CHAPTER THREE
-Zandro-
Maloko talaga ang pinsan kong itong, hindi na lang nakontento sa loob ng office eh sumama pa sa lunch meeting ko, hindi ko na lang sinama ang secretary ko dahil s’ya nalang daw muna ang sasama sakin at darecho na raw kami ng uwi dahil dun daw s’ya mag stay sa mansion ko hinayaan ko na lang dahil alam ko naming hindi ito magpapaawat sakin, ano naman kaya ang nakain nito at sumama sakin ng kipit-balikat na lang ako dito.
Bago paman ako makapasok sa isang private room ng restuarant ay nakahanda na rin ang lahat doon, sa likod ako dadaan para walang makakita sakin na kahit na sinong tao, akin din ang buong lugar kaya madalas ay dito ako nakikipagmeet sa mga cleyente kong gustong makipagmeet.
Nasa gitna kami ng meeting ng may dumating ang isang dalagang ang tansya ko ay kasing edad lang namin ng pinsan ko. Humalik ito kay Mr. Rosales at nalaman kong anak niya itong Girlie at ang sabi nito ay classmate kami ng high school until college daw, pero hindo s’ya malala at hindi ko s’ya kilala.
Sa nagiging pag-uusap naming ay napupunta sa pag-aasawa ni Girlie at halatang nirereto ito sakin ni Mr. Rosales pero wala naman akong pakiaalam dun, sa suot palang nito alam ko ng marami na itong karanasan kahit sabihin pang hindi pa ito ng kaka boyfriend pero hindi ako naniniwala dun kahit papaano may alam ako sa katawan ng isang babae alam ko ang virgin at o hindi na kaya, napapangisi na lang itong pinsan kong si Khen dahil sa pinagsasabi ng ama nitong malungkot ang pagkakasabing baka wala ng lalaki ang magmamahal sa anak n’ya.
Gusto ko masuka sa mga pinagsasabi nila mabuti na lang at natapos na ito na close deal na rin ang lahat ng kylangan. Nauna na akong tumayo matapos makipagkamay sa mga ka meeting ko at walang lingon-lingon na iniwan ito. Alam ko namang nakasunod sakin si Khen at may mga tauhan akong nagmamasid sa bawat galaw at lakad ko, nakatago lang sila dahil ayokong may asong sunod ng sunod sakin.
Full training din ang lahat ng assassin na nakabantay sakin sa loob ng bente kuwatro oras, mula pa silang lahat sa lolo ko at organization na pinamumunuan ko nagyon. Kaya kahit papaano ay tiwala akong lumabas kahit walang bodyguard.
Nasa beyahe na kami ng may biglang putok ng baril ang narinig namin, nag radio agad si Khen sa kabilang sasakyan kung san galing ang putok ng baril. “King anong nangyayari, tanong nito sa tauhan ko. “Boss may nakasunod po satin pero wag po kayong mag-alala kasi kaya po naming sila mailigaw boss.” Sagot nito kay Khen, hindi naman ako nagaalala dahil sa sanay ang mga ito at bulletproof ang lahat ng sasakyan ko kaya kahit papaano at panatag pa rin ako.
Ngunit isang mabilis na pagsabog ang nagpabalikwas sakin dahil sa lakas ay muntik na aking tumaob nabuti na lang ay magaling ung driver ko at nakabig n’ya kaagad ung manubela at kahit papaano ay naka layo kami sa lugar nayon. “Shitttt” malakas na sigaw ni Khen habang hawak ang cellphone at may binabasa ito. “What happened couz”? tanong ko dito. “I already know who they are.? ”. Sagot nito na nakayukom ang kamao. “Mr. Tan and Mr. Yuri sila na lang ang naiwan na kalaban nila Daddy at lolo, kaya tiyak na sila rin ang may kakagawan nito.” Sagot ko dito habang na labas ng binata nakatingin. “I think you are the wrong cousin.” Sabi niya nakapagpalingon sakin. “How well do you know Mr. Romeldo Suarez?” Tanong n’ya sakin na nakapagpakunot ng noo ko. “I don’t know him.” Patanong na sagot ko dito. “We need to know him?”, sambit nito at may tinawagan.
Hindi ko nalang ito pinansin pa dahil naguguluhan na ako sa mumdong ginagalawan ko gusto ko ng matapos ito at magkaroon ng simpleng pamilya, pero paano ko gagawin kung sinusundan ako ng panganib ayokong madamay ang bubuuin kong pamilya ng dahil sa organization na minana ko sa mga magulang ko.
Nasa ganon akong pag-iisip ng magsalita muli si khen at sabihing narito kami sa mansion, nagulat pa ako kasi nakita kong maraming sugatan na dinadala sa basement don kasi nakalagay ang mga gamot dun din kasi ginagamot ang mga sugatan kumpleto pati sa ibat-ibang klase ng gamot ay meron dito, may doctor din kami na pwdeng tawagan kahit anong oras kahit ang panganganak ay pwde rin dito kung kaylangan.
Agad akong pumunta sa kuwarto dahil ayokong makita ako ng mga katulong ngunit hindi nakaligtas sa mata ko ang nakitang pag-aalala ni Karen habang alam kong sakin s’ya nakatingin, marahil ay nalaman na n’ya ang nangyari kaya ganon ang kanyang pag-aalala. Napailing nalang ko hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman lalo pa ay mabilis ang t***k ng aking puso sa tuwing makikita ko ito.
Gusto kong malaman ang lahat ng nangyari at kung sino ang bagong kalaban na Mr. Suarez? Pagkatapos kong mag-ayos ay naabutan kong si Khen na nakahiga naman sa sofa ko dito sa loob ng liblary, ang hilig talaga matulog ng gagon’g to.
Pero alam ko namang gising ito, “Now tell me who Mr. Suarez?” tanong ko dito kahit alam kong may idea na ito kung sino ang gagon’g yun na tumangbang samin. Naupo ito uminom muna ng kape bago muling magsalita. “Someone who wants to kill you.”., darechong salita nito na ikinoo’t ng noo ko, sinasabi na nga at bagong kalaban na naman hanggang kaylan ba sila matatapos nakakasawa na. “How did you know that?”. Balik na tanong ko dito habang tumayo at nagpunta sa may veranda kung san gusto kong lumanghap ng sariwang hangin.,
“I Don't know much about him yet but I'm making him work.” Paliwanag nito at tumabi na rin sakin at tinatanaw ang mga tauhan na nagbabantay. Hanggang sa bigla na lang ito nag mura at namamadaling umalis at bumaba, ilang sandali pa ay nakita ko na itong may hinilang babae sa bandang pool nagtaka man ay hindi ko na lang pinansin kilala ko ang pinsan ko pagdating sa babae, pero sa pagkakaalam ko kaylan lang ay may hinahanap itong isang babaeng kinaiinisan nito.
Habang napapaami ang inom ko ng alak ay nagpasya na akong bumalik sana sa kuawrto ngunit biglang bumukas ang pintuan at dali dali akong nagtago sa isang kurtinang makapal na alam kong hindi nito makikita na may tao doon.
Sumilip ako at nakita ko ang mukha ni karen na palinga-linga sa paligid, nagmasigurado na n’yang walang tao ay nagligpit na s’ya at inayos ang mga papel sa ibabaw ng table ko nakita niya ang picture ko na nakapatong dun. Kinuha niya yun at pinunasan nakita kong napangiti s’ya habang pinagmamasdan ang litrato ko.
“Sana po maging mayos ang pakiramdam nyo Senyorito, kasi po nag-aalala po talaga ako alam kong mabuting tao kayo kaya po magpagaling na po sana kayo ipagdarasal ko naging maayos po ang lahat sa inyo”. Mahabang sambit nito.
Ilang sandali pa ay lumabas na ito dala ang tray na alak. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko at ang bilis ng kabog ng dib-dib ko, “Ngayon lang ako nakarinig nagpaalala sa ibang tao, ang sarap pala sa pakiramdam na may nag-aalala sayo”. Mariing sambit ko saking sarili, kasabay ang pasilay ng ngiti sa aking labi. “I want to know everything about this girl”. Bulong ko sa aking sarili.