CHAPTER 22 'Personal Assistant? ' Breigh’s POV Hindi pa man ako tuluyang nakakarating sa mismong opisina ko ay agad na akong sinalubong ni Sammy, hindi din nakaligtas sa mga mata ko ang ibinabato niyang ngiti sa akin. Kahit nag tataka ay hindi ko na lang yun pinahalata sa kaniya. “Good morning po Ms. Walkerson.”bati niya sa akin at para bang sa tono nang pananalita niya at ekspresyon ng mukha niya ay may maganda siyang balita na sasabihin. Dahil doon kaya naman awtomatikong napatigil ako mula sa paglalakad para harapin siya. Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin at hindi naman nag tagal ay nagsimula na siyang mag salita. “Kanina pa po nag hihintay sa inyo si Mr. Castiel Denford. May mahalaga daw po siyang sasabihin kaya naman po pina diretso ko na siya sa opisina niyo.”wika niya