CHAPTER 55 "Pwede bang bitawan mo ko, kaya ko ang sarili ko. "Pa singga na wika ni Breigh kay Castiel habang hawak-hawak ng binata ang kamay niya. Kasalukuyan kasi na lumalabas na sila ngayon ng ospital para bumalik sa Black Island. Maaga kasing nagyaya si Breigh na lumabas na ng ospital kasi ayaw niya nang magtagal pa doon. "Baka kasi matumba ka o baka bigla kang mahilo."sagot naman sa kanya ng binata at muli siyang hinawakan nito sa kamay. Huminto siya sa paglalakad at marahas na binawi niya mula sa binata ang kamay niya at galit ito na binatuhan nang tingin. "Kaya ko ang sarili ko! Lumayo ka sa akin kung ayaw mong masipa kita. "May pagbabanta na wika pa ni Breigh at nauna na siyang maglakad kay Castiel. Ngunit hindi pa man nakakalayo ang paghakbang niya ay biglang nadulas si