Chapter 6

1140 Words
Nakaidlip sandali si Eunice, naninibago siya sa oras. Alas siyete pa lang naman ng gabi, pagkatapos niyang kumain sa restaurant ng hotel ay naisipan niyang lumabas muna para magpahangin. Bukas pa ang dating ni Roman kaya sasamantalahin niyang makapamasyal na mag-isa. Malapit lang ang hotel na tinutuluyan niya sa Tuileris Garden kaya doon siya nagtungo. Naglakad-lakad siya at nang mapagod ay naghanap ng mauupuan, may mangilan-ngilang upuang kahoy sa paligid kaya lang ay may mga nakaupo na. Naglakad-lakad pa siya at tama namang may nakita siyang babae na umalis sa kaniyang kinauupuan kaya dali-dali siyang lumapit para pumalit sa upuan nito, nangangalay na ang mga paa niya dahil ang boots na suot niya ay may takong. "Hay, salamat at nakaupo rin," tuwang sabi niya, pinisil-pisil niya ang mga muscle sa kaniyang binti, na namintig na sa tagal niyang pagkakatayo. Nagulat siya ng may lalaking bigla nalang sumulpot at lumuhod sa kaniyang harapan. Napaawang ang kaniyang bibig ng walang pasabing kinuha ng lalaking iyon ang kanan niyang kamay at sinuutan ng singsing ang kaniyang daliri. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari, sabay pa silang napalingon ng lalaki ng may babaeng bigla na lang sumulpot sa likuran nito at galit na nagsalita. "How could you do this to me, Joaquin? I hate you!" malakas at galit na sigaw ng babae sabay alis. Napamaang siya sa naging reaksiyon nito. Bumaling ang tingin niya sa lalaki na litong-lito ang itsura. Hindi nito malaman ang gagawin, akmang susundan nito ang babae. "Babe, it's not what you think it is. Please come back! Oh no f*ck!" inis na sabi ni Joaquin at sinabunutan pa ang sarili gulong-gulo siya. Gusto niyang habulin si Eunice ngunit ang singsing ay hindi niya puwedeng basta na lang iwan. Bumalik siya at binalikan niya ang maling babaeng pinagbigyan niya nito. Natigilan siya ng makita ang mukha nito, pamilyar sa kaniya ang babae. "It's you again! What do you want? Are you trying to mess up my relationship on purpose? Who are you? Why do you keep popping up and making my life so complicated?" galit na tanong ni Joaquin. Tumaas ang kilay ni Eunice. "Excuse me, you're the one who suddenly shows up and does all sorts of things. It's not my fault if your marriage proposal failed. If you weren't stupid, why did you put the ring on me? Are you blind?" sarkastikong sabi niya. Kung hindi ba naman kasi tanga ang lalaking iyon kung bakit lagi na lang siya nitong napapagkamalan na girlfriend niya. Nangunot ang noo ni Joaquin. Hindi niya matanggap ang pagkakamali niya at gusto pa rin niyang isisi kay Eunice ang mga kapalpakan na nangyayari sa kaniya. "Take off the ring, it's not yours! Give me back my ring!" makapangyarihang utos niya. "Why am I claiming it? You're the one who put it on me. Did I ask you for it?" inis nang sa ni Eunice. "Oh, ito na isaksak mo sa baga mo!" sigaw niya.Hinila niya ang singsing sa kaniyang daliri ngunit natigilan siya ng hindi niya matanggal iyon. Naalarma siya at napatingin sa lalaki. Naalarma rin ang lalaki. "Hindi ko matanggal!" sabi niya. "What?" kunot noong tanong ng lalaki. "I can't take off the ring, it won't come off my finger," histerikal na sabi niya. "No way! Don't joke with me like that, I'm not playing around with you.Try to remove it." Inabot niya ang daliring may singsing kay Joaquin at ginawa naman nitong hatakin ang singsing ngunit hindi nga maalis sa daliri nito. "Oh, s**t! What did you do? You know how much it cost?" "I didn't do anything. You're the one who put it on me, right? And how would I know the value of that ring? I'm not a jeweler to know the prices of jewelry," banas na sabi niya, sabay ikot ng mga mata. "It cost 100,000 Euros, do you really think I'll let you keep that expensive ring? Take it off now!" Napaisip si Eunice kung iko-convert sa peso ay magkano kaya ang halaga ng singsing na iyon? Ipinilig niya ang ulo, wala pa siyang time para mag-compute. "What do you want me to do now, cut off my finger just so you can have the ring, is that it?" pilosopong tanong niya. "If there's no other choice, then go ahead, that's what you should do. That ring means more to you than your life, do you even realize that?" sarkastikong tugon naman nito. Nainis ng husto si Eunice sa kaarogantehan ng lalaking kaniyang kausap. Masyado nitong minamaliit ang pagkatao niya. Kung pwede nga lang suntukin niya ito ay kanina pa niya ginawa, para matauhan. "Huh! It's on you. You caused this mess, so deal with it. Just wait till I remove your ring. And don't worry, I won't keep it. I'll return it to you once it's off my finger. Next time, don't be so foolish and blame others for your mistakes." "Just give me your number and I contact you, right away once I removed this thing on my finger." Wala nang nagawa pa si Joaquin kung hindi ang ibigay ang contact number niya kay Eunice. Hindi niya alam kung dapat nga ba niyang pagkatiwalaan ang babaeng ito, kaya lang ay wala na siyang choice. May kasalanan siya, alam niya, ayaw lang niyang tanggapin. Hindi naman maaring basta na lamang niya ipaubaya ang singsing sa taong hindi naman niya kilala lalo pa at mahigit anim na milyong piso ang halaga ng singsing na iyon. "You better stick to your word. If you don't keep your promise, I'll find you. I have people keeping an eye on you, so don't try to trick or scam me. You won't like the consequences." Napabuga ng hangin si Eunice sa labis na pagka-dismaya. "You're so impossible! You caused this, yet you're the one threatening me. I came here to relax, but you're disrupting my peace. If anyone has the right to be mad here it's me, not you." "Don't worry, I'll keep my word. I'll give your ring back to you. I won't take it for myself like you're thinking. I'm not like that." Huminahon naman ang itsura ni Joaquin. "Just call me, okay? Put some soap or any lubricant to make the ring slide off your finger easily," suhestiyon nito. "Yes, I'll do everything. I also don't want to keep this ring on my finger for long." Nagkasundo ang dalawa. Agad na ring umalis si Joaquin, nagmamadali ito, nagbabakasakaling abutan pa si Madeline, kailangan niyang suyuin ang nobya. Hindi niya alam kung anong paliwanag ang gagawin niya para paniwalaan siya nito. Samantalang si Eunice ay naiwang nakatitig sa calling card na iniwan sa kaniya ng lalaki. Binasa niya ang pangalan na nakasulat doon. Joaquin Montoya- CEO and President- Destileria de Montoya Iyon ang nakalagay sa calling card. Napaawang ang bibig niya. Mayaman palang talaga ang lalaking nakaharap niya kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD