“Yes, titira po muna ako sa kaibigan ko. Palagi ako mag-update sa ‘yo, ma, thank you.” Nakailang ayos na ‘ko sa aking buhok pero hindi ako mapakali dahil sa mga kissmark ko sa leeg. Kausap ko rin si mama habang nakalapag ang cellphone ko table na karugtong ng malaki kong salamin. Kababalik ko lang sa dorm ngayong 8:00 a.m. na dapat ay 6:00 ko nga plano pero nakatulog ako nang mahimbing. Nang magising naman ako ay nag-almusal pa kami ng sabay ni Benjamin dahil nagugutom daw siya. “Sige, hindi bai yon malayo, Tammy?” “Hindi po, ma. Malapit lamang iyon dito sa dorm.” “Sige, mag-iingat ka, update mo na lang ako.” Simula nang pumunta ako sa manila, hindi masyadong pala-tanong si mama sa akin. Kapag sinabi kong lalabas ako, makikitulog sa kaibigan o maybabakasyon ay hindi naman siya masyad