When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Naiiling na ibinaba ni Philipp ang kanyang cell phone, hindi man niya alam ang tunay na rason kung bakit napatawag sa kanya si Lorraine ay naibsan naman noon ang matinding kalungkutan dahil sa hindi inaasahang naging sagutan nila ni Mikaella kanina. Ibabalik na sana ang cell phone sa bulsa ng muli 'yong tumunog, sa sobrang excitement niya ay hindi na tiningnan kung kung sino ang natawag. "Hello, Lorraine?" agad na turan sa pag-aakalang si Lorraine ang nasa kabilang linya. Hindi kumibo ang nasa kabilang linya tulad noong unang tumawag ang babae sa kanya. "Lorraine?" untag niya. "Ahemmm!" tikhim ng nasa kabilang linya. "Is this Philipp?" maang na tanong ng babae sa kabilang linya. Halos mailayo ni Philipp ang cell phone sa tainga nang makilala ang tinig ng kanyang ina. "M-Mama?" bula