CHAPTER TWO
-Zandro-
“Mommy, mommy, mommy,.” mga sigaw na nagmumula sa batang nakatayo sa gitna ng isang kagubatan na patuloy ang iyak at pagtawag sa kanyang ina. Ngunit ni isang tinig ay wala s’yang narinig mula dito, dala na rin ng gutom at pagod ay hinid na n’ya kayang muling maglakad o umalis man lang kanyang kinaroroonan, hanggang sa tuluyan na s’yang nawala ng malay at bumaksak sa damuhan.
Samantala hinihingal naming nagising si Zandro sa ibabaw ng sariling kama, dahil muli naman n’yang napaniginipan ang isang bagay na matagal na n’yang gusto kalimutan. Ngunit sadyang hindi ito maalis sa kanyang isipin kahit nung panahon na nagpsychiatrist s’ya.
“I miss you mom,” nasa tinig niya bagong muling bumangon sa kama at mag tungo sa loob ng cr, para ayusin ang sarili at naisipan na rin n’yang bumaba dahil sa nakakaramdam na rin sya ng gutom at ito rin ang oras na alam n’yang wala ng mga tao sa loob ng mansion at lahat ay nasa kani- kanilang mga kuwarto kung san ang mga ito ay nagpapahinga ng gaanong oras. Hindi na rin s’ya nagabalang magsuot ng damit at nakatapis lang ang babang parte ng kanyang katawan, alam na man n’yang walang tao at walang gustong sumubok na pumasok sa mansion ng ganoong oras, dahil sa rules na binigay n’ya sa mga taong nagtatrabaho sa kanya.
Dahil ang luamabag sa kanyang kautusan ay malaking parusa ang matatamo, kaya naman ganon ang nagging takot sa kanya ng kanyang mga tauhan sa loob man o sa labas ng mansion na kanyang pag-aari.
Darecho s’ya sa loob ng kusina para dun na rin kumain, alam niya ang mga bagay na kanyang gagawin dahil naihanda na ito ng kanyang Nana Mila, isa itong matandang matagal na rin nagtatrabaho sa kanilang pamilya mula pa sa kanyang mga lolo’t lola. Kaya ito lamang ang nagaayos ng kanyang pagkain dahil hindi lingid sa kanyang kalam na marami ang gusto s’yang patayin dahil sa hawak at lawak ng kanilang pamilya na s’ya lamang ang nagiisang taga pagmana ng lahat. Simula ng mamatay ang kanyang mga magulang ay sumunod na rin ang kanyang lolo’t lol na hindi malinaw ang naging pagkamatay kahit kabilaan ang mga ibidensya, kanyang nakikita.
Ngunit isa lang alam n’ya at malinaw sa kanyang isipan mag pa hanggang ngayon sinadya ang lahat ng pagkamatay ng mga ito, at alam n’yang pwede itong mangyari sa kanya ano mang oras mula ngayon. Nasa ganoong s’yang pag-iisip ng may narinig s’yang kumaluskos mula sa gilid ng kusina. Nakaramdam s’ya ng pangamba kaya sinilip niya ang pinamulan ng ingay na yon. Sumulip s’ya sa isang pader na pintuan na s’ya lamang ang nakakaalam isa yong pintuan na kakulay ng pader sa kusina kaya hindi pansin na isa itong pinto kung hindi ito mabubuksan.
Kunertado ito sa likod ng kusina at mula dito hindi ka agad makikita dahil sa mga halamang nakapalibot dito. Nilabas n’ya ang kalahating katawan n’ya para sumilip ngunit ni anino ay wala s’yang nakita, papasok na s’ya ng mahagip ng kanyang mata ang isang babaeng nakatayo sa gitna at nakatingala sa kalangitan na animoy nagdarasal. Hindi s’ya gumawa ng kahit na anong ingay para hindi rin s’ya mapansin ng dalaga hanggang sa nakita n’yang naupo ito sa isang upuan na malapit lamang sa kanya. Pinagmasdan n’ya ang mukha nito at baka kilala n’ya ngunit isang kaba lamang ang kanyang naramdaman mula dito lalo pa at tumingin ito kung san s’ya mismo nakatayo, ngumiti ito na animoy nakikita s’ya.
Mas lalong wala s’yang nagawa ng tumingin s’ya sa mga mata nitong malungkot at galing sa pagkaiyak, gusto n’yang lumabas at kayapin ang dalaga at punasan ang luhang natuyo sa pisngi nito, ngunit alam n’yang gulo lang ang dulot ng gusto n’yang gawin, lalo’t alam n’yang isa ito sa mga bagong katulong na kasama ni Nana Mila kahapon ng galing ito sa palengke.
Wala kasing makatagal na katulong dito madalas hindi rin marunong sumunod sa rules na gusto at kung minsan ay sinusubukan pa siyang akitin para lang lumabas ako ng kuwarto pero alam kong galing ang mga ito sa kalaban ko sa labas kaya hindi tumatagal ng bente kuwtro oras ay pinaaalis ko na ang mga ito,.
Akala ng iba ay sobra akong istrikto pero hindi ni alam na laging nasa panganib ang buhay ko kaya kaylangan ko lang na mas maingat dahill kung hindi baka wala rin ako dto sa mundo. Muli kong tinignan ang dalaga ngunit nakapikit na ito at makikitang dinadama nito ang sariwang hanggin sa labas nararamdaman ko ang malamig na hanggin dahil sa pintuang naka awang. Ilang sandal pa ay lumayo na ito at umalis papunta ito sa daan kung san naroroon ang mga kuwarto ng mga taga silbi dito sa mansion.
Sinikap kong matulog at ipikit ang aking mata ngunit mukha ng dalaga ang nakikita ko, hindi s’ya mawala sa isipin ko nagtataka man ay minabuti ko paring matulog dahil marami akong gagawin bukas sa opisina ko.
“Yes, I have work tomorrow.” Maaga rin akong umaalis at laging may suot ng maskara sa tuwing pupunta ako ng opisina ko sanay na rin naman sila sakin, and beside wala akong pakialam sa mga sasabihin nila, because this my life and I pay them.
Habang nasa opisina ako hindi ko inaalis ang maskara kahit ano pa ang mangyari, until my sectary calls me on phone.
“Yes, malamig na sagot ko dito. “Sir, sorry po but you have a lunch meeting to Mr. Rosales and Mr. Tamora, sabi nito sa mababang boses. “Ok, sagot ko lang at binaba na ang phone.
Ayokong makipagusap ng matagal lalo pa sa mga babaeng mahilig mang-akit sakin, ngunit alam kong walang planong akitin ako ng secretary ko dahil alam kong may asawa’t anak na ito, ngunit ganito lang siguro ko sa kanila maliban nalng siguro kay Karen, hini ko maintindihan pero alam kong panatag ako kung makakasama ko s'ya ."Yes, I know her natxt ko kay Nana Mila at tinanong ko kung sino ung dalagang nasa labas kagabi ng bumaba ako para kumain.
Matagal ang naging reply n’ya sakin kaya naman tinawagan ko na ito at narinig ko pang pinagagalitin ang dalaga, sinabi ko na lang kay Nana Mila na pagsabihan na lang at wag paalisin, kahit ako ay nalito sa mga lumalabas sa bibig ko habang kausap ni Nana Mila thru phone.
Ngunit wala naman akong maramdamang kahit na anong galit sa sarili kadalasan kasi kapag ganito ay galit na ako at basta ko nlng ibabaksak ang phone ko sa mesa sa loob ng opisino. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto akala ko ay secretary magsasalita na sana ako ng makita ko ang nakangising mukha ni Khen and First cousin kong wala din pakiaalam sa mundo.
“What are you doing here?”. Tanong ko dito habang inaayos ko sa mesa, lumapit ito at pinakatitigan ako ng nakangiti pa ang loko. Nahiga ito sa sofa at humalikhip sa braso habang nakapikit, “I have an important meeting today. Can you go to your office and do what you want to do? My office is not your room for sleeping." Asar na salita ko dito, bahala s’ya sa gusto n’yang gawin basta umalis na siya, nakakaloko kasi panay ang ngisi akala mo parang baliw na nakakakita ng kuna ano.