, baguhin mo ang flavor ng lipstick mo dahil masyadong mapait.” Pagkatapos ay tuluyan na itong umalis.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Bigla akong natulala.
“Miss, are you okay?”
“Ha?” saka lang ako bumalik sa realidad. Wala na ang kotse ng lalaki.
“Nakatayo ka lang diyan.”
“I’m sorry.” Bumalik ako sa loob at sinipsip ko ang milk tea. “Hayop na ‘yon, siya na nga ang nagnakaw ng halik siya pa ang may ganang pintasan ang flavor ng lipstick ko. Mamahalin kaya ang lipstick ko.”
“Dina, okay ka lang?” tanong ni Veronica sa akin.
Tumango ako. “Oo, bakit?”
“Nakita kitang may kausap na lalaki. Hindi lang ako lumapit kasi nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan.” Umupo si Veronica sa tabi ko.
“Wala na ang mga kaibigan mo?”
Tumango siya. “Oo, may klase pa sila. Naubos mo na agad yung isang litro?” Napansin kasi niyang wala na ang isang litro ng milk tea.
Sumimangot ako. “Binigay ko kanina sa matandang babae. Nanghihingi siya ng pagkain kaya akala ko pulubi. Hindi pala siya pulubi kaya nagalit sa akin ang apo niya kasi binigyan ko ng pagkain bawal pala sa kanya iyon kasi may sakit siyang diabetes.”
“Guwapo ba ang apo?”
Tinasan ko siya ng kilay. “Kakalalbuhin na kita e, sa dami ng sinabi ko iyon lang ang itatanong mo sa akin.”
“Gusto ko malaman kung guwapo. Malay mo naman kami pala ang magkatuluyan.”
“Guwapo siya, macho at ubod ng sama ng ugali.”
“Guwapo pala dapat nagpa-cute ka para maging chatmate mo na.”
Tumahimik ako. Kapag sinabi kong ninakawan ako ng halik ng lalaki siguradong ipagkakalat ni Veronica.”
“Ayoko nga!” sabay sipsip ko ng milk tea.
“Kung ako sa iyo pinakitaan mo ng cleavage para naging mabait sa iyo.”
Pailalim ko siyang tinitingnan. “Bakla ka. ‘wag mo akong itulad sa iyo.” Tumayo ako para umalis. Kinuha ko ang isang naka-plastik na milk tea ibibigay ko na lang sa kaibigan ko.”
“Saan ka pupunta?”
“May klase pa tayo ngayon.”
Lumabas kami ng milk tea shop at sumakay ako sa kotse na kasama si Veronica. Malapit lang ang school namin rito kaya wala pang limang minuto ay nakarating na kami. Pagpasok namin ni Veronica sa classroom namin ay tahimik ng mga kaklase namin.
“May recitation ba ngayon kaya ang tahimik?” tanong ni Veronica.
Umiling si Tiffanie. “Aalis na si Sir. Manlangit pupunta ng Amerika para doon magturo.”
“Nakakalungkot nga ‘yan ang taas pa naman niya magbigay ng grades,” ani Veronica.
“Bakit biglaan naman yata?” takang tanong ko.
“Matagal ng alam ng mga Professor at Dean. Sinadya niya lang hindi sabihin agad sa mga estudyante niya,” ani Tiffanie.
“Class, salamat sa inyo pero simula bukas ay ibang teacher na ang magtuturo sa inyo ng Life and works of Rizal.”
“Sir. Ma-miss namin kayo baka mahigpit po ang pumalit sa inyo.”
“May farewell party na gaganapin ang mga co-teachers ko sa friday ‘wag sana kayong aabsent.”
“Yes, Sir!” sabay-sabay naming sabi.
“Nakakalungkot talaga wala na sir Manlangit,” ani Veronica.
“Good luck sa iyo baka ang bagong professor natin ay mahigpit at bawal ng magpasa ng mga late na projects,” sabi ko.
“Iyon nga ang iniisip ko kaya kailangan ko naman maghanap ng ka-fling na gagawa ng projects ko,” ani Veronica.
“Puro talaga kalandian ang naisip ng babae nito.” Taas kilay ko kay Veronica. Sa dami ng boyfriend ni Veronica halos hindi namin alam kung sino pa ang iba. Iba-iba kasing lalaki ang naghahanap sa kanya tuwing umaga.
“Friendly kasi ako kaya hinahabol nila ako.”
Umiling ako. “Bahala ka nga.”
Kinuha ko ang libro at notebook ko upang gumawa ng assignment para bukas.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school dahil may reporting kami sa first subject namin. Habang naglalakad ako sa hallway ay napansin ko ang lalaki na nagtatanong ng direksyon. Nilapitan ko ito para ituro sa kanya ang office ng Dean namin.
“Excuse, Sir.” Kinalabit ko pa siya sa balikat. Nang lumingon siya ay nagulat ako.
“Ikaw!”
Pang-asar siyang ngumiti. “Mabuti naman at dito ka nag-aaral madali kitang mahahanap oras na may mangyaring masama sa Lola ko.”
Nanggigigil ako sa asar sa kanya kaya sinampal ko siya ng malakas. “Gago!” Sabay talikod ko sa kanya.
Small world talaga dahil sa dito pa talaga pa kami magkikita ng mayabang na lalaki na iyon.
“Girls, alam n’yo na ba na ang sunod na klase natin ay Life and works of Rizal na,” ani Tiffanie.
“Wala naman sinabi sa atin kahapon na magpapalit ng oras,” ani Mathew.
“Hays! Sana lang mabait,” ani Veronica.
Tumigil ang ingay sa loob ng classroom namin nang pumasok ang Dean namin.
“Class, sana iresperto n’yo ang bago niyong professor tulad ng pagrespeto n’yo kay Mr. Manlangit. I would like to introduce to you Mr. Race Nobleza.”
“Nobleza?”
“Hello, Class.”
Nagkaroon ng ingay ng pumasok ang bagong teacher namin. Nabitawan ko naman ang hawak kong libro nang makilala ko siya.
No, hindi ito puwede!
Ang lalaking humalik sa akin at ang lalaki sinampal ko ay professor ko.
Lupa, lamunin mo na ako now na.