Kabanata 19

1201 Words
Stefano’s POV “Bakit wala ka manlang inaalala sa nangyari sa ‘yo?” tanong sa akin ni Livia habang nag-e-enjoy ako sa pagkain ng almusal matapos ang maghapong nangyari kahapon na pinagpi-fiesta-han ang video ko na nagsasarili. Ngumiti lang ako at saka siya tinignan. “Livia, ayos lang ‘yon. Lahat ng mga sikat na artista, pinagdadaanan din talaga ‘yan. Hindi na ako nahihiya. Mag-isa lang naman ako doon, mabuti kung may kasama ako, oo, mahihiya ako, kaya lang mag-isa lang naman ako. Saka, lalaki ako, natural sa mga lalaki ang nagma-masterbȁte.” Inabutan niya ako ng baso at saka pinagsalin ng juice. “Nag-aalala lang ako na baka may pangit na effect ito sa career mo,” sabi pa niya saka binaba sa lamesa ang pitcher ng juice. “Baka rin kasi tinatago mo lang sa akin na stress ka, pero ang totoo ay stress ka sa nangyaring ‘yon.” Umiling ako at saka ngumiti. “Maganda nga ring effect ‘yon gayong maglalabas ako ng bagong music video. Sa sabado magsu-shoot na nga pala ako,” sabi ko sa kaniya habang naglalagay pa ako ng ulam sa plato ko. Ganadong-ganado ako ngayong araw kasi maging ang mga old song ko ay nakiki-hype sa nangyari. Hindi alam ni Livia na mas masaya kapag ang singer ay naging maingay at matunog, lahat kasi ng tungkol sa akin, ini-explore ng mga fans, especially those who weren’t fans before. My manager said that the views and listeners of my songs have increased since yesterday. With so many new listeners added, it’s sure to boost my ad revenue as well. Yes, this has a negative effect on my reputation, but there are also positive benefits from what happened, so it’s okay with me. I know that the scandal will eventually pass and people will forget about it. “May lakad ka ba ngayong araw, ako kasi mayroon e?” tanong ni Livia matapos kaming mag-almusal. “Yes, I want to check out the location where we will be shooting my music video. Sometimes, resorts look good in pictures but turn out to be unattractive in person. So, before Saturday, I need to see the location first. That way, if it doesn’t look good in person, I still have time to choose a different, better resort,” sagot ko sa kaniya habang paakyat na kami sa kuwarto namin. “Anyway, nabalitaan ko na ‘yung nag-viral na fan mo ang kinuha mong leading lady, iba ka rin maglaro, Stefano. Alam na alam mo kung paano paiingayin ang mga fans mo. Good job ka sa part na ‘yon,” sabi ni Livia na kuha na rin kung paano mangiliti ng mga fans. “Saka, impyernes, pretty siya. Hindi na rin masama ang ibabayad mo sa babaeng ‘yon,” dagdag pa niya. “Ang sabihin mo pa, iisipin ng mga fans na gawa-gawa ko lang ang scandal na iyon kasi maglalabas ako ng bagong music video. Hindi ba’t ganoon minsan mag-ingay ang mga artista, kunyari mag-iingay at gagawa ng pekeng issue, pero ang totoo, maglalabas lang talaga ng bagong music video o kundi naman ay bagong movie. Para lang may mapag-usapan at para masingit ang pag-promote. Kaya nga hindi ako na-stress sa nangyari, kahit nung una, natakot din ako. Saka, puwede kong palabasin na AI lang ‘yon. Sa panahon ngayon, sikat na sikat na rin ang mga AI kaya mabilis lang linisin ang ganiyang scandal. ‘Yon cellphone na iyon, sa kaniya na iyon kung sino man ang nakapulot. Mabuti na lang at wala roon ‘yong mga mahahalagang bank accounts ko at kung ano pa man. Hindi ko iyon nilalagay sa cellphone na nilalabas ko sa labas, kasi alam kong may mga ganito ngang pangyayari. Mabuti na lang at matalino ako.” ** I’m now at the location where we will be shooting my music video on Saturday. Mabuti na lang, it looks great here. I don’t need to look for a second option because this resort, with its beauty and spaciousness, is already approved by me. “So, ano, okay na ba, Sir Stefano?” tanong ng secretary ko. Tumango ako. “Yes, okay na okay na,” sagot ko. “Ay, sir, may ipapakita nga pala ako sa ‘yo. Nakalimutan ko kasing ipakita ito sa ‘yo nung papirmahin namin ng contract si Miss Naya, tignan niyo po ‘to,” sabi ng secretary ko saka niya pinakita ang video sa cellphone niya. Napangiti ako kasi talaga palang number one fan ko itong si Miss Naya Cuervo. “Ah, may naisip ako,” sabi ko sa kaniya. “Idagdag natin ‘yan sa music video ko.” “H-ha?” nagulat tuloy ang secretary ko. “Oo, idadagdag natin ‘yan. Maganda naman ‘yung room niya, saka hindi na natin need mag-effort pang mag-ayos kasi ayan na, nakaayos na ang room niya. Puro mukha ko ang laman niya kaya maganda,” sabi ko sa kaniya kaya wala na siyang nagawa kasi kapag nag-decide ako, ayon na talaga ang mangyayari. “Bale, sir, Saturday din po ang shoot sa bahay nila. Pero, teka, baka need muna nating contact-in si Miss Naya tungkol diyan?” “Oy, Hannah, secretary kita, bakit nagtatanong ka pa sa akin? Dapat alam mo na ‘di ba ang gagawin mo?” Ngumisi siya at saka tumango-tango. “Heto na nga po, tatawagan ko na po si Miss Naya para magtanong,” sabi niya saka nagpaalam na tatawagan muna si Naya. Habang nandito pa kami, naglakad-lakad muna ako. Maganda dito ang infinity pool. Naisip ko na maganda ang shoot dito kapag sunset na. Dito ‘yung naisip ko na last scene namin ni Miss Naya. Tiyak na magiging maganda ang music video ko kasi paghahandaan at gagandahan namin ito. Mabuti na lang din at nakisakay si Miss Naya sa trip ko. Sabagay, bakit nga naman siya tatanggi e, ako naman ‘to. Bukod sa makakasama na niya ako, kikita pa siya. Maya maya, bumalik na si Hannah para kausapin ulit ako. “Sir, hindi po sumasagot si Miss Naya. Parang naka-off po ang phone niya,” sabi niya kaya tumango na lang ako. “Daan na lang tayo sa bahay nila. Alam mo naman ‘di ba kung saan ang bahay nila?” “Sir?” “Ikaw, Hanna, malapit na kitang patalsikin. Ayoko pa naman nang kumokontra sa mga gusto ko,” seryoso kong sabi sa kaniya. Habang tumatagal kasi, the more na nagiging close kami, parang nagiging epal na siya. Gusto ko lang iparating sa kaniya na secretary ko lang siya, hindi boss. Daig pa niya si Livia o ang manager ko sa pagkontra, e. “Sabihin mo lang kung pagod ka na, puwede naman kitang palitan.” “Sorry po, sir. Sige po, ipapahanda ko na ang kotse para pumunta tayo sa bahay nila Miss Naya,” sabi niya at saka na ako nilayasan. Sa totoo lang, ayoko nang pinapagalitan sila. Kaya lang, kapag sobrang bait ko kasi, sinasamantala na nila ako. Ayoko ng ganoon. Muli akong tumingin sa sunset. Naisip ko, pumayag din kaya si Miss Naya na magkaroon kami ng isang kissing scene habang ang background ay sunset?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD