RACE’S POV ILANG-BESES akong bumuntong-hininga bago ako tuluyang lumabas ng condo ni Dina. Hindi ko kayang magpaalam sa kanya ng gano’n ngunit kailangan kong gawin para sa ikakatahimik ni Dina. “Ang duwag ko talaga!” Hinampas ko ang manibela ng paulit-ulit. Hindi ko nagawang aminin sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya. In-start ko ang sasakyan ko at pinuntahan ko si Lester sa bahay niya. Bahala na kung magalit sa akin ang asawa niyang si Veronica. Kailangan ko ng makakausap ngayon. Pagkalipas ng halos kalahating oras ay nakarating na ako sa tapat ng malaking bakuran ng bahay ni Lester. Bumisina ako para marinig ako ng bantay sa kanilang bahay. Ilang sandali ay lumabas ang katulong upang buksan ang malaking gate para makapasok ang kotse ko. Mabilis akong nakapasok ngayon dahil bag