CHAPTER 32 Makalipas ang limang araw ay tuluyan na ngang umalis si Sammy sa Black Island gaya nang napag usapan nilang dalawa ng kaniyang boss. Hindi din kasi inaasahan na mapapadali ang mga gawain ng lahat para sa project na yun. Sapagkat, matapos ang ipanakitang pagka istrikta ni Breigh sa huling meeting nila ay natakot na ang buong team niya at binigay na nila ang best nila. Sa katunayan nga ay halos wala na silang pahinga. Ngayon kasi ay nag sisimula na silang gumawa ng blueprint kaya kahit mag a-alas onse na nga gabi ay gising pa rin si Brian, Karylle, si Harold at kahit personal assistant lang si Castiel ay tumutulong na rin siya sa mga ito tungkol sa mga malilit na bagay. “Guys, mag kape muna kayo.”mahinahon na wika ni Castiel nang lumapit na siya sa kaniyang mga kasama habang m