“Bakit hindi ka na bumalik sa party?” tanong uli sa ‘kin ni Joanne. Kumakain kami sa cafeteria. Nanghihina pa rin ang pakiramdam ko. Nang malaman ni Benjamin ang tungkol sa pagpapanggap ko bilang anak ng mga bilyonaryo na magulang niya mismo, at pagiging heredera ng Villa Del Rosario ay galit na galit siya sa ‘kin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nag-usap na kami at paulit-ulit akong nagmakaawa sa kanya na ‘wag niya ‘yong sabihin sa ‘king mga kaibigan pero hindi ko alam kung nakumbinsi ko siya. Ang sabi niya no’ng kausap niya ‘ko sa sasakyan niya ay mag-uusap uli kami. Pero mag-four na pero wala pa rin siyang message sa ‘kin. Gusto kong pag-usapan namin ito kaagad. “Hey, Tams, is there something wrong? Are you sick?” tanong pa ni Joanne. “Hindi maganda ang pakiramdam ko, siguro a