Chapter 73:

1673 Words

Katok sa pinto no Lorraine ang gumambala sa kanya, naisip na marahil ay sina Jessy at Jessa kaya naghanda siya. Muling kumatok ang nasa labas. "Saglit," aniya saka mabilis na tinungo ang pinto. Alerto siya sa gagawing pag-atake ng sinumang nasa labas ng kanyang pinto ngunit natigilan siya nang makitang si Philipp 'yon. "A-Ano'ng ginagawa mo rito?" mabilis na tanong niya sa lalaki, bagkus na sumagot ito ay humakbang ito papasok. Mas lalong nataranta si Lorraine sa ginawang 'yon ni Philipp. "W-Wait," awat pa niya rito ngunit wala na siyang nagawa dahil nasa loob na ito. "Pakisara bago pa nila tayo makita," baritonong boses nito. "Ano ba kasing ginagawa mo rito?" ulit niyang tanong rito. "I just wanna talk to you," anito. "Talk?" kunot-noong bulalas ni Lorraine. "Para saan?" dagdag pa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD