CHAPTER 39 Hindi maiwasan ni Castiel na titigan niya si Breigh habang nakatalikod ito sa kaniya. Nakatayo lang kasi ang dalaga sa may unahan ng yate kung saan doon mangingisda si Castiel. Gusto na sana niyang lumapit pero pinigilan niya muna ang kaniyang sarili dahil nasisiyahan pa siyang tingnan ang dalaga mula sa malayo dahil mukhang malalim ang iniisip nito at sigurado siyang mag a-apoy na naman ito sa galit dahil sa suot niyang bathrobe. ‘Siguro iniisip niya kung bakit wala pang nag re-rescue sa amin ngayon mula sa isla.’ Na sambit na lang ni Castiel sa kaniyang sarili. At dahil mag hahapon na nga kaya naman napag desisyunan na ni Castiel na lumapit na kay Breigh. Nag aalala kasi siya na wala siyang mahuhuli, ayaw naman niyang magutom ang dalaga. “Parang ang lalim ng iniisip mo ah