"I thought we were supposed to meet at the airport. Why you didn't show up? I waited for hours, expecting you to pick me up. And who's the girl in the news you're with? Are you cheating on me, Joaquin?"
Galit ang itsura ni Madeline habang kausap ang nobyo.
"Of course not!" mariing tanggi naman ng binata. "I don't know her either, I'm confused too. Your coat and hers looked the same, so I mistook her for you. I'm sorry, it was all a mistake. Let's just put it behind us. The important thing is that you got away from the paparazzi, and we're together now. I will never cheat on you, Babe, you know how much I love you, right? I'm not the other guy you know. When I decide to be in a relationship, I want it to be serious, and I want it to last forever," seryosong sabi nito.
Para namang hinaplos ang puso ni Madeline. Ang galit na nadarama nito kanina lang ay biglang napawi dahil sa sinabing iyon ng nobyo.
"Does that mean you're considering me as someone you'll be with for a lifetime?" curious na tanong nito.
Dahan-dahan namang tumango si Joaquin, nginitian niya ang nobya, inangat niya ang kanang kamay at hinaplos ang maamong mukha ng dalaga.
Tumingkayad si Madeline, inabot ng labi niya ang labi ni Joaquin, ginawaran niya ng matamis na halik ang nobyo.
"I love you, honey! I'm sorry for my behavior earlier. This is all new to me, and I don't know how to react, especially because we're in a long-distance relationship. It won't happen again, I promise. I trust you, I was just surprised by the news. In our three years of relationship, this is the first time you've been involved with another woman."
Kinabig ni Joaquin ang nobya at niyakap ng mahigpit.
"It's okay, I understand. If I were in your position, I'd probably do the same thing. I wouldn't just stand by quietly, I'd confront you too, for sure. What's important is that we've resolved the misunderstanding. We rarely get to see each other, so let's not argue. Let's make the most of the time we have together. I appreciate the effort you made to see me, but I hope you won't skip your concert again. It's not fair to the people who bought tickets and waited in long lines just to see you perform."
"I did it because I miss you, honey. Don't you worry, my manager will handle it. I'm going back to Spain tomorrow, but for now, let's be together. I want to spend the rest of the day with you."
Napangiti na lamang si Joaquin at hindi na nakipagtalo pa. Iniisip na rin niya na mag-propose kay Madeline. Matagal na rin naman silang magka-relasyon at handa na siyang lumagay sa tahimik.
Wala siyang eksaktong lugar na napili para mag-propose. Hindi engrandeng proposal ang gusto niyang mangyari. Ang gusto niya ay silang dalawa lang. Kahit isang sikat na celebrity si Madeline ang personal life naman nito ay pinapanatili nitong pribado, lalo na ang tungkol sa kanilang relasyon.
Kanina lang ay bumili na siya ng engagement ring. Nasa bulsa lamang niya iyon para kung sakaling maramdaman niya na iyon na ang tamang pagkakataon para mag-propose ay gagawin niya kahit nasaang lugar pa sila rito sa Paris.
Matapos nilang kumain sa isang mamahaling restaurant ay naglakad-lakad muna sila. Kampante naman si Joaquin na walang iistorbo sa kanila na mga fans ni Madeline dahil naka-disguise naman ang kaniyang nobya. Magkahawak kamay silang naglalakad sa Tuileris Garden, hindi mapigilan ni Madeline na hindi humanga sa lugar, kulay berde ang paligid at maraming nagagandahang mga halaman at iba't-ibang kulay na mga bulaklak. Nakabibighani ang lugar lalo na ngayong gabi, mas maa-appreciate mo ang ganda ng paligid, nakadagdag sa ganda ng lugar ang nagkikislapan na mga ilaw sa buong Tuileris Garden.
Inaya ni Joaquin ang nobya na maupo sa bakanteng bench na naroon. Tanaw na tanaw buhat sa kinauupuan nila ang makulay at maliwanag na ferris wheel.
"I want to ride there," parang batang sabi ni Madeline habang tinuturo ang ferris wheel.
Sunod-sunod ang naging pag-iling ni Joaquin. "No way!" wika ng binata. May phobia kasi siya sa mga rides, noong bata pa siya ay nasubukan na rin niyang sumakay sa ferris wheel, kaya lang nang nasa itaas na siya ay bigla namang nag-brown out, hindi agad gumana ang generator ng amusement park at na stuck siya sa tuktok, kaya simula noon ay hindi na niya sinubukan na muling sumakay sa mga rides dahil pinangungunahan na siya ng takot. Hindi na niya na overcome ang takot na iyon hanggang sa kaniyang paglaki.
Napangiti si Madeline sa naging reaksiyon ni Joaquin, alam naman niya ang tungkol sa phobia nito, binibiro lang naman niya ang nobyo, natutuwa kasi siya kapag nakikita ang reaksiyon nito. Sa itsura ni Joaquin na matipuno at lalaking-lalaki ay hindi mo iisipin na may kinakatakutan pala ito.
Humilig siya sa balikat ng nobyo, habang ang mga mata naman niya ay hindi inaalis sa ferris wheel na ngayon ay umiikot nang mabilis.
Naisip ni Joaquin na ito na ang tamang pagkakataon para mag-propose kay Madeline, kaya lang ay hindi pa niya napa-praktis ang sasabihin, napagdesisyunan niyang magpaalam muna sa nobya na kunwari ay may kukunin.
"Come back quickly, okay?" alanganing sabi ni Madeline.
"Yes, of course, it wont take long. Just wait for me here," aniya.
Nang tumango si Madeline ay mabilis na siyang lumayo. Doon siya nagtungo sa mga halamanan. Huminga siya nang malalim, kinuha niya ang singsing sa kaniyang bulsa, tinitigan muna ito at pagkatapos ay naglakad ng pabalik-balik, nag-iisip siya ng magandang salita na sasabihin niya kay Madeline habang nagpo-propose. Sa totoo lang ay ninerbiyos siya, ito ang unang beses na gagawin niya ang bagay na iyon, hindi siya nanunuod ng mga videos o palabas na tungkol sa mga proposal dahil nababaduyan siya sa ganuong eksena. Hindi niya alam na isang araw ay gagawin din pala niya ang bagay na iyon.
Nakabuo na siya ng mga salita at sa tingin naman niya ay maganda at romatic iyong pakinggan. Isang hingang malalim pa sabay buga ng hangin bago siya bumalik sa kinaroroonan ni Madeline.
Lumuhod siya sa harapan nito, dahil sa pagkataranta at labis na tensiyon niya ay kinuha niya agad ang kamay ng dalaga at isinuot ang singsing sa daliri nito. Alam niyang mali siya sa part na iyon kaya lang ay nangyari na ang nangyari, naisuot na muna niya ang singsing bago pa siya mag-propose. Akmang bubuka na ang kaniyang bibig nang biglang may magsalita buhat sa kaniyang likuran.
"What is the meaning of this?"
Agad siyang napalingon sa nagsalita at napaawang ang bibig niya ng makita si Madeline na nasa kaniyang likuran.
Ibinaling niya ang tingin sa kaniyang harapan at hindi niya lubos maisip kung paanong ibang babae na ang nakaupo roon. Sa makatuwid, ang singsing ay naisuot niya sa maling babae at hindi kay Madeline.
"I hate you, Joaquin... I hate you!" galit na galit na sabi ni Madeline sabay walk out.
Hindi alam ni Joaquin ang gagawin, kung susundan ba niya si Madeline o babawiin muna ang singsing sa babaeng hindi sinasadyang pinagbigyan niya nito.
Sa huli ay inasikaso muna niyang kunin ang singsing bago sundan si Madeline para suyuin. Ang laki niyang tanga para hindi muna tingnan kung sino ang kaharap niya, ngayon tuloy ay aksidenteng nakapag-propose siya sa ibang babae. Kampante kasi siyang hindi naman aalis si Madeline sa kaniyang kinauupuan. Kahit sisihin pa niya ng sisihin ang sarili ay hindi na mababago pa niyon ang nangyari.