Kabanata 20

1284 Words
Naya’s POV Masaya kaming nagtatawanan nila Ate Ayah, papa at mama dahil nakakatawa ‘yung mga biniling damit ni mama. Nadaan daw kasi siya sa ukay-ukay, naisip niya na tumingin doon para may madala raw akong mga outfit sa shooting namin ni Stefano sa Saturday, hindi niya alam na may mga stylist doon. Akala niya, dapat magdala ako ng sarili kong damit. Naiisip ko tuloy na baka ang naiisip niya ay parang JS prom ito o sagala, na kung saan, dapat ikaw ang bahalang umarkila ng mga damit ko. Pinagtatawanan tuloy siya sina papa at Ate Ayah, lalo’t kung ano-ano pang mga damit ang binili niya. May dress pa na tila galing pa sa mga ninuno namin. “Uy, tama na ang kakatawa. Ginawa lang naman ni mama ‘yan dahil concern siya sa akin,” sabi ko para mapagtanggol ko naman si mama. “Akala niya siguro ay wala pa akong damit na isusuot. Ganito po kasi ‘yan, mama. Doon po, may naka-ready na akong isusuot. Kumbaga, ang team na po ni Stefano ang bahala sa mga damit ko. Kaya nga po nung pumira ako ng contract e, sinukatan nila ako ng katawan para alam nila ang sukat ng mga damit na kakasya sa akin,” paliwanag ko. “Ganoon pala, naku, gawin na lang nating basahan ang mga ito,” sabi ni mama na halata sa mukha ang pagkadismaya. “Huwag mama, ako na pong bahala diyan. Pagagandahin ko ang mga luma ng mga damit na ‘yan,” pigil naman ni Ate Ayah na tumigil na rin sa pagtawa. Naramdaman na rin siguro niya na parang napapahiya na talaga si mama sa amin. Natigil kami sa paghuhunta nang biglang may humintong mga sasakyan sa harap ng bahay namin. “Anong mayroon at tila ang daming sasakyan sa labas?” tanong ni papa na una ring napadungaw sa labas. “Sino ba nga ‘yan?” tanong ko rin na naglakad na papunta sa gate ng bahay namin. Nagtaka ako kasi halos tatlong sasakyan sila tapos ang gaganda pa ng mga car nila. Unang bumaba sa sasakyan si Miss Hannah, ang secretary ni Stefano kaya kinabahan agad ako. Hala, baka hindi na tuloy ang shooting ah. Hindi kaya dahil sa scȁndȁl ni Stefano? Mapupurnada pa ata ang masayang pangyayari na ‘yon. Hanggang sa makita kong may bumabang guwapong lalaki sa isa pang magandang sasakyan. Parang bumagal ang ikot ng mundo ko nang makita kong si Stefano ang lalaking ‘yon. Nagsimulang magkagulo ang mga kapitbahay namin nang makilala na nila si Stefano. Doon na agad kumilos ang mga bodyguard na kasama niya. Pati ang secretary niya in-assist na rin siya para agad makapasok dito sa amin. Binuksan ko naman kapagdaka ang gate kasi alam kong dito sa bahay ang tungo nila. Nang muli kaming magkaharap ni Stefano, natameme at halos hindi na naman ako nakakibo. “Hi!” bati niya pero hindi ko agad napansin kasi napatitig talaga agad ako sa mukha niya. Tila walang bahid ng stress ang mukha niya dahil sa pagkalat ng scȁndal niya. Kung ano siya dati, ganoon din siya ngayon. “H-hello, Naya. Okay ka lang?” tanong niya ulit kaya roon lang bumalik ang wisyo ko. “S-sorry, hindi lang ako makapaniwala na pupunta ka rito sa bahay namin.” Lumingon ako sa likuran ko. Maging sina Ate Ayah, Papa at Mama ay natulala lang dahil nandito si Stefano. Pinapasok ko sila sa loob ng bahay namin. Si mama, agad namang naghanda ng maiinom at makakain. “Sorry kung biglaan, hindi ka raw kasi sumasagot sa secretay ko, Miss Naya,” sabi ni Stefano habang nakaupo na kami sa loob maliit na living area namin. Nakakahiya, hindi pa naman kami prepare, medyo malibag pa ang bahay tapos nagkalat pa ‘yung mga ukay-ukay na binili ni mama. “Naku, sorry, Stefano. Nasa kuwarto ko kasi ang cellphone ko, tapos galing pa ako sa clothing shop, may shoot din ako sa Sunday ng mga new design na ilalabas ng boss ko,” paliwanag ko sa kaniya. “Ganoon pala, busy ka rin palang tao. Anyway, ang dahilan kaya ka namin kino-contact ay dahil gusto naming ipaalam na magsu-shoot din tayo ng ilan scene sa loob ng kuwarto mo na idadagdag sa music video ko. Nakita ko kasi ‘yung video ng secretary ko sa bedroom mo. Na-cute-an ako kaya naisip ko na idagdag ‘yan sa mga scene na isu-shoot natin,” sabi niya na lalo kong kinagulat. “Hala, nagulat ako ng husto diyan. Hindi mo alam, Stefano kung gaano ko inalagaan at pinaganda ang bedroom ko. Sabi nga ng parents ko, kuwarto ko pa ba raw iyon o kuwarto ni Stefano. Kahit saan ka kasi lumingon, litrato at puro tungkol sa iyo ang makikita,” sabi ko kaya nakita kong napangiti na naman siya. Dahil doon, nag-aya si Stefano na I-tour ko siya sa kuwarto ko. Tang-ina, pamura lang ng isa. Dati, isa ‘to sa mga in-imagine ko. ‘Yung tipong, sana kako masama ko si Stefano sa bedroom ko para makita niya kung gaano ko ito pinaganda. At, heto na nga. Mangyayari na kaya kinikilig na naman ako. Pagdating namin sa loob ng kuwarto ko, nakita ko agad na napanganga si Stefano. Hinid niya alam kung saan siya titingin. Hindi niya alam kung anong una niyang titignan. “Wow, ang ganda nga pala nito sa personal,” puri niya agad. Inikot niya ang tingin niya sa buong kuwarto ko. Lahat ng nakikita niya, puro mukha niya. Dingding puro picture niya, sa cabinet naman puro album at CD niya, sa kama ko mga mukha niya rin ang laman ng punda, sa mini table ko, naroon ang patong-pato na mga magazine niya. Nakakahiya nga lang dahil nandito rin ‘yung mga nȁkaw kong tarpulin sa mga ads sa labas na makikita ko ang mukha niya. At sa tingin ko, iyon ang dahilan kaya siya natawa. “Miss Naya, perfect talaga itong bedroom mo para sa music video ko. Magsu-shoot tayo ng ilang mga sweet moments natin dito sa Monday,” sabi niya kaya nagulat agad ako. “Agad-agad?” “Bakit, hindi ka ba puwede? Sabihin mo lang para ma-move natin?” Sa sat kasi may shooting na kami sa resort, sa Sunday naman may pictorial ako sa studio ni Boss Jelo, tapos sa Monday dito naman pala sa bahay. Wala akong pahinga, baka bumigay ang katawan ko. Pero para kay Stefano, go, lalakasan ko na lang ang loob ko. “Hindi, ayos lang naman, Stefano,” sabi ko na lang kasi nahihiya naman ako na magpa-move pa ng schedule. Sino ba ako para gawin pa ‘yon. “Anyway, may kailangan ka rin palang malaman,” sabi niya kaya doon na ako kinabahan. Aamin na kaya siya na may gusto siya sa akin. Asa, ang taas ng pangarap ko kung ganoon. “A-ano ‘yun, Stefano?” tanong ko naman. “Wala naman sigurong magagalit sakaling magkaroon tayo ng scene na may kiss sa lips?” tanong niya kaya napaupo ako bigla sa kama. Para akong nawalan bigla ng lakas dahil sa narinig ko. Seryoso ba siya? Tama ba ako ng dinig? Tang-ina, hindi naman sigurado panaginip ‘to. Totoo naman siguro ang sinabi niya na may kissing scene kami? “A-ayos ka lang?” tanong niya na tila nag-alala. Napalulon ako ng laway. “T-tama ba ako ng dinig? Kiss?” paglilinaw ko pa kaya nakita kong tumango siya kaya tama nga ako ng dinig. Para akong maiihi sa sobrang kilig. Ibig sabihin, matutupad na rin ang isa sa pangarap ko. Ang magkaroon kami ng kiss sa lips ng idol kong si Stefano. Lucky fan talaga ako. Sobrang suwerte ko, syet!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD