CHAPTER 13 ‘The Starting Point’ Third Person’s POV Halos tumahimik ang buong corridor ng Up Land Company nang mabalitaan ng mga empleyado ang pag dating ng kanilang boss na si Breigh Walkerson. Kahit na nag pa-park pa lang ng kotse ang driver niya at hindi pa siya nakakababa ay umabot na sa 10th floor ng kompanya ang pag dating niya ng umaga na yun. Bakit? Simple lang naman ang paliwanag, dahil sa nangyaring general meeting nung araw na bumalik si Breigh sa Pilipinas ay natakot na ang mga empleyado sa kaniya lalo na yung mga taong hindi siya kilala noon at ang mga baguhan. Samantalang, punong-puno naman nang pagtataka ang mga empleyado na nakasalumuha niya noon. Nagkaroon pa nga nang pagkakataon na mag usap-usap ang mga dati nang empleyado ng Up Land nung break time nila habang kasa