"Anong cheat?" Kinabahang saad ko at naglakad si Sir papunta sa amin. "Why are you sleeping, Ms. Trevisani?" Saad ni Sir sa malalim na boses kaya siniko ko ang tagiliran ni Lyxeena. "Gumising ka, hoy," gising ko sa kan'ya kaya agad siyang napa-upo ng maayos at humikab na naman. Agad tumikhim si Sir na nasa gilid ni Lyxee nakatayo. "Again, why are you sleeping, Ms. Trevisani?" Pag-uulit ni Sir. Natuwid ang upo ni Lyxeena nang marinig niya ang boses ni Sir kaya napa-angat ang tingin niya sa teacher namin. "Po? Inaantok po kasi ako," sagot niya. "Tapos kana sa sinasagutan mo dahil natutulog ka na?" Kunot-noong tanong ni Sir kaya napatingin si Lyxeena sa papel niya. "Malapit na po matapos," nakangiting saad niya kaya napatingin si Sir sa papel ni Lyxeena. "Teka, kakasimula pa lang ng qu