"Wait, what?" Hindi makapaniwalang saad ko. "Oo nga, nangyari 'yun noong nakaraang araw tapos natatakot ako na sabihin sa 'yo. Ganito kasi 'yun, nahulog 'yung lip tint ko mula sa pouch ko tapos sabay naming pinulot ni Davina 'yun tapos nung pag-angat ng tingin ko ay subrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa at parang ilang dangkal na lang ang layo ng mga labi namin. Tapos nu'n ay unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko pero agad akong tumayo para maka-iwas, ew!" Nandidiring saad niya at parang mamamatay na siya dahil sa mga pinagsasabi niya. "Crush ka nga niya talaga," nakangiting saad ko. "Tigilan mo nga 'yang pagshi-ship mo sa akin sa babaeng 'yun, Moon, nasusuka ako," saad niya at tumayo. "Bahala ka nga riyan, babalik na ako sa set," naiinis na saad niya at nagmartsa pa